Chapter 70

1.4K 116 583
                                    

Tinalikuran ko na siya at pumasok ng banyo para makaligo. Inangat ko na lamang ang ulo ko at hinayaang dumaloy ang tubig sa mukha ko.

What am I going to do now? Should just accept Win's proposal? Aalis na si Bongbong dito sa bahay, may dahilan pa ba para umalis ako? But if I stayed... Hindi malabong malaman niya na buntis ako. Malapit na akong pumasok sa second trimester nang pagbubuntis ko, lumalala na rin ang morning sickness ko.

Sooner or later, malalaman din niya ang totoo kaya dapat hangga't maaga ay umalis na ako. Kailangan ko siyang maunahan.

"What's this?" napahinto ako sa paglalakad paglabas ko ng banyo nang tanungin iyon ni Bongbong habang hawak-hawak niya ang pre-natal vitamins ko. Nanlaki ang mata ko at agad na lumapit sa kanya para kunin iyon sa kamay niya at ibalik sa bag ko.

"Bakit pinakikialaman mo ang gamit ko?"  tanong ko ng hindi siya nililingon.

"Your bag's open and it fell, pinulot ko lang—"

"Don't touch my things, bakit ba kasi nandito ka?" inis na tanong ko, hindi ko magawang kontrolin ang emosyon ko.

"What? Bahay ko rin 'to, Sara." aniya, "Am I not allowed to be here just because we broke up?"

"You're smart, Bong. Why don't you answer your own question?" Malalim akong napabuntong hininga at inilagay ang bag ko sa study table ko. Nanginginig ang mga kamay ko, bumibilis lalo ang tibok ng puso ko. Napapikit ako nang mariin at pilit ikinalma ang sarili ko ngunit walang nangyayari.

"Sara" Tawag sa akin ni Bongbong pero hindi ako lumingon, natatakot ako sa sasabihin niya. Natatakot ako sa kung ano mang salita ang lalabas sa bibig niya. He's holding his phone and the vitamins when saw him earlier, it's possible that he already knew the answer when he asked me what kind of medicine he was holding.

"Can you just leave the room-"

"Are you pregnant?" Marahas akong napalunok nang tanungin niya iyon. My mind's going blank, I can't think straight.

"Look at me, Sara. Answer my question." Naramdaman ko siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko sa marahang paraan para maiharap niya ako sa kanya pero mabilis kong tinabig ang kamay niya at hinawakan iyong braso ko na hinawakan niya. Tuluyan akong humarap sa kanya at saka siya tiningnan sa mata. For a moment, pumasok sa isip ko ang boses ni Win.



"Why don't you use me? Use me so you can move on from Bongbong."

"You have to be cruel in order to show the people who hurt you that they can't hurt you again."

"Sara, answer me. Are you pregnant?"

"What if I am?" tanong ko bago maikuyom ang mga kamao ko. I'm starting to sweat, I don't feel good, this is stressing me. Everything's going fine, why is this happening now? Bakit kailangan niyang malaman kung kailangan nagbabalak na akong umalis?

Tiningnan ko si Bongbong at nakita kung paano siyang mapahilamos sa mukha, sinubukan niya akong hawakan pagtapos noon pero umiwas ako.

"Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" tanong niya na mas lalong nagpakuyom sa kamao ko. How could he ask me something shameless? Does he really expect me to say that I'm pregnant after all the bullshit he put me through?

"Why would I tell you? You're not even the father." Pinilit kong 'wag pumiyok nang sabihin iyon pero hindi ako nagtagumpay, nag-iinit na ang mata ko. I am already close from breaking down. Kitang kita ko kung paanong nagulat si Bongbong sa sinabi ko, he's looking at me as if betrayed him. I thought, magiging masaya ako kapag nakita ko siyang masaktan, I thought I will be satisfied when I saw him taste his own medicine but my heart's aching watching him hurt.

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon