Chapter 10

1.8K 102 116
                                    

"Ang saya mo yata nitong mga nakaraang araw, hija?" puna ni manang habang hinahainan niya ako ng hapunan. Ngumiti ako nang matamis at saka siya tiningnan, bawat galaw niya ay pinapanuod ko.

"Remember Kuya Bong, Manang? 'Yong kwinento ko sa inyo noon na nagligtas sa akin sa mga bully?" tanong ko dahil bukang-bibig ko si Kuya Bong noon at si manang lang naman kasi ang nakakakwentuhan ko ng mga nangyayari sa akin sa araw-araw dati.

"Oh, 'yong crush mo?" Agad kong naramdaman na nag-init ang pisngi ko kaya naman napahawak ako roon.

"Opo, umuwi na siya noong nakaraang araw. He even gave a gift, here look. Isn't it pretty?" masaya kong wika nang ipakita ko sa kanya ang necklace na suot ko.

"Oo, anak. Parang ikaw, maganda." Nahiya ako nang sabihin iyon ni manang since hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga compliments. Kahit marami akong natanggap na-confession at compliments simula noong tumungtong ako ng junior high ay hindi pa rin ano nasasanay. Everything seemed still new to me.

"S-Salamat po, manang."

"May lakad ba kayo ng crush mo bukas kaya pinaplantsa mo ang dress na niregalo sa 'yo ng kaibigan mong si Jill?" Marahan akong tumango at ngumiti naman si manang. Sabi kasi ni Kuya Bong ay ilalabas niya ako this weekend para makabawi sa akin dahil matagal kaming nagkahiwalay. Pakiramdam niya ay may atraso siya sa akin. Sinabi ko na 'wag na siyang mag-abala dahil busy rin siya but he still insisted, so in the end-tuloy pa rin ang lakad namin bukas.

"Dalaga ka na talaga, hija. Parang kailangan lang ay ang liit-liit mo pa, ngayon ay may date ka na." Pakiramdam ko ay ang pula na ng mukha ko dahil sa pinag-uusapan namin ni manang.

I'm already 18 pero wala pa rin akong alam sa pakikipag-date. I am still clueless when it comes to dating and such. Hindi naman kasi iyon sumagi sa isip ko dahil puro aral ang inatupag ko these past few years.

Kahit na minsan ay sinasama ako ni Jill sa mga group dates ay umuuwi rin ako agad since ang awkward ko sa mga strangers. Especially sa mga lalake na hindi ko tipo at proactive.

"It's not a date, Manang. Mamamasyal lang po kami." paglilinaw ko.

"Sabi mo, e." tila nang-aasar na wika ni manang kaya napailing ako at inumpisahan na ang pagkain nang sa gano'n ay makatulog ako ng maaga.

Kinabukasan, umaga pa lang ay nasa harapan na ako ng salamin. I'm still in my pajamas pero iniisip ko na kung anong style ang gagawin ko sa buhok ko dahil lagi na lang iyong naka-side ponytail.

Tiningnan ko ang study table ko at naupo roon bago buksan ang laptop ko at pumunta sa mga hair and make up vlogs ni Jill. Pinanuod ko ang million views tutorial niya at inaral iyon para i-apply sa akin mamaya.

Abala ako sa panunuod sa youtube nang marinig ko ang phone ko. Agad akong tumayo at inabot iyon na nakapatong sa side table.

Just seeing his name on the screen is enough reason to make my heart beat faster. Nag-practice pa ako kung paano ko siyang babatiin pero ayaw ko siyang matagal na paghintayin kaya sinagot ko na iyon kahit hindi pa ako ready.

"H-Hello?" Napapikit ako nang mariin nang pumiyok ako. Binatok-batukan ko pa ang sarili ko dahil sa pagpapahiya ko sa sarili. Why am I so nervous?

"Oh, good morning. I just saw your good morning message." ani Kuya Bong sa kabilang linya. Tila nakiliti pa ang tainga ko dahil ang lalim and at same time ay ang sweet ng boses niya sa phone. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

FakedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz