Chapter 84

1.4K 92 233
                                    

"How long do I need to wait for you to dump your wife?" tanong ni Leni nang pumasok siya sa office ko nang walang pasabi. Tiningnan ko ang suot ko na orasan at malamang sa mga oras na ito ay magkasama pa rin si Sara at Jill.

"Just give me more time."

"No, ang tagal na pero walang nangyayari. Just dump her already. Naiinip na akong makita na nagdudusa ang babaeng 'yon." ani Leni nang suklayin niya ang maigsi niyang buhok at sumandal sa kinauupuan. "Don't tell me wala ka talagang balak na—"

"Are you kidding me? My reputation's at stake, Leni." madiin kong sabi bago mapahawak sa sintido. "I just need more time, give me at least a week."

"Fine" aniya bago tumayo at hawakan ako sa baba, nagsalubong ang kilay ko nang ilapit niya ang bibig sa akin. Bago pa man dumikit ang labi niya sa labi ko ay umiwas na ako ng tingin.

"Kill joy." aniya bago tuluyang umalis. Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa relong niregalo sa akin ni Sara. Bukod doon ay binaliktad ko rin ang cellphone ko at in-stop ang recording noon. I know this voice record wasn't enough against Leni but at least, if some point ay hindi ako magtagumpay ay pwede ko itong gawing ebidensya para maniwala sa akin si Sara na hawak ako ni Leni kung bakit nagagawa ko sa kanya ang mga bagay na hindi ko naman talaga gustong gawin.

"Bakit late ka na umuwi?" bungad na tanong sa akin ni Sara nang makauwi ako ng bahay.

"May mga tinapos akong paperworks. Kakauwi mo lang ba?" tanong ko at tumango naman siya. Papasok na sana ako sa cr para mag-shower pero natigilan ako nang yakapin ako ni Sara.

"Let's shower together." aya niya, as much as I wanted to do that. Hindi umaayon ang katawan ko, I don't know why but I feel so drained.

"Sorry, love. I'm tired. Papahinga muna ako." Malambing kong sabi, dahilan para tipid siyang tumango. Kahit hindi sabihin ay halatang na-disappoint siya, may balak pa sana siyang sabihin ngunit nag-ring ang phone ko. Mabilis ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko kaya naman napakalas sa pagyakap sa akin si Sara.

"I need to answer this." sabi ko at tumango lang siya ako kaya naman nagpunta ako ng balkonahe at doon nakipag-usap. Why is she calling me? Nag-usap na kami kanina sa office.

"What's wro-"

"Let's meet right now." Ma-awtoridad na wika ni Leni mula sa kabilang linya.

"Why? Kung may sasabihin ka, rito na lang sa phone. I'm tire-"

"Let's meet or I will spread your video." madiin niyang sabi, dahilan para mapatingin ako sa loob ng kwarto at makitang kakapasok lang ni Sara sa banyo. Wala akong ideya kung ano nangyayari pero mas makakabuti kung susundin ko muna si Leni, I can't provoke her. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin kapag napuno siya sa akin.

"Fine, just send me the address where." Bumuntong hininga ako at binaba na ang tawag bago pumasok sa loob ng kwarto at katukin si Sara sa banyo.

"Love, I need to go home," paalam ko. I felt bad for lying again but I need to. I don't have a fucking choice.

"Why? May emergency ba?" tanong niya nang patayin saglit ang shower nang sa gano'n ay mas magkarinigan kami.

"Yeah, susubukan kong makauwi by midnight, ' wag mo na akong hintayin okay?"

"Okay, ingat ka sa pagmamaneho. Mag-message ka kapag nakauwi ka na." aniya at nakuyom ko na lamang ako mga kamao ko at pumikit nang mariin.

"I will, I love you."

"I love you, too." Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay sinandal ko ang noo ko sa pinto katabi ng kamao ko.

"I'm sorry, Sara." Bulong ko bago tuluyang umalis. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang mapahawak sa sintido ko dahil kumikirot ang ulo ko. I'm really tired, I want to rest.

"What happened?" iyon ang unang tanong ko nang tabihan ko si Leni sa stool bar, nilingon niya ako bago inumin ang hawak niyang alak.

"Drink first." aniya bago um-order sa bartender ng panibagong alak. Balak ko pa sana siyang tanggihan pero alam ko naman na walang magagawa 'yon dahil pipilitin lang din niya ako. In the end-uminom pa rin ako kasama siya.

I kept asking why did she want to meet and what are we going to talk about pero binalik-balikan lang niya ang mga memories namin noon sa America.

"Tell me, minahal mo ako kahit konti?" tanong niya sa akin. Medyo nahihilo na ako dahil hindi pa ako kumakain pero may alak na agad ang sikmura ko.

"I did like you." tipid kong sabi bago iiwas ang tingin sa kanya matapos niyang biglang tumayo at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang balikat ko at kahit gusto ko siyang itulak palayo ay tila nawalan ako ng lakas. And then a sudden realization hit me.

"Did you drug m-" hindi ko naituloy ang sasabihin nang tuluyan akong mag-black out. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero paggising ko ay nasa bar pa rin ako at katabi ko pa rin si Leni na hanggang ngayon ay umiinom. What did just happen?

"Oh, you're awake?" tanong ni Leni nang dumiretso ako ng upo, "I can't believe you passed out."

"You drugged me." madiin kong sabi, dahilan para matawa siya nang malakas.

"Come on, what are you saying? Kung may drugs 'yong inumin mo. Bukas ka pa magigising." seryoso niyang sabi at napatingin naman ako sa bartender na nag-serve ng alak kanina.

"Kasabwat ka ba niya?"

"Sir? Wala po akong alam sa sinasabi niyo." Dipensa nito.

"Bong, stop. He didn't do anything wrong. Bakit ang init ng ulo mo? You said you're tired, and I'm sure hindi ka pa kumain. Isn't that enough reason para mag-passed out ka s akonting alak?" ani Leni na para bang wala siyang kasalanan. She knew from the start and yet-pinainom pa rin niya ako.

"Ilang oras akong walang malay?" tanong ko.

"Just one hour." Kibit balikat niyang sabi na para bang wala lang 'yon. Kinuyom ko na lamang ang mga kamao ko. Nahihilo pa rin ako kaya nanghingi ako ng tubig sa bartender.

"Ano ba talagang gusto mo pag-usapan at nakipagkita ka?" tanong ko.

"Nothing." tipid niyang sabi bago lingunin habang nakangiti? "Shall we go? May ipapakita ako sa 'yo."

"What is it?" tanong ko pero hindi na siya sumagot at lumabas na ng bar, ako naman si tanga ay walang nagawa kung hindi ang sumunod.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami ng apartment niya. I know I shouldn't be doing this pero alam ko na kung ano ang binabalak ni Leni. Wala talaga siyang ipapakita sa akin. That's just one of her lies.

"I won't have s*x with you." Diretso kong sabi.

"I know you're going to refuse me." aniya bago siya maupo sa sofa. Naghihinala na ako sa mga kilos niya mula pa kanina pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"Just stay with me, at lease before sunrise. I'm lonely." mahina niyang sabi at napasapo na lamang ako sa noo ko at tumingin sa suot kong orasan. Baka naghihintay pa rin sa akin si Sara kahit sinabi kong 'wag na niya akong hintayin.

Sinubukan kong kunin ang cellphone ko at i-message sana siya ngunit pinigilan ako ni Leni at hinatak nang sa gano'n ay mapaupo kami sa sofa. Nanatili kaming ganoon nang hindi nag-uusap, and the silence's slowly killing me. Gusto ko nang umuwi.

FakedWhere stories live. Discover now