Chapter 17

1.6K 108 135
                                    

Napatingin ako sa wrist watch ko nang hindi pa rin pumapasok si Jill. Pumasok na rin ang prof kaya naman nilabas ko na ang phone ko. Balak ko na sana siyang i-message pero naunahan niya ako.

 Balak ko na sana siyang i-message pero naunahan niya ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad na reply ko ngunit hindi na siya nag-message ulit. Itinago ko na lamang ang phone ko at nag-focus sa klase ngunit hindi ko iyon nagawa dahil pilit akong kinakausap ni Win tungkol sa pagpunta niya ng nightclub mamaya kasama si Jinggoy. He's asking if I'm going. Sinabi ko nang hindi ako sasama pero pinipilit niya ako na sumama.

"Why are you such a kill joy? Kahapon, basta ka na lang umalis. Ngayon ayaw mong sumama. Don't worry, hindi kita pipilitin uminom. Sumama ka lang para may kasama rin si Jill. Awkward kung siya lang ang babae mamaya." Tiningnan ko siya nang masama dahil hindi niya talaga ako tinitigilan.

"And you look sad," Awtomatikong nawala ang masamang tingin ko sa kanya nang sabihin niya iyon. Masyado bang obvious na hindi ako okay? Una ay si Ana, ngayon naman ay si Win. Dati naman ay walang nakakapansin kapag malungkot ako dahil kahit anong mangyari ay lagi akong nakangiti.

"Sinabi ba ni Jill na sasama siya?" mahina kong tanong, iniiwasan na marinig ako ng prof na abalang nagdi-discuss sa harapan.

"Yeah." tipid na sagot niya bago ipakita sa akin ang phone niya kung saan naroon ang conversation nila ni Jill. Kumunot ang noo ko dahil parang sobrang close na agad nila kahit na kahapon lang noong magkakilala sila. Pero sabagay, pareho naman kasi silang friendly kaya dapat ay hindi na ako nabigla na nag-click sila agad.

"Pag-iisapan ko. Just stop talking to me, I can't focus on the lesson." sabi ko nang iiwas ko na ang tingin sa kanya at ituon ang atensyon sa harapan. Mabuti na lang at wala kaming marketing ngayon kaya hindi magtuturo si Bongbong sa klase namin ngayong araw, but still. I want to see him. I want to talk to him and explain why Win and I are together. Alam ko naman kasi na iba na naman ang iniisip niya gaya ng nangyari kahapon.

And to be honest, kung may dapat mang magalit sa amin... Ako dapat iyon dahil madalas silang magkasama ni Ms. Leni dito sa campus, hindi pa siya nakontento at maging sa phone ay nag-uusap sila but hindi ko siya magawang komprontahin tungkol doon. After all, ako ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay at hindi nagkatuluyan.

Kung hindi dahil sa arranged marriage, sila dapat ang kasal ngayon. Sila dapat ang nagsasama, but Bongbong chose to marry me rather than proposing to Leni because just like me, he's also devoted to his family, he doesn't want to disappoint them. He can't go against his parents.

--

"Where did you go?" tanong ko kay Jill nang magkita kami sa cafeteria. Ang sabi niya ay babalik siya ng second subject pero breaktime na siya bumalik. Hanggang ngayon tuloy ay kasama ko pa rin si Win dahil hindi siya humihiwalay sa akin. Nakokonsensya rin naman ako na iwan siyang mag-isa dahil kaka-transfer lang niya, at isa pa— alam ko ang pakiramdam ng mag-isa, it's very frustrating, sad, and it feels like you're thousand miles away from everyone else.

FakedWhere stories live. Discover now