Chapter 51

1.5K 119 415
                                    

Kumunot ang noo ko nang matamaan ako nang sikat ng araw pagtapos may magbukas ng kurtina mula sa bintana. Sobrang bigat ng talukap ko at tila ayaw pang gumising, but in the end-minulat ko pa rin ang mga mata ko at tiningnan kung sino ang nagbukas ng kurtina, It's Bong.

"Just how long do you intend to sleep?" tanong niya sa akin, dahilan para mapatingin ako sa digital clock at makitang tanghali na. Noong una ay nag-panic pa ako pero na-realize ko na Sunday nga pala ngayon. I can't believe that I slept that long.

"M-May lakad ka?" tanong ko nang sundan ng tingin si Bongbong dahil tumungo siya sa cabinet niya. Nilingon ko pa saglit ang tabi ko para tingnan kung tinabihan niya ba ako sa pagtulog pero nang makitang maayos sa kabilang side ng kama ay napakagat ako sa labi.

"May seminar akong pupuntahan, hindi ako uuwi ng dalawang araw." aniya at tumango naman ako.

"I see, ingat ka." tipid kong sabi bago alisin ang comforter sa ibabaw ko at umalis na sa kama.

"That's it?" Nahinto ako sa pag-aayos ng higaan at nilingon si Bongbong nang tanungin niya sa akin iyon.

"Huh?" naguguluhang tanong ko dahil parang galit pa siya kahit wala naman akong maling sinabi. Bumuntong hininga na lamang siya at nagbihis kaya pinagpatuloy ko rin ang ginagawa ko. Hanggang ngayon, wala pa rin akong energy para makipagtalo kay Bongbong. I wanted to give us both space nang sa gano'n ay makapag-isip isip kami.

At sana, pagbalik niya galing seminar ay ma-realize niya na ayaw niya talaga ng divorce at nasabi niya lang ang bagay na iyon dahil galit siya.

"Anong pinag-usapan niyo ni dad?" tanong niya nang balak ko na sanang pumasok ng cr. Hindi ko kasi siya nasagot kahapon kaya tinatanong niya ulit sa akin, and I'm sure hindi siya titigil sa pagtatanong hangga't hindi niya nalalaman ang sagot.

"Gusto niya kong kunin na female lead para sa music video ng debut song ni Mans." Natigilan si Bongbong sa paghalungkat ng damit at lumingon sa akin.

"Mans?" kunot noong tanong niya at tumango naman ako.

"Hindi ko pa tinatanggap ang request nila since wala naman akong experience sa pag-acting."

"Nila? Anong nila?" naguguluhang tanong niya at sigurado ako na kapag nalaman niyang nagpadala ng staff dito sa bahay ang daddy niya ay tiyak na mag-aaway sila. Hindi ko rin naman masisisi si Bongbong kapag nagalit siya dahil delikado talaga iyong ginawa ni Mr. Marcos, alam niyang sikreto ang kasal namin ng anak niya, I'm keeping it lowkey but I am not an ordinary person, tagapagmana ako ng isa sa pinakamalaking company sa bansa at mayor pa si Dad.

May makaalam lang nang isa sa mga 'yon sa media ay siguradong pagpipyestahan iyon. Or worst, ma-e-expose pa na may relasyon ang estudyante at professor, maraming masisira kapag lumabas ang sikreto namin. Bukod sa reputasyon ni Bongbong, pwede ring madamay ang pangalan ng university.

"Uhm, nagpadala ng staff ang daddy mo rito sa bahay. Mga manager sila sa ABS-CBN"

"What?!" Halos mapatalon ako nang magtaas siya ng boses. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin agad ang tungkol doon?"

"Kapag nag-message ba ako sa 'yo, magre-reply ka?" tanong ko, "Hindi ko nga alam kung saan ka nagpunta kahapon, Bong. Bakit parang ako na naman ang may kasalanan?" Napabuntong hininga ako dahil napapansin ko na simula kagabi ay parang ang hirap kontrolin ng emosyon ko. I don't know why but feel like I am not myself, hindi ko ma-explain.

"What's with you? I'm just asking, bakit hindi mo na lang sagutin? Wala akong oras para makipagtalo, Sara." Wala sa sarili akong napangisi nang marinig iyon. Nag-iwas ako ng tingin at bumuntong hininga.

FakedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt