Chapter 49

1.4K 106 456
                                    

"Jill, where are we? This is scary. Kailangan ba talagang naka-blinfold ako?" tanong ko nang maramdaman kong ibaba niya ako ng sasakyan. Umihip ang malakas na hangin kaya naman nagulo ang buhok ko at nalagay iyon sa mukha ko.

"Hindi, trip ko lang ilagay 'yan sa mata mo." ani Jill, dahilan para mapangiwi ako.

"Wait, stay still." Boses ni Win. Medyo nagulat pa ako nang may malamig na kamay ang dumampi sa mukha ko. Inalis niya ang mga buhok na humarang sa mukha ko kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko, probably because I can't see anything. Although medyo naging awkward ang hangin sa amin ni Win kanina, ginawa niya ang lahat para maging komportable pa rin ako. Iniba niya agad ang topic at nag-insist pa siya na sumama sa amin ni Jill dahil nabo-bored daw siya.

"Do you have a hair tie?" tanong sa akin ni Win nang ilagay niya ang lahat ng buhok ko sa isa niyang kamay. Was his voice always this deep and husky?

"Ah yeah, here." sabi ko bago ilahad ang palapulsuhan ko kung saan doon nakasuot ang tali ko. Tila may kuryente pang dumaloy sa akin nang magtama ang balat namin kaya naitago ko ang labi ko at marahas na napalunok.

"Wow, sweet!" komento ni Jill na hanggang ngayon ay yakap pa rin ang braso ko.

"Come on, Jill. Stop that." suway ko.

"Una pa lang bet ko na si Win para sa 'yo, but too bad, you're already married." ani Jill, "Bawi ka na lang sa next life, Gatchalian."

"Siraulo." bulong ni Win habang tinatali niya ang buhok ko. Halatang hindi pa siya sanay at talagang nag-iingat na hindi ako masaktan. Sobrang hinhin ng paggalaw ng mga kamay niya na kung hindi ko lang alam na siya ang nagtatali sa akin ay aakalain kong si manang iyon.

"Hindi pa ba pwedeng tanggalin 'yong blind fold ko?" tanong ko dahil nacu-curious na na ako kung nasaan kami, bukod sa pagwasiwas ng puno tuwing humahangin ay wala na akong ibang ingay na naririnig.

"Okay, here we go." excited na sabi na Jill nang tanggalin niya ang nakapiring sa mata ko. Noong una ay malabo pa ang paningin ko ngunit unti-unti rin iyong luminaw at bumungad sa akin ang buong syudad kasabay ng nalalapit na paglubog ng araw. Saglit akong napatitig doon dahil sobrang ganda noon, hindi ko maipaliwanag nang maayos pero parang gumaan ang loob ko na hindi ko maintindihan.

"Pretty, right?" nakangiting sambit ni Jill."Dito ako laging nagpupunta kapag gusto kong mabawasan lahat ng nagp-pile up na stress sa buhay ko."

"That's dramatic." asar ni Win na nasa kabilang gilid ko. Kasalukuyan kaming malapit sa cliff na may maliit na harang. Sa ibaba ay makikita ang kabuuan ng city, sa dulo noon ay ang orange at red na kulay ng sunset. This overlooking place is somewhat perfect for relieving stress.

"Well, I'm a drama queen after all." pilyang sagot ni Jill bago niya hawakan ang kamay ko, dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"I used to shout all my frustrations here. Why don't you try it, too? No one's gonna here us even we scream at top of our lungs." aniya, "Do you want me to go first?"

Tumango ako sa tanong niyang iyon dahil alam ko na may mga problema rin si Jill, but despite that, nag-abala pa rin siyang bigyan ako ng oras para i-cheer up ako.

"I hate you, Jinggoy!" sigaw niya matapos bitawan ang kamay ko nang sa gano'n ay malagay niya ang magkabila niyang kamay sa gilid ng labi niya. "I f*****g hate that I love you! Lagi ka na lang late sa date natin! Mas marami ka pang oras sa mga barkada mo, isa kang jutay!"

FakedWhere stories live. Discover now