Chapter 45

1.5K 113 561
                                    

"Why can't I fall asleep?" tanong ko sa sarili nang umalis ako sa pagkakatagilid ng higa at humarap sa kisame. It's already past midnight pero hindi pa rin umuuwi si Bongbong, sabi niya ay susubukan niyang umuwi. Did something bad happen? Nag-away ba ang parents niya? He didn't even tell me the reason earlier, now- I'm having a sense of Déjà vu.

Kinuha ko na lamang ang phone ko side table at tiningnan kung may reply na ba sa akin si Bongbong mula message ko kanina kung nakarating na ba siya sa kanila. clearly told him to message me pero ni isa ay wala akong natanggap sa kanya, somehow... It's annoying me, dati ay okay lang sa akin kapag wala akong natatanggap na message sa kanya pero ngayon ay hindi ganoon ang kaso lalo na't nag-iba na ang relasyon namin.

I thought, mas malalim na ang connection namin. Pero may time talaga na pakiramdam ko ay may malaking gap para sa amin, hindi ko matukoy kung ano but it's bothering me.


Balak ko na sanang i-off ang screen ng phone ko nang biglang mag-pop ang message ni Win. Kumunot ang noo ko dahil sa sunod-sunod na tanong niya.

mabilis akong nag reply at halos mabitawan ko ang phone ko nang bigla siyag tumawag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

mabilis akong nag reply at halos mabitawan ko ang phone ko nang bigla siyag tumawag. Hindi ko alam kung ano ang trip niya kahit ala una na ng madaling araw pero sinagot ko pa rin iyon.

"Are you alone?" bungad na bungad niya kaya naman bumangon ako at binuksan ang lamp shade sa gilid ko bago sumandal sa headboard.

"Yeah, why?"

"I saw your husband, kasama niya si Ms. Le-" Mabilis akong napatingin sa pinto ng balkonahe nang marinig kong may tumama roon.

"Wait, Win." sabi ko bago ialis ang phone sa tainga ko at umalis ng kama para tingnan kung ano iyong tumama sa pinto. Binuksan ko ang kurtina and since gawa sa salamin ang pinto ay nakita ko agad ang naputol na sanga sa balkonahe, dahilan para makahinga ako nang maluwag ngunit nawala iyon nang mapatingin sa may labas ng gate.

Tila pinagpawisan ako at kinilabutan, madilim man ay namukhaan ko siya agad dahil sa suot niyang damit. What is he doing here? I'm sure, nakulong siya kanina no'ng ni-report namin siya sa police. Mabilis kong sinara ang kurtina nang mapansin niya ako, at that exact moment-pinagpawisan ako kahit na ang lamig naman dito sa kwarto.

"W-win." kinakabahang tawag ko sa kanya nang ibalik ko ang phone sa tainga ko, "H-He's outside my house."

"Who? Bakit nanginginig ang boses mo?"

"Si Kiko, n-nasa labas siya ng gate namin. W-What am going to do? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Paano kung-"

"Wait, Sara. I know you're scared but try to calm down and tell me your address, pupuntahan kita." ani Win kasabay ng pagtunog ng motor mula sa background niya. Sinabi ko sa kanya ang address ng bahay at sinunod ang sinabi niya na 'wag kong ibababa ang cellphone.

FakedWhere stories live. Discover now