Napabuntong hininga na lamang ako habang pinapanuod kung paanong magwala si Jill sa tapat ng karaoke, tatlo lang kaming nasa loob at simula nang pumasok kami rito ay siya lang ang tanging kumakanta.
Win was too busy tapping on his phone to even care.
"Kumanta ka naman!" Hinatak ako ni Jill at wala akong nagawa kung hindi ang tumayo sa tapat ng T.V screen. Itinapat niya sa akin ang mic, ngunit hindi ako kumanta.
"Hindi ko alam 'yan." Sumimangot si Jill at saka siya nagpatuloy sa pagkanta. Napailing na lang ako bago bumalik sa inuupuan ko kanina, dahil doon ay nakita ko ang paglabas ni Win mula rito sa private room ng KTV bar.
Habang pinapakinggan ang maingay na boses ng kaibigan ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Agad ko iyong kinuha sa bulsa at nakahinga nang maluwag nang makitang hindi si Bongbong ang nag-message sa akin. It's from Borgy, Bongbong's nephew. Nasa senior high na siya ngayon at doon din siya nag-aral sa kung saan kami grumaduate ng tito niya.
Habang hinihintay ang response ni Borgy ay bumukas ang pinto, napalingon ako at nakitang pumasok si Win na mayroong dalang ilang bote ng beer. Mukhang um-order siya roon sa ibaba, nginitian niya ako nang magtama ang paningin namin ngunit agad din akong nag-iwas nang mag-vibrate ulit ang phone ko.
Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako. Ewan ko pero masaya talaga ako kapag nagkakausap kami ng pamangkin ni Bongbong kahit sa simpleng text lang. Nag-iisang anak lang kasi ako at tinuturing ko na siyang nakababatang kapatid kahit noon pa mang nasa grade 1 siya at ako ay nasa grade 6.
Balak ko na sanang mag-reply ngunit nag-message siya ulit.
YOU ARE READING
Faked
FanfictionSara Duterte has always been in love with her husband, Bongbong, even though she knew that he doesn't see her as a woman and she's being mistreated. She's desperately trying to hide their relationship until one dayㅡWin finds out about it; the man sh...