Chapter 53

1.1K 103 189
                                    

Marahan kong minulat ang mga mata at hindi namalayang nakatulog na pala ako sa infirmary. Marahan akong bumangon at tiningnan ako phone ko para lang makita na ilang minuto na lang ay tapos na ang last subject namin ngayong araw.

Napahawak na lamang ako sa noo ko dahil absent na naman ako, kung kailan malapit na ang graduation ay saka pa ako nagkakaganito.

"Oh, you're awake?" Napapitlag ako nang marinig ang pamilyar na boses Hinawi ko nang kaunti ang kurtina at nakitang nakatayo si Ms. Leni malapit sa cabinet at tila may kinukuhang gamot. Kami lang ang tao rito at wala ang nurse na nagbabantay sa akin kanina.

"Ah. Good afternoon, ma'am." bati ko nang binalak kong tumayo but I suddenly felt light-headed kaya naman huminto ako sa paggalaw at pumikit hanggang mawala ang nararamdaman.

"Are you okay? What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Ms. Leni mang tumakbo siya papunta sa akin.

"Okay lang ako, ma'am. Nabigla lang po siguro ako sa pagtayo kaya nahilo." Ngumiti ako nang tipid at saka tuluyang tumayo bago ayusin ang hinigaan ko.

"Are you sure you're okay?"

"Yes, ma'am." sagot ko at tumango naman ito bago ako saglit na tingnan. Ngumiti siya at saka hinawakan ang necklace na suot ko kung saan naroon ang promise ring na bigay sa akin ni Bongbong.

"I knew it, you have a boyfriend." aniya, dahilan para bahagya akong magulat at wala sa sariling alisin sa kamay niya ang necklace. Hinigpitan ko ang paghawak sa singsing na ginawa kong pendat at nag-iwas ng tingin.

"Sorry. Did offend you?" tanong ni Ms. Leni at umiling naman ako.

"No, ma'am. Sorry, I'm still wasn't feeling well so medyo naging sensitive lang ako." nahihiya kong sabi bago mapatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Jill kasama si Win.

"Sara, okay ka na? Let's go, I'll drive you home." ani Jill bago mapatingin kay Ms. Leni, medyo kinabahan pa ako dahil baka magtaray siya pero plastic lang siyang ngumiti rito bago bumati.

"Hi, Ms. Bi-Leni."

"Hello, oh by the way..." Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya nang tila may sasabihin siyang importante. "Ikaw ba talaga 'yong nasa picture, Sara?"

"What the hell?" Rinig kong sabi ni Win, dahilan para manlaki ang mata ko. "Ma'am, mawalang galang na. Ano sa inyo kung siya 'yon o hindi?"

"Uhm, sorry. I didn't mean anything bad when I asked that. Gusto ko lang i-confirm para makatulong ako sa pag-clear ng misunderstanding." ani Ms. Leni na para bang nakonsensya siya, "I mean... There's no way na mabu-bully si Sara ng gano'n right? Galing siya sa mayamang pamilya, magand-"

"That's enough, ma'am. I can't believe that you're so tactless." ani Jill.

"Hey." mahinang suway ko dahil baka nakakalimutan na nilang prof pa rin namin si Ms. Leni. Although I could feel some weird vibe around her, sinusubukan kong 'wag pansinin iyon dahil alam kong kahit anong gawin ko... Hindi ko siya pwedeng i-disrespect.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ms. Leni.

"Pasensya na kung na-offend ka ma'am but bullying is a sensitive topic. Si Sara man 'yong nasa picture o hindi, you should mind your words." ani Jill babgo niya yakapin ang braso ko habang si Win naman ay binitbit na sa balikat niya ang tote bag ko. "Mauna na po kami."

"S-Sorry, ma'am. They didn't mean to say that." paghingi ko ng tawad bago kami tuluyang maglakad. Bago sumara ng tuluyan ang pinto at napalingon pa ako kay Ms. Leni na hindi pa rin umaalis sa pwesto niya kanina. Nabigla pa ako nang makitang sinamaan niya ako ng tingin saktong pagsara ng pinto. Did she just glare at me? Or maybe I'm just seeing things?

Wait, what if alam na niya ang tungkol sa amin ni Bongbong kaya minsan ay nakakaramdam ako ng weird vibe galing sa kanya?

"Damn it! Kung pwede ko lang murahin ang babaeng 'yon, ginawa ko na. Ugh! She's pissing me off!" gigil na sambit ni Jill habang naglalakad kami at nakaalalay siya sa akin na akala mo'y pasyente ako.

"Come on guys, prof pa rin 'yon. Hindi niyo siya dapat—"

"Stop defenfing her, Sara. Hindi mo ba naramdaman naman na may ill intent siya sa mga tanong niya?" ani Win, dahilan para mapalunok ako nang marahas. Napansin ko na 'yon dati pa, noong nasa cr ako at in-approach niya ako. Roon ko unang naramdaman na parang may mali, she's nice but somehow- I feel like it's all an act.

FakedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora