Chapter 26

2K 125 90
                                    

"You look happy, did something good happen?" tanong sa akin ni Jill nang magkasalubong kami sa parking lot. "Mukhang hindi ka affected sa rumors."

Pagkasabi niya noon ay doon ko lang na-realize na pinagtitinginan ako ng mga ibang estudyante na kasabayan namin maglakad paalis ng parking lot. I felt a little anxiety pero mas nangibabaw ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Bongbong kahapon. I can't believe we're going on a vacation next week.

Although nab-bothered pa rin ako sa message at pagtawag sa kanya ni Ms. Leni kahapon ay hindi ko na lang iyon gaanong binigyan ng pansin dahil baka work related lang at nag-o-overthink lang ako.

"Hindi naman kasi totoo na may relasyon kami ni Win." sabi ko nang lingunin ko si Jill pero agad akong nag-iwas ng tingin nang makita na naman ang malawak at nakakaloko niyang ngiti.

"Wala ba talaga?" asar niya sa akin bago bahagyang tabigin ang gilid ng balikat ko gamit ang kanya. Nailing na lamang ako dahil kahit anong explain ko sa kanya ay aasarin lang niya ako nang aasarin dahil natutuwa siya sa ekspresyon na ipinapakita ko tuwing ginagawa niya iyon.

"Don't you find Win attractive? May itsura naman siya, hindi mo ba bet?" Ngumiti ako nang tipid dahil halata talaga na sincere si Jill na gusto niya akong magkaroon ng sariling love life. Mas lalo lang tuloy akong nakokonsensya dahil sa sikretong tinatago ko.

"Well, if I'll be honest? He's cute and handsome at the same time. He's cool but he's really not my type, rather than a bad boy look... I'm more into a well-mannered look."

"Wow, that hurts. Should I change my image starting today?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Win. I'm having a sense of déjà vu.

"You're surprisingly energetic for someone who got involved in a rumor."

"Stop doing that, 'wag ka ngang basta-basta sumusulpot sa gilid ko. You're going to be the death of me." reklamo ko bago iiwas ang tingin sa kanya.

"You're surprisingly laid back for someone who got involve in a rumor twice in a row." sabi ko bago yakapin ang braso ni Jill.

"Right, halatang sanay sa rumors ang lalaking yan." pagsangayon sa akin ng kaibigan.

"Rumors doesn't affect me as long as know myself what's real and what's not." ani Win, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hindi talaga mahahalata na involve siya sa rumors dahil wala siyang pakialam sa paligid, he's so confident. Ngumiti ako nang tipid dahil doon, I should follow his example.

Is what I wanted to say but, why is he suddenly stopping?

"What's wrong?" tanong ni Jill nang mapahinto rin kami. Wala kaming ideya kung bakit pero bigla na lang nagpunta si Win sa harapan namin at doon lang napansin na sa amin pala ang punta ng dalawang lalaki na makakasalubong namin.

"Sorry girls, baka ma-late ako sa klase." ani Win.

"H-Hey, you're not planning to fight-"Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ni Jill ang braso ko. Nilingon ko siya at nakita siyang umiling.

"There's no use stopping him. Kahapon noong naiwan kami ni Win rito sa campus, narinig namin ang dalawang lalaki na 'yan na pinag-uusapan 'yong picture. I think one of them took the picture of you and Win" sambit ni Jill at marahan naman akong napatango.

"I see, should we at least call the guards?" tanong ko dahil kinakabahan ako na baka talagang makipag-away si Win sa dalawang 4th year na kaharap niya ngayon.

FakedWhere stories live. Discover now