Chapter 16

1.6K 110 59
                                    

"Good morning, Ma'am Sara" masiglang bati sa akin ni Ana nang pumasok ako ng kusina. Pagbangon ko ay wala na si Bongbong sa kama. Malamang ay maaga siyang pumasok dahil siya ang pumalit sa mga klase ni Mr. Bautista. Originally kasi ay hapon ang schedule niya, but isn't too early? 6:00 a.m pa lang, e 8:00 pa naman ang start ng lahat ng klase.

"Good morning, Ana." bati ko bago maupo sa dining. Agad niya akong pinaghainan ng almusal kaya naman naalala ko si manang sa kanya. Matamis akong napangiti at sinundan siya ng tingin. "How's manang?"

"Okay naman na po si nanay, medyo bumalik na po 'yong lakas niya pero sabi ng doctor ay mas mainam na 'wag na siya masyadong gumawa ng mabibigat na gawaing bahay dahil matanda na siya."

"I see, pag-uwi mo mamaya pakisabi kay manang na bibisitahin ko siya." nakangiting sabi ko nang ilapag niya sa harapan ko ang pancake at hot chocolate na tinimpla niya. "Thank you."

"Uhmm, Ma'am Sara..." she trailed off, tila nag-aalangan kung itutuloy ba niya ang gusto niyang sabihin sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko at pinaglalaruan ang kamay niya kaya naman nginitian ko siya ulit.

"It's okay, go on."

"O-Okay lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung bakit ako natigilan sa simpeng tanong niyang iyon. Siguro ay dahil hindi ko alam ang isasagot? Or maybe natatakot ako aminin sa sarili ko na all this time ay hindi ako okay kahit anong kumbinsi ko sa sarili na okay lang ako.

"Hmm? I'm fine." nakangiting sabi ko. I'm already used to lying, and I already mastered the art of pretending. Hindi na bago sa akin ang magpanggap na okay ako kahit na sa totoo lang ay never ako magiging okay hangga't alam kong hindi maayos ang relasyon namin ni Bongbong.

--

"Sara!" tawag sa akin ni Jill nang bumaba ako ng kotse. Agad ko siyang nilingon dahil mukhang kabababa lang din niya ng sasakyan niya. "Come on! Why did you leave yesterday?"

"Sorry, kailangan ko umuwi agad, eh. Isa pa, feel na feel mo ang pagkanta, ayaw kitang istorbohin. By the way, anong nangyari pag-alis ko? Pinilit ka bang uminom ni Win?" tanong ko nang sabay kaming maglakad.

"No. Kusa ko siyang tinulungan ubusin 'yong mga binili niyang alak." Napalingon ako kay Jill nang mahalata ko na para bang nag-iba ang mood niya. Balak ko na sana siyang tanungin kung ano ang problema ngunit nabigla na lang ako nang biglang huminto ang pulang Ducati sa gilid ko. Muntik pa akong makapagmura ngunit buti na lang ay napigilan ko ang sarili.

"What's your problem? Are you trying to kill me?" 'masungit na tanong ko kay Win nang tanggalin niya ang suot niyang helmet. Iniling-iling pa niya ang ulo niya para lang maayos niya ang kanyang buhok. Kahapon pa lang kami nagkita ulit after naming grumaduate ng elementary pero napapalabas na niya ang pagkamasungit ko, bagay na kay Jill at Jinggoy ko lang naipapakita.

"What's up?" cool na bati niya.

"Let's go Jill. We're gonna be late." Niyakap ko ang braso ng kaibigan at hinatak siya para magpatuloy sa paglakad. Tumatawa pa siya at halatang kinikilig kaya nailing ako, parang kanina lang ay nawala siya sa mood, ngayon ay okay na siya ulit.

"Wait for me." Nilingon ko si Win nang tumabi siya sa akin at kaswal na sumabay rin sa paglakad na akala ko mo'y magkaibigan kami. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niya at sumasama siya sa amin ni Jill. Friendly naman siyang tao, bakit hindi siya makipagkaibigan sa iba?

