Chapter 50

1.4K 119 410
                                    

"Ma'am Sara, may naghahanap po sa inyo." Napalingon ako sa pinto nang kumatok si Ana sa kwarto.

"Sino raw?" tanong ko bago ibalik ang tingin sa salamin at patuloy na i-cold compress ang mga mata ko nang sa gano'n ay tuluyan nang mawala ang pamamaga noon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi iyon ni Bongbong that he prefered replacing than fixing things. Ibig sabihin ay mas gugustuhin niyang palitan na lang ako kaysa ayusin ang relasyon namin, iyon ang dating sa akin ng sinabi niya. Does that mean, mas pipiliin niya si Ms. Leni kaysa sa akin? Maisip ko pa lang iyon ay parang guguho na ang mundo ko.

"Taga ABS-CBN daw po." Muntik ko nang mabagsak ang hawak na ice pack nang marinig ang sinabi ni Ana. What's going on? Tiningnan kong maigi ang mukha ko at nang makitang hindi na halata ang pamamaga ng mata ko ay nag-ayos ako nang kaunti bago pagbuksan ng pinto si Ana. Balak ko na sanang magsalita ngunit nag-ring ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag— Ferdinand Sr.

"Good morning, dad. Napatawag po kayo?"

"Oh, hija. Sorry for the short notice. May mga staff ako na pinadala dyan sa bahay niyo, they will discuss something to you. Wala naman si Bongbong dyan, tama?" Medyo kumunot ang noo ko dahil sobrang short notice naman yata? I mean, bakit kung kailan narito na sila ay saka niya ipapaalam sa akin ang tungkol dito. Isa pa, napaka-reckless na magpadala siya ng tao rito.

"Maaga po siyang umalis. May I ask what is this all about?"

"Good. Anyways, My friend is making a music video, and they asked me if you could play the part of female lead." Nanlaki ang mata ko at binulungan si Ana na papasukin ang bisita at paghintayin sa sala. Tipid siyang tumango at bumaba rin agad kaya sinara ko ang pinto at tumungo sa harapan ng cabinet para kumuha ng mas maayos na damit.

"But, dad. Wala akong experience sa pag-acting."

"It's okay, ikaw kasi ang ni-request ng actor, so let's give it a shot." aniya at kahit gusto ko pang magreklamo ay ipinagpaliban ko na lang dahil may naghihintay pa sa akin sa ibaba. Mabilis na lang akong nagbihis nang patayin ko ang tawag at bumaba rin agad nang matapos.

"Sorry, did you wait long?" tanong ko nang makita ang dalawang lalaki na nakaupo sa couch. Nabigyan na rin sila ni Ana ng juice kaya hindi ko na kailangan mag-utos. Awtomatiko silang tumayo nang makalapit ako at bumati bago ipakilala ang sarili, si Ogie na manager ng ilang artist sa ABS-CBN at si James na co-manager niya.

"I heard from Mr. Marcos that you're here to discuss something to me." sabi ko nang maupo na kaming tatlo. Since sinabi ng father-in-law ko sa staff niya na anak ako ng CEO ng business partner nila at Mayor ng Davao ay may ideya na ang dalawang manager tungkol sa akin. Mabuti na lang at wala rito si Bongbong kung hindi ay ma-e-expose ang sikreto namin.

"Ah yes, nag-insist kasi ang new artist namin na ikaw ang maging female lead niya sa MV for his upcoming debut as singer-actor." ani Ogie, "He told me that you used to be schoolmates and you were his first love, I don't even know what that guy was thinking pero gusto naming pagbigyan ang request niya since he's at the peak of his fame."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon nang marinig iyon. Masyadong maraming nangyayari sa buhay ko ngayon, and now-may bago na naman akong iisipin.

"Sorry, pero pwede ko po bang malaman kung sino 'yong actor na tinutukoy niyo?"

"Si Mans Carpio" Saglit akong natigilan nang marinig ang pamilyar na pangalan na iyon, wait... He's an actor now? I don't have any idea, hindi naman kasi ako interesado sa entertainment industry and I rarely watched T.V.

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon