Chapter 44

1.3K 107 104
                                    

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Win matapos niya akong hawakan sa braso, kasabay noon ay ang pagdating nila Jill. Pilit niyang sinesermunan ang puro sugat na mukha ni Jinggoy habang naglalakad pabalik sa booth. Nakagat ko na lamang ang labi ko at mabilis na lumapit sa kanila, dahilan para mapabitaw sa akin si Win at hindi ko siya masagot sa tanong niya.

"What happened?" tanong ko.

"Ayan, nakipagbasagan ng ulo. Gusto pa 2 vs. 1, kung hindi ba naman nuknukan ng yabang." inis na sambit ni Jill. "Wait, may nangyari ba? Bakit pawis na pawis ka?"

"Oh uhm, dumating 'yong isa pa nilang kaibigan. Remember? 'Yong humila sa akin noon at bumugbog kay Win?" tanong ko bago tingnan si Kiko na halatang hindi nila napansin, "He's actually here, look"

"What the! I thought natahamik na sila? Why are they attacking you again all of a sudden? And is he dead?" tanong ni Jill nang bahagya niyang sipain si Kiko na hanggang ngayon ay walang malay at nakahandusay sa sahig.

"Sorry, naniniwala pa rin sila na may relasyon kami ni Sara kaya siya ang pinuntirya para makaganti sa 'kin. Don't worry, I'll take care of it." ani Win kaya naman nilingon ko siya, halatang nahihiya siya na nadamay ako kahit wala namang masamang nangyari dahil dumating siya.

"It's okay, don't blame yourself for something you can't control. Let's just report them to the police para siguradong hindi na sila makakalapit sa atin. Baka sa susunod ay mas malala na ang gawin nila."

"Yeah, let's do that." pagsangayon ni Win. Hindi nagtagal ay nag-decide kami na umuwi na rin. Si Jill ay sumama kila Jinggoy para gamutin ang sugat nito, ako naman ay naiwan kasama si Win na inaalok pa akong ihatid ako pag-uwi.

"Mag-taxi na lang ako, alam mo naman na hindi pa rin alam ni Bong na alam mo ang tungkol sa amin." sabi ko habang sabay kaming naglalakad, papalubog na rin ng araw. Hindi ko kasi dinala ang kotse ko dahil sinundo ako ni Jill noong umuwi ako saglit para magbihis.

"Bakit hindi mo pa sinasabi sa kanya?"

"I don't know,  how should I tell him? Paano kung magalit siya?" nag-aalala kong tanong. Kung ako lang ang tatanungin, ayoko magsinungaling kay Bongbong pero may mga bagay talaga ako na hindi kayang sabihin sa kanya. I don't know why, o sadyang umiiral lang ang gut feeling ko na hindi niya magugustuhan once na malaman niya ang totoo.

"Why would he get mad? Kasalanan naman niya kung bakit ko nalaman ang relasyon niyo. Remember? Nahuli kong hinila ka niya papasok ng—"

"O-Okay, susubukan kong sabihin." Pagputol ko sa sinasabi niya dahil maaalala ko na naman kung ano ang nangyari sa kwartong 'yon.

"Well, sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?"

"Yeah, I'll be fine. Don't worry." nakangiti kong sabi so, in the end-nag-taxi lang ako pauwi. Halos sabay pa kaming nakauwi ni Bongbong dahil kasunod ko lang siyang dumating.

"Bakit late ka na umuwi?" tanong ko dahil lubog na ang araw. "May mga tinapos akong paperworks. Kakauwi mo lang ba?" tanong niya at tumango naman ako. Papasok na sana ako sa cr para mag-shower pero naisip ko na yakapin muna si Bongbong.

"Let's shower together." aya ko.

"Sorry, love. I'm tired. Papahinga muna ako." aniya, dahilan para tipid akong tumango. Medyo disappointed, may balak pa sana akong sabihin sa kanya ngunit nag-ring ang phone niya. Mabilis niya iyong kinuha sa bulsa ng pantalon niya kaya naman napakalas ako sa pagyakap sa kanya.

"I need to answer this." sabi niya at tumango lang ako bago siya magpunta ng balkonahe at doon makipag-usap, for a moment-kinabahan ako. Dati naman ay sinasagot niya ang phone niya sa harapan ko, bakit ngayon ay kailangan pa niyang lumayo? Ayaw ba niyang marinig ko ang mga sasabihin niya? Is he cheating on me? Nahampas ko na lamang ang magkabila kong pisngi nang sumagi iyon sa isip ko.

No, Bongbong's not going to cheat. He doesn't want to be like his father. Bumuntong hininga na lamang ako at saka pumasok ng banyo para makapag-shower na pero hindi pa man ako nagtatagal ay kumatok si Bongbong.

"Love, I need to go home," paalam niya.

"Why? May emergency ba?" tanong ko nang patayin saglit ang shower nang sa gano'n ay mas marinig ko sasabihin niya.

"Yeah, susubukan kong makauwi by midnight, wag mo na akong hintayin okay?"

"Okay, ingat ka sa pagmamaneho. Mag-message ka kapag nakauwi ka na."

"I will, I love you."

"I love you, too." ngumiti ako nang tipid at nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto sa labas ay binuksan ko ulit ang shower at tumingala para masalo ng mukha ko ang tubig mula roon.

Hindi ko alam kung bakit pero, parang may mali. Kinukutuban ako na hindi ko malaman, or maybe I'm just being paranoid. Sana ay uuwi talaga siya sa kanila at hindi sa iba pupunta.

FakedWhere stories live. Discover now