"Oh right, Jill. Nakausap ko si Jinggoy. Inaaya niya akong mag-club mamaya," ani Win, mukhang alam na ni Jill na magkaibigan sila ni Jinggoy noong elementary..

"What? He didn't tell me about his plan. Sino raw mga kasama?"

"Uhmm, his classmates?" Hindi na sumagot si Jill matapos iyong sabihin ni Win. Now I know what's her problem. She and Jinggoy fought again, and I'm sure dahil na naman 'yon sa mga barkada ni Jinggoy. I mean, madalas kasi na mas marami pa siyang oras sa barkada niya nitong mga nakaraang araw kaysa sa girlfriend niyang si Jill. Malayo pa man din ang school niya dahil sa All boys school pa rin siya nag-aaral.

"Stupid." bulong ko nang tingnan ko si Win.

"I heard that." aniya nang hindi lumilingon sa akin at busy lang sa pag-type sa phone niya. Inirapan ko siya kahit hindi niya iyon nakikita at muling bumulong na sana ay madapa siya.

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sungitian siya knowing na anytime ay pwede niya ulit akong bully-hin. But no, I think he has changed. I really appreciate what he did yesterday, I mean 'yong part na chineck niya ang temperature ko para i-confirm kung okay lang ba talaga ako o hindi.

And now that think about it, he saved me once when we were elementary. If it wasn't for him... Baka kung saan-saan na ako hinawakan ni Sir Lacson noon. Right, siguro ay isa 'yon sa dahilan kung bakit hindi talaga ako galit sa kanya, I just find him annoying that's all.

"Guys, mauna na kayo. May tatawagan lang ako saglit." paalam ni Jill at hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko para itanong kung saan siya pupunta ay bigla na lang siyang kumaripas ng takbo.

"Maybe she's going to call Jinggoy and scold him." natatawang sabi ni Win nang ayusin niya ang pagkakasuot ng bag niya sa isa niyang balikat. Malaki ang ipinagbago ng itsura niya pero ang way niya nang pagdala ng back pack niya gano'n pa rin. Napangiti tuloy ako nang maalala ko ang itsura niya noong elementary. Medyo chubby kasi siya noon and he's really cute. Hindi aakalain na lagi siyang laman ng guidance.

"Why are you smiling?" tanong niya nang pabiro niyang sanggain ang balikat ko gamit ang braso niya, mahina lang naman iyon pero na-out of balance par rin ako. Mabuti na lang ay nahawakan niya ang braso ko bago pa man ako tuluyang matumba.

"Ginagawa mo?" natatawa niyang tanong matapos niya akong mahatak nang sa gano'n ay makatayo ako ng diretso at bumalik sa dating pwesto.

"Do you think that's funny?" tanong ko nang hampasin ko siya tote bag ko.

"Para kang papel, baka hipan lang kita matumba ka na." asar niya sa akin kaya naman napairap ako at biglang matigilan nang mahagip ng paningin ko si Bongbong sa entrance ng Annex A building kung saan kami papasok ni Win. He's staring at me as if I did an unforgivable mistake. "What's wrong? Why did you stop?"

"N-Nothing." sagot ko dahil iniwas na ni Bongbong ang tingin sa akin at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kasama niyang prof. Nilingon ko pa si Win dahil mukhang may alam na siya kung ano ang dahilan nang biglaan kong paghinto.

"You're still friends with him?" tanong niya nang magpatuloy kami sa paglakad.

"Not anymore." sagot ko para maiwasan na mag-isip siya ng kung ano. I mean, alam niya ang tungkol sa rumors noon dahil nasa classroom siya noong komprontahin ko si Kris.

"Right, he's treating you like a nuisance yesterday. I guess, hindi nag-work ang friendship niyo." seryoso niyang sabi kaya naman napangiti ako nang mapait dahil tama siya.

"Yep."

FakedWhere stories live. Discover now