Chapter 74

1.5K 111 468
                                    

Bongbong

The first time I saw Sara, I thought I saw myself in her. She was struggling to get the folder that the bullies were passing on. Parang ako lang noong bata, ang kaibahan lang ay bag ko ang pinagpapasa-pasahan noon. But the rest ay similar sa naging sitwasyon ko, the place, uniform, and even her expression like she was controlling herself from crying.

"Ganito na ba talaga mga elementary ngayon? Mga bakla ba kayo at nangbu-bully kayo ng babae?" nakangising tanong ko nang hatakin ko ang tainga ng isa sa mga batang lalake. Late na ako sa meeting nila Borgy but I can't turn a blind eye, in the end tinulungan ko pa rin ang batang babae.

"What do you mean it's okay? Bullying isn't okay." sabi ko matapos ko siyang kausapin kung lagi bang nangyayari sa kanya ginagawa ng mga lalake kanina.

"I'll go ahead, t-thank you for helping me."

"Wait-" Napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko nang bigla na lang siyang tumakbo. Napatingin pa ako sa sahig nang makitang may nahulog na keychain doon, before knew it... Tumatakbo na ako para hanapin ang batang may-ari ng keychain na nagpakilalang si Sara. She looks timid, mukhang siya iyong tipo ng taong tatanggapin kung ako man ang mangyari sa kanya dahil takot siya sa mga magiging consequences ng actions niya.

"Sara!" tawag ko nang makita ko siyang lumabas ng faculty. She was crying, but pretended not to see that.

"Do you want to eat ice cream? I will treat you." I don't know why but I want to protect this little girl, she looks fragile but strong at the same time.

Dahil doon, I volunteered to fetch Borgy from school, that way mapoprotektahan ko rin si Sara sa mga bullies niya. We surprisingly became close, madali siyang pakisamahan. She's like a little sister, magalang, sweet, at masiyahin. Although sometimes ay nakikita kong malungkot ang mga mata niya, hindi niya ipinapahalata sa akin na may problema siya, well not until...

"Flirting with adult so openly? You sure are shameless." komento ng batang babae pagkadaan niya sa bench na inuupuan namin ni Sara.

"What the" Kung hindi lang siya bata ay baka nakapagmura na ako. What part of what we were doing is flirting? We're literally just talking. Kahit saang anggulo tingnan, halatang may sama ng loob ang batang 'yon kay Sara. Is she one of her bullies? Gusto ko siyang tanungin pero parang hindi komportable si Sara kaya hinayaan ko na lang at nagmasid nang tahimik..

To be honest, Sara's life kinda bothers me. I mean... Pakiramdam ko ay ang dami niyang pinagdadaanan pero kinikimkim niya 'yon. We're friends but I feel like she doesn't trust me, well, I guess dahil sa age gap namin iyon.

I felt bad knowing that there's a rumor going around and they're attacking her just because she's hanging out with me. I mean I know it's weird for a 6th grade student to have a senior high friend but we're not really doing anything weird, isa pa... nakababatang kapatid ang tingin ko kay Sara, that's all. Kaya noong malaman ko na na-hospital siya ay labis akong nag-alala.

"Why?" tanong ko nang tawagin niya ako matapos kong makipag-usap sa driver niya, kung hindi ko pa tatanungin si Manong kung bakit ilang araw absent si Sara, hindi ko pa malalaman na sinubukan niyang mag-commit ng suicide. "Why did you hurt yourself? Why did you try to end your life?"

I'm so frustrated, not of her but me. Lagi siyang nakangiti at hindi ko man lang napansin na grabe na pala ang pinagdadaanan niya to the point na handa siyang tapusin ang buhay niya. What am I even doing?

FakedWhere stories live. Discover now