Chapter 82

1.2K 94 213
                                    

"Are you avoiding me?" tanong sa akin ni Leni nang kornerin niya ako sa parking lot. Dahil doon ay nagsalubong ang kilay ko at tumingin sa paligid bago ibalik ulit sa kanya ang tingin.

"What do you mean?"

"You're not answering my calls." Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Nag-iingat lang ako, sinabi ko naman sa 'yo na pinaniniwala ko si Sara na mahal ko siya. Kapag nakita niyang tumatawag ka, mag-iisip 'yon nang kung ano. She knew that you're my ex." mahina kong sabi at tumaas naman ang kilay niya, halatang hindi kumbinsado.

"Are you trying to ruin my plans?" Dagdag ko pa.

"Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ang plano na 'to para masira si Sara at hindi para magkaroon kayo ng pansamantalang maayos na relasyon." aniya, "Don't push my button, Bong. You know what I'm capable of."

Hindi na ako nagsalita pa dahil alam kong magtatalo lang kami. Napahawak na lamang ako sa sintido ko at umiling, she's so fucking sharp! What a psycho. May balak pa sana siyang sabihin ngunit nag-ring ang phone niya kaya naman tinitigan niya ako nang may pagbabanta bago umalis at sagutin iyon. Hindi ko na rin hinayaang magtagal pa roon at sumakay na ng kotse, have a meeting with dad to discuss the inheritance of the company pero mas pinili kong puntahan si Sara.

I suddenly want to see her and hear her voice. I don't know why but really miss her even though we're living under the same roof.

Habang nagmamaneho ay sinabihan ko na agad si dad na hindi ako makakasipot sa meeting, alam kong magagalit siya but seeing Sara comes first. I really want to be with her.

Pagkarating ko sa Ateneo ay agad akong dumiretso, alam ko kasi na kapag may nakakita sa akin na dati kong teacher ay siguradong makikipagkwentuhan pa sila sa akin kaya naman pagkapasok ko sa gymnasium ay nakahinga ako nang maluwag. Maraming tao, maingay pero nahanap agad ng mga mata ko si Sara. Seryoso itong nakikipag-usap sa kaibigan niya, and by the looks of it-mukhang kinukwento na niya ang lahat ng dapat na malaman ni Jill tungkol sa relasyon namin.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay at saka nagpunta sa pwesto sa may bandang likod. Sobrang seryoso nilang nag-uusap to the point that they didn't notice me.

"You've been through a lot." ani Jill nang tumulo ang luha nito. Nabigla si Sara dahil doon at niyakap ang kaibigan.. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita kung gaano kaganda ang pagkakaibigan ng dalawa. Kung sakaling dumating ang panahon na wala ako sa tabi ni Sara, alam kong magiging kampante ako dahil mayroon siyang kaibigan na masasandalan. She's not alone anymore.

"I'm sorry, Sara. Wala akong alam na sobra ang pinagdaanan mo."

"Why are you apologizing? I'm the who should be saying sorry. Ang dami kong tinago sa 'yo, wala kang alam kasi hindi ko pinaalam sa 'yo but, promise... From today onwards, hindi na ako magsisinungaling sa 'yo. I'll be honest with you." ani Sara.

Nagpalumbaba ako habang nakangiti at pinagmamasdan ang dalawa pero nawala iyon nang magsalita si Jill.

"But I can't believe that Sir Bongbong is a jerk." reklamo niya.

"Well, sorry about that." Mabilis na kumalas sa yakap ang dalawa at sabay na lumingon sa akin. Halatang nabigla si Sara kaya naman ngumiti ako.

"W-Why are you here?" nauutal niyang tanong, si Jill naman ay hindi maisara ang bibig niya na para bang may nakita siya na hindi dapat.

"I'm worried about my wif-" Mabilis tinakpan ni Sara ang bibig ko sa takot na may makarinig sa akin.

"Since when did you arrive?" kinakabahan niyang tanong. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ka siya, parang natatakot siya na narinig ko ang pag-uusap nila ni Jill.

"When Jill said that you've been through a lot." pagsasabi ko ng totoo, dahilan para maginhawaan siya.

"Saksakin niyo na lang ako." biglang sabi ni Jill kaya naman tinuon ko sa kanya ang atensyon ko. Nakatingin na siya kay Sara na para bang kilig na kilig siya, dahilan para mahiya si Sara.

Nang manalo ang team nila Borgy ay sa amin siya agad dumiretso. Kahit pawis ay niyakap niya si Sara at ako na nakita na niya bago pa magsimula ang laro. Nag-suggest ako na i-celebrate ang pagkapanalo nila Borgy pero may celebration pa raw sila ng team nila kaya naman kaming tatlo na lang nila Sara ang nagpunta sa private restaurant para roon makapag-usap nang maayos. Sigurado rin kasi ako na uulanin ako ng tanong ni Jill tungkol sa amin ni Sara.

"So... Sir, when did you start liking my best friend? I heard you're head over heels for her." tanong niya, dahilan para masamid si Sara na halatang hindi inaasahang sasabihin iyon ng kaibigan. Tinapik-tapik ko na lamang ang likuran ni Sara habang siya naman ay pinanlakihan ng mata si Jill.

"Hey! Wala akong sinabing head over heels siya sa akin." reklamo niya pero lalo lang siyang inasar ng kaibigan. Ngumiti ako at sinulyapan saglit si Sara bago sagutin ang tanong sa akin ng kaibigan niya.

"Well, started noticing her when..." Binaling sa akin ni Sara ang tingin at halatang hindi inaasahan na sasagot ako

"When?" excited na tanong ni Jill.

"Noong nag-amusement park kami?" medyo hindi sigurado ang sagot ko dahil miski ako ay hindi kung kailan eksakto kong nagustuhan si Sara. But one thing for certain, started to see her as a woman during our first date? When came home years ago.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Sara na naging dahilan para bigla akong mahiya. Napahawak na lamang ako sa batok ko at marahas na lumunok bago iwasan ang tingin ng asawa ko.

Sigurado rin naman ako na napansin niyang may kakaiba sa akin noong araw na 'yon, especially noong dumating iyong Mans. I really got jealous that day, hindi ko lang kayang aminin sa sarili ko.

"Come on, eat. Let's stop talking about this. I-It's making sound like a teenager." Nahihiya kong sabi bago kuhain ang kubyertos at magsimula nang kumain. Marami pa kaming napag-usapan noon but mostly ay tungkol na sa childhood namin ni Sara, and starting that day-mas naging maayos ang relasyon namin lalo pa't hindi na ako gaanong kinukulit ni Leni.

I thought everything was going to be fine, but I didn't know that everything was just a calm before the storm.

FakedWhere stories live. Discover now