Chapter 29

1.5K 105 72
                                    

"Sorry, miss." Paghingi ko ng tawad sa babaeng nagma-mop ng kapeng natapon ni Win. I didn't expect him to drop his coffee after saying that Bongbong is my husband. Well, I mean kahit sino naman siguro kapag nalaman na ang professor at estudyante ay may ganoong klase ng relayon ay magugulat talaga.

"Hey, are you hurt? Hindi ka ba talaga napaso?" tanong ko kay Win nang makitang hawak-hawak niya ang kamay. Inabutan ko siya ng tissue dahil basa pa iyon ng kape, nadumiha din ang uniform niya.

"I'm fine, hindi naman na mainit 'yong kape." aniya, dahilan para mapatango ako. Pag-alis na pag-alis ng babaeng nagma-mop ay agad kaming binalutan ng pagiging awkward sa isa't isa. How am I going to explain everything to him? I mean, he already caught me red handed, and I already told him the truth. It doesn't make any sense kung babawiin ko pa iyon at magsinungaling.

"I can't believe my ears, did you really say that you and he are married?"

"Y-Yeah, arranged marriage to be exact. He didn't marry me out of love so..." Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil hindi ko inaasahan na darating ang araw na pag-uusapan ko ang bagay na ito. With a man no less, mas lalo lang tuloy akong magi-guilty nito dahil nauna pang makaalam si Win ng sikreto ko kaysa kay Jill.

"So, it's unrequited love?" tanong niya, dahilan para ibaling ko ang tingin sa kanya at makitang nakapalumbaba ito habang nakatingin sa akin ng seryoso. Doon ko lang din napansin na may tattoo siya sa palapulsuhan. Ibon iyon na naka-spread ang pakpak habang may nakalasulat na free malapit sa buntot noon.

"How did you know?" balik tanong ko nang langat ko sa kanya ang tingin.

"Because you're obviously in love with him." Kibit-balikat niyang sabi at napangiti na lamang ako nang pilit. Pumalya ba ako sa pagtatago ng emosyon ko o sadyang matalas lang ang pakiramdam ni Win? Wala pang isang linggo nang mag-transfer siya and yet-nadiskubre na niya agad ang sikreto ko at relasyon namin ni Bongbong.

"Can you keep it a secret, please? Lahat ng nakita at narinig mo mula sa 'kin ngayong araw, sana walang ibang makaalam bukod sa ating dalawa." pagmamakaawa ko dahil natatakot ako na baka bukas lang ay pinag-uusapan na kami ni Bongbong sa buong campus, kapag nangyari iyon ay hindi ko na magagawang pumasok pa ng school.

"Do I look like the type of person who spreads the secret of others?" tanong niya at agad namang akong umiling.

"N-No, it's just that "

"It's okay, you don't need to explain yourself." natatawa niyang sabi, "But seriously, I can't believe you're married. Is he mistreating you?"

Hindi agad ako nakasagot nang tanungin niya iyon sa akin dahil nagsisimula na akong maging komportable sa pagiging perceptive niya, pero hindi ko rin siya masisisi na gano'n ang tiingin niya dahil naroon siya noong ipahiya ako ni Bongbong sa klase.

"No."

"That's a long pause, halatang nag-alangan kang sumagot." nakangisi niyang sambit.

"He's not mistreating me, it's just that..." I trailed off, nangangapa ng tamang term at explanation, I mean I can't just go around telling others that Bongbong's treating me unfairly. Pakiramdam ko ay sinisiraan ko siya once na aminin kong may mali sa pagtrato niya sa akin. "He hates me, that's all."

Malalim na bumuntong hininga si Win habang nakapalumbaba pa rin at nakatingin sa akin na para bang tumitingin siya sa isang kawawang kuting na walang pag-asa sa buhay. Well, I really can't blame him, miski ako ay nawawalan na rin ng pag-asa sa sarili ko, pakiramdam ay habang buhay na lang akong magiging selfless. Pakiramdam ko ay hindi ko mababago ang ugali kong 'yon.

FakedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora