Chapter 3

2.1K 123 179
                                    

This chapter contains content and language that may be triggering. Please, read at your own discretion.

--

"Duterte, you stay." Napahinto ako sa balak ko na sanang paglabas ng classroom nang sabihin iyon ng adviser naming si Sir Lacson. Saglit ko pa itong tinignan dahil naalala ko iyong nakita ko dalawang linggo na ang nakakalipas.

He's watching me from afar while touching his private part. I thought I was just seeing things but when he smiled at me the moment we made eye contact, I knew his behavior wasn't normal since then. I've been afraid of making eye contact with him during class. Isa nga siguro 'yon sa dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-focus tuwing math na ang subject.

"B-bakit po, sir? Did I fail the long quiz?" medyo kinakabahan kong tanong nang lumapit ako sa mesa niya. Napalingon pa ako saglit sa likuran nang sumara ang pinto.

"You've got 5 wrong answers, usually naman na pe-perfect mo ang scores mo." Marahan niyang hinawakan ang balikat ko, kaya't napatingin naman ako roon. "May problema ba sa inyo o nahihirapan kang sundan ang lessons ko?"

"H-Hindi naman po." medyo naiilang kong sagot nang maramdaman na tumayo siya at pumwesto sa likuran ko.

"Here, look at your quiz paper." Yumuko siya at itinuro ang nakabukas kong quiz notebook na nasa mesa. Lalo akong kinabahan nang halos maramdaman ko na ang paghinga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa gilid ng ulo ko.

"Mali ang ginamit mong formula sa division of decimals." Tila pinagpawisan ako nang idinidikit niya ang gitnang parte ng kanyang katawan sa likuran ko habang ine-explain ang mga mali kong sagot na halos hindi ko maintindihan dahil sa takot na nararamdaman.

I want to move my body and run but I was frozen in place. I can't even talk, I don't know how to get away in this kind of situation. Natatakot ako na baka saktan niya ako o mas malala pa ang gawin niya sa akin.

"Sara, are you listening?" I flinched before his hand touches me.

"Y-Yes, sir. I'm sorry." paghingi ko ng tawad bago marahas na mapalunok dahil hinimas-himas niya ng marahan ang balikat ko matapos siyang umakbay roon.

"Are you okay?" malambing pang tanong sa akin nito at noong balak ko nang sumagot ay biglang bumukas ang pinto, dahilan para mabilis na alisin ni sir ang pagkaka-akbay niya sa akin. Nakahinga ako ng nang maluwag dahil doon.

"What are you doing here?" tanong ni sir sa kaklase kong lalaki na hindi ko matandaan ang pangalan. Ang alam ko lang ay isa siya sa mga pasaway na estudyante rito sa school dahil lagi itong laman ng guidance.

"Nakalimutan ko bag ko, bakit?" maangas na tanong niya pabalik kay sir.

Nakabukas pa ang uniform nito kaya naman kita ang pangloob niyang itim sando.

"Bastos ka, ah!" Halos mapatalon ako dahil sa pagsigaw ni Sir Lacson, mas lalo akong pinagpawisan kahit na airconditioned naman ang classroom. Hindi ko tuloy maiwasang mapakapit sa kaliwang braso ko at ibaon doon ang mga kuko para kahit paano ay mawala ang nararamdaman kong takot. Gusto ko nang umalis dito, gusto ko nang umuwi.

"Mas bastos ka, sir. Akala mo hindi ko nakita ginagawa mo?" Mabilis kong tiningnan ang kaklase habang naglalakad ito papunta sa kanyang mesa. Pagkakuha niya ng back pack ay sinabit niya agad iyon sa isa niyang balikat.

"What?" tanong ni sir, gusto kong tingnan ang reaksyon niya ngunit hindi ko nagawa dahil lumapit sa akin ang kaklase ko at hinawakan ang kamay ko.

FakedWhere stories live. Discover now