Chapter 68

1.1K 105 141
                                    

"Duterte" Agad akong napahinto nang marinig ang pamilyar na boses saktong paglabas ko ng cr. Nilingon ko iyon at nakita si Bongbong na mukhang kalalabas lang din ng men's comfort room.

"Sir Bongbong" tawag ko nang makalapit siya sa akin.

"Congratulations." bati niya at tipid naman akong napangiti.

"Thank you."

"Sara— your phone's ring-"Hindi naituloy ni Win ang sasabihin nang mapansin niyang kasama ko si Bongbong. Saglit ko siyang nilingon pero binalik ko rin ang tingin kay Bongbong.

"Mauna na ko, sir." paalam ko bago lumapit kay Win at kunin ang bag ko na iniwan ko sa kanya.

"What happened?"

"He just congratulated me." sagot ko bago tingnan ang phone ko at makita kung sino iyong tumatawag. Hindi naka-save sa phone book ko kaya naman number lang iyon.

"H-Hello?" bati ko ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ring nagsasalita. Saglit kong tiningnan ang screen para makita kung on going pa rin ang call at nang makitang hindi pa 'yon nakapatay at ibinalik ko ulit sa tainga ko. "Hello? Sino 'to?"

"Congratulations." Saglit akong natigilan at awtomatikong nag-init ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni iyon. It's mom, I can't be wrong.

"Thank you, ma." ngumiti ako at nagpunas ng luha pero tuloy-tuloy pa rin iyong tumulo sa pisngi ko. Buong akala ko ay hindi ko na siya makakausap after niyang umalis ng bansa since she already cut ties with me but... Hearing her voice makes me emotional.

"Take care." aniya at hindi ko na nagawang magsalita dahil binaba na rin niya ang tawag. Napatingin ako kay Win at hinawakan niya ang balikat ko bago ako yakapin. Humagulgol pa ako nang iyak kaya naman hinimas-himas niya ang likuran ko.

"Shh, it's okay. Just cry it out, that's a tears of joy, right?"

"What happened?" Awtomatiko akong napahinto sa pag-iyak nang marinig ko ang boses Bongbong. Nasa loob pa rin kami ng venue kung saan kami na lang ang tao. Pinunasan ko ang luha ko at umatras nang sa gano'n ay maalis ako sa pagkakayakap ni Win. Nagkatinginan kami pero nag-iwas din ako ng tingin. Ayokong mag-isip nang masama si Bongbong, ayoko na kung ano ang isipin niya kay Win.

"Mom called. She congratulated me." pagsasabi ko ng totoo.

"I see, that's good." aniya.

"Yeah." tipid kong sabi bago tingnan si Win. "Let's go, baka naghihintay na sila Jill."

"Sara." tawag sa akin ni Bongbong nang magsimula na kaming umalis ni Win. Nilingon ko siya at nagtaas ng dalawang kilay, alam kong may gusto siyang sabihin ngunit umiling lamang siya. Dahil doon ay nagpatuloy na ako sa paglakad.

***

"Are you going to work for your family's company?" tanong ng mama ni Jill habang maririnig ang pagtama ng mga kubyertos sa pinggan at kanya-kanya ring nag-uusap ang mga kasama ko, but since nasa harapan ko ang mommy ni Jill ay ako ang napili niyang kausapin.

"Oh, my relationship with dad isn't good. So, hindi ko pa po sure kung magtatrabaho ako sa company." sagot ko, medyo nahihiya pa ako dahil isa si dad sa dahilan kung bakit tuluyang na-bankrupt ang company nila. I mean, I am not blaming my father... It's just that, he's partly the reason. He didn't trust Jill's dad and just pulled out his investment like nothing. Na parang wala silang pinagsamahan.

Naiintindihan ko na iniisip lang din niya ang sarili niyang kumpanya but still...

"I see, what about your mother? Hindi ko na siya nakiki-"

"Mom, paabot naman ako ng shrimp." ani Jill, dahilan para mapatingin ako sa kanya. She felt sorry, mukhang napansin niya na hindi magandang topic na pag-usapan ang kahit anong may kinalaman sa parents ko. I really appreciated that but, I'm okay... I'm no longer the weak Sara because from now on, I will face my problems head on.

FakedWhere stories live. Discover now