Chapter 55

1.5K 115 1.5K
                                    

"T-This is your comfort place?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga taong may sariling mundo at abalang naglalaro. Ang iba sa kanila ay naka-uniform din gaya namin ni Win, mostly ay senior high at college. Maingay, magulo... Paano naging comfort place ito sa kanya?

"What? Don't tell me first mo sa arcade?"

"Is that a bad thing?" tanong ko nang lingunin ko siya..

"Wow! I knew you lived a sheltered life but nevermind. Since first time mo, I'll let you experience something you never experienced before." aniya bago niya hawakan ang palapulsuhan ko at dalhin sa isang booth para bumili ng mga tokens doon. Wala kami sa mall at sa mismong arcade talaga na naka-locate pa sa undergound. Sinong mag aakala na may ganitong lugar sa building na pinasukan namin?

Nakagat ko na lamang ang labi ko habang pinagmamasdan ang likod ni Win. Ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa booth, hanggang ngayon ay nasa balikat niya pa rin ang pareho naming bag dahil hindi niya binalik sa akin ang tote bag ko. Nakasabit na rin doon ang uniform niya na hinubad niya para may mapangtakip ako sa legs ko habang nakasakay sa motor kanina. Nahalata ko rin na lukot na ang suot niyang v-neck shirt sa may bandang baywang dahil doon ako nakakapit kanina.

Hindi na ako magugulat kung bakit sa point of view ng iba ay boyfriend ko siya, gaya na lang noong babaeng nakasalubong namin ni Win na kakilala niya.

"Let's go." aya niya sa akin nang hawakan niya ulit ang palapulsuhan ko at dalhin sa harapan ng malaking screen kung saan may dalawang baril na nakapatong doon.

"Let's shoot these ugly zombies." aniya bago siya maghulog ng token at kunin ang baril. Noong una ay nag-aalangan pa ako pero ginaya ko na lang siya at itinapat ang baril sa screen. I pulled the trigger and tried to shoot the zombies but they aren't dying.

"Ba't hindi ko sila matamaan?" tanong ni Win, medyo naf-frustrate na.

"Just think of them as your enemies. For example, Ms. Leni." Saktong pagkabanggit ni Win sa pangalan 'yon at natamaan ko ang zombie. Dahilan para mapangisi siya at gano'n din ako. I mean, that's oddly satisfying.

"Who are you thinking while shooting them? You must really hate that person for you not to miss any single shot." sabi ko habang pinapanuod siya. Tipid siyang tumingin sa akin pero ibinalik din ang tingin sa screen

"Yeah, I hate him. Your husband, I mean."

"That's..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at naglaro na lang ulit, after noon ay marami pa kaming nilaro, and it's surprising that enjoyed every game. Napuno kami ng tawanan, asaran at dahil sa kanya ay natuto akong mang-trashtalk.

"Let's make a bet. Kapag na-shoot mo 'tong huling bola, I'll treat you to any restaurant, if not ipagluluto mo ako." aniya habang pinapaikot niya sa daliri niya ang bola.

"Hindi ako magaling magluto."

"Doesn't matter, as long as you're the one who cooked. Kahit sunog o maalat, kakainin ko." Naitago ko ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon at nag-iwas ng tingin. He's a really nice guy, he's sweet, funny, and lowkey gentleman. For sure, maswerte ang babaeng makakatuluyan niya.

"Okay, deal." tipid kong sabi bago kunin ang bola sa kanya at iposisyon ang kamay ko para i-shoot 'yon. Malalim akong bumuntong hininga at saka ibinato ang bola, hindi pa iyon agad pumasok sa net dahil umikot pa sa ring, but in end-I still won the bet.

"Sorry, mukhang ililibre mo ako ngayon." mayabang kong sabi nang lingunin ko si Win na nakangiti sa 'kin.

"Masyado mong ginalingan." aniya, dahilan para matawa ako at mag decide na umalis na roon dahil halos magtatatlong oras na kaming naglalaro, nakakaramdam na rin ako ng gutom.

FakedOnde histórias criam vida. Descubra agora