Chapter 8

1.6K 91 20
                                    

6 years later

"Happy 18th birthday, Sara!" bati sa akin ni Jill nang lapitan niya ako. We bacame friends as soon as we entered junior high school, mula grade 7 hanggang ngayong grade 12 na kami ay magkaklase pa rin kami. Noong una ay nahirapan akong mag-adjust dahil hindi ako sanay magkaroon ng kaibigan but since she's very outgoing, unti-unti ay nasanay rin ako.

Ibang-iba ang naging buhay ko pagtungtong ng junior high dahil hindi ako nabu-bully, bukod doon ay mayroon akong kaibigan. Although at some point ay nagkaroon ng problema dahil kumalat ang rumors na nag-attempt ako ng suicide... Hindi rin naman iyon nagtagal at napalitan din ng ibang rumors. As for Kuya Bong naman, isang taon kaming naging mag-schoolmate pero hindi kami gaanong nagkikita dahil busy siya sa studies and after he graduated ay pumunta siya agad sa US para roon mag-college. We still keep in touch, and we're still friends.

"When are you going to introduce me to your college friend?"

"I don't know, he's still in US." kibit-balikat kong sagot habang pimagmamasdan ang debut party na inihanda sa akin ng parents ko.

"I know, but you said he's a graduating student, that means uuwi na siya ng Philippines, right? Or doon siya magtatrabaho?" curious na tanong niya dahil sa five years naming magkaibigan, ni isang beses ay hindi ko nabanggit ang pangalan ni Kuya Bong sakanya. Ayaw kasing ipaalam ni Kuya kahit kanino na magkaibigan kami dahil ayaw niyang may kumalat na naman na rumors at maapektuhan ang mental health ko. Kaya since grade 7, naging sikreto na ang pagiging magkaibigan namin. I know it's weird, but I like the relationship we currently have.

"Well... He said, dito siya mag-work but I don't have any idea when he will come home. He's busy these past few months. He barely messages me." Medyo nalungkot ako nang sabihin ko iyon dahil maswerte na ako na makatanggap ng message mula sa kanya sa isang araw sa isang buwan. I know he's studying hard because he's a graduating student, I understand that. Isa pa, binigyan na niya ako ng heads up na hindi na kami gaanong magkakausap dahil magiging busy siya sa mga exams and thesis niya.

Naging busy rin naman ako sa studies since I don't want to disappoint my parents like I did back then. Isa pa, lagi pa rin ako ine-encourage ni Kuya Bong na gawin ang best ko.

"Wala ba talagang namamagitan sa inyong dalawa? Come on, be honest. You're trying to monopolize him, right? That's why you don't want tell me his name." pang-aasar pa sa akin ni Jill habang sinusundot-sundot niya ang tagiliran ko. Natawa na lamang ako at napatingin sa double door ng hotel function hall nang bumukas iyon at iluwa noon si mom at dad.

It's been years already but they're still putting on act for the sake of their image and our family name. Wala akong ideya kung paano kumalat ang attempted suicide ko no'ng grade 6 ako pero nakaabot iyon sa mga business partners ni dad and since then-nag-iba na ang relasyon naming tatlo. Nakatira kami sa iisang bahay pero madalang kaming magkita-kita, hindi na rin kami kumakain ng magkakasama except kapag may family reunion kami.

They still don't treat me well, but at least, hindi na nila ako gaanong sinasaktan nang pisikal. Despite everything that happened, umaasa pa rin ako na maaayos pa ang pamilya namin at mamahalin din nila ako balang araw, that's why I'm still doing my best to make them proud of me.

"Happy birthday, Sara." sabay na bati sa akin nila mom at dad nang makalapit sila sa akin. Kahit alam kong peke ang affectionate na ibinibigay nila sa akin kapag nasa public, masaya pa rin ako dahil kahit paano ay naranasan ko kung paano nila ko ituring na anak. I don't care even if everything is just an act. I'm already contented with that.

"Thank you, Mom. Dad." nakangiting sabi ko bago sila bigyan ng tig-isang halik sa pisngi gaya ng inutos nila sa akin bago pa man mangyari itong party.

FakedWhere stories live. Discover now