Chapter 20

1.6K 96 96
                                    

I walked through the entrance to be greeted by the smell of alcohol and loud music. Karamihan ng tao ay mukhang estudyante pa gaya ko, ang ilan sa kanila ay may hawak na alak, masayang nagsasayaw at ang iba ay nagme-make out pa sa gilid. Napalunok ako nang makita iyon, hindi ko akalain na kung ano ang nakikita ko sa pelikula ay ganoon din sa totoong buhay. Pakiramdam ko tuloy ay pumasok ako sa ibang mundo.

"I'm sorry." agad na paghingi ko ng tawad nang may makabunggo ako habang naglalakad sa loob, medyo hirap pa akong makakita dahil natatamaan ang paningin ko ng mga nakakasilaw na neon lights.

"You alone, miss?" tanong sa akin ng lalaking nakabangga ko matapos niyang humarang sa daan. Ininuman niya ang hawak niyang bote ng alak at umabante palapit sa akin, dahilan para mapaatras naman ako.

"Uh, n-no. I'm looking for my friends." kinakabahang sagot ko. I'm scared, dapat siguro ay sinunod ko na lang ang sinabi sa akin ni Win kanina na mag-message ako kapag malapit na ako. para masundo niya ako sa entrance.

"Wanna look for them together?" Balak ko na sanang tanggihan ang offer sa akin ng lalaki dahil halatang lasing na ito pero nabigla ako nang bigla niya akong akbayan. Kinilabutan ako dahil doon at kung ano-ano ang bigla na lang pumasok sa isip ko na pwede niyang gawin sa akin kapag inalis ko ang braso niya sa balikat ko. What if he tried to hurt me? Rape me?

"Hey!" Mabilis akong napalingon nang marinig ang malalim na boses ni Win. Hindi ko pa man siya natatawag ay nahawakan na niya ang palapulsuhan ko at marahan akong hinatak nang sa gano'n ay mapunta ako sa side niya.

"Who are you?" Halata ang galit sa tono ng lalaking umakbay sa akin kaya naman nakaramdaman ako ng takot. They're not going to punch each other suddenly, right?

"I'm her friend, why?" maangas na tanong ni Win na tila nanghahamon ng away. Aware na ako na may pagkasiga siya noong mga bata pa lang kami pero hindi ko akalain na gano'n pa rin siya paglaki. Is he a thug?

"Kaibigan ka lang pala, kung makaasta ka kalo mo boyfriend ka." nakangising sambit ng lalake. What's wrong with them?

"Haven't you noticed that she looked uncomfortable being touched by a fucking pervert?"

"W-win, let's go." aya ko nang hawakan ko ang suot niyang t-shirt. This is getting out of hand, pwede naman naming 'wag na lang palakihin ang nangyari. Ayokong ma-involve sa physical fight.

"Pervert? Did you just call me a-"

"I'm sorry! He didn't mean that." Agad na pagsingit ko bago hawakan si Win at dali-daling makipagsiksikan sa dami ng tao makalayo lang sa lalaking iyon. Nang makarating kami sa medyo maluwag na space ay binitawan ko na rin siya.

"I told you to message me dahil sabi ni Jill first time mo mag-nightclub, ayan tingnan mo nangyari." sermon niya sa akin at napahawak na lamang ako sa braso, I was about so say sorry pero mukhang alam niya na iyon ang sasabihin ko kaya pinigilan niya ako.

"I don't want to hear your apology, and stop saying sorry all the time it's not a hobby. Don't say sorry when it's not your fault." Gusto ko siyang sagutin ngunit hindi ko ginawa dahil alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niyang iyon at wala siyang masamang intensyon.

"Nasaan sila Jill?" tanong ko na lamang, napahawak ako sa batok ko dahil medyo na-conscious ako. Bukod sa may ilang sumusulyap ng tingin sa akin ay may ibang babae sa paligid na kulang na lang ay ibato nila ang sarili nila sa kasama ko. Well, I can't blame them dahil miski ako ay na-attract sa bad boy look ni Win. I mean, yeah... He's cool.

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon