Chapter 48

1.2K 101 348
                                    

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik ng lakad sa sala. Kinagat ko ang kuko ko at tumingin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto. Malapit nang mag-midnight ngunit hindi pa rin umuuwi si Bongbong. He's not reading my messages and answering my calls, it's making me worry.

"Anong ginawa ko?" sabi ko sa sarili bago mapaupo sa couch at lingunin si Ana na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Ang sabi niya kasi ay binilin ni Bongbong kanina bago siya umalis na mag-stay in muna siya nang sa gano'n ay may kasama ako. Meaning, wala na naman siyang planong umuwi and the fact na pinag-stay niya si Ana means na inaalala niya pa rin ang safety ko.

"Ma'am Sara, baka hindi na po uuwi si Sir Bongbong. Magpahinga na po kayo, kanina pa po kayo naghihintay sa kanya at saka hindi pa po kayo kumakain." ani Ana, halatang nag-aalala na. Ngumiti ako nang tipid at saka marahang tumango dahil baka gusto na rin niyang magpahinga, hindi lang niya ako maiwan dahil wala akong kasama. Wala rin akong gana kaya hindi na ako nag-abalang kumain.

Pag-akyat na pag-akyat ko sa kwarto ay agad akong nagpunta sa balkonahe at nabigla nang makitang nasa labas ng gate ang sasakyan ni Bongbong, dahil doon ay mabilis akong bumaba ulit at lumabas. Napayakap pa ako sa sarili dahil sa malamig na hangin na dumapo sa balat ko.

"Bong." tawag ko nang makarating ako sa kotse niya. Nakapahinga ang ulo niya sa braso at manibela na para bang natutulog kaya naman kinatok ko ang bintana. Marahan niyang inangat ang ulo niya at lumingon sa akin, he looks drunk.

"Why?" tipid niyang tanong pagkatapos ibaba ang bintana.

"Why are you here? Let's go inside." sabi ko habang yakap ang sarili. "Bakit ka nagmaneho ng lasing? Paano kung naaksiden-"

"Stop acting like you care about me. You don't even believe what I'm saying. You don't know anything, Sara." aniya, dahilan para makagat ko ang labi ko, kung alam ko lang na ganito ang magiging epekto ng pagtatanong ko sa kanya kanina, sana ay hinayaan ko na lang. Sana hindi ko na sinubukang malaman ang totoo galing sa kanya. Now, I'm confused-hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo ni Win.

"Hindi ko sinabing hindi kita pinaniniwalaan, Bong. Sorry kung iyon ang labas sa 'yo ng pagtatanong ko. I didn't mean it."

"Really?" natatawa niyang sabi, "I don't believe you."

"Akala ko okay na tayo? Why are we like this again? Let's talk properly, ayokong bumalik na naman sa dati 'yong relasyon natin." sabi ko nang subukan kong buksan ang kotse pero sinamaan niya ako ng tingin kaya napaatras ko.

"I don't think this is gonna work out, Sara. And just realized that today," Ngumisi siya at sinandal ang ulo niya sa driver's seat habang ang tingin niya ay nasa itaas. Marahas akong napalunok at unti-unting nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"W-What do you mean by that?" kinakabahang tanong ko kahit na hindi ako handa sa isasagot niya. Alam ko na hindi magugustuhan ng tainga ko ang maririnig na salita sa bibig niya kaya nag-init ang mga mata ko at tila nagbabadya iyong magluha. "You know exactly what I mean. Let's just end this, let's get divorced."

Tuluyang pumatak ang luha ko nang sabihin niya ang bagay na kinatatakutan ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya, ang dami kong gustong sabihin ngunit parang may nakabara sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan. Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig, I can't think straight. Why did this happen? I don't want this.

"I'm sorry, Bong. Please, I'm sorry. Don't abandon me, too." makaawa ko sa kanya nang bumaba siya ng sasakyan. Inangat ko ang tingin sa kanya at nakitang nakahawak siya sa sintido niya na tila masakit ang ulo.

FakedWhere stories live. Discover now