Chapter 52

1.2K 102 184
                                    

"See? I told you." ani Win nang hindi nga dumating si Jinggoy. Napatingin na lamang ako kay Jill at hinawakan ang kamay nito. Kung hindi late si Jinggoy sa napag-usapan nilang oras ay hindi ito sumisipot, ilang beses na iyong nangyari pero iniintindi pa rin ni Jill dahil magkalayo sila. She looks disappointed but she still manage to flash a smile like she's okay.

"Well, let's have fun without him." Bumitaw sa kamay ko si Jill at saka niyakap ang braso ko. Tiningnan ko si Borgy na halatang ina-admire pa rin si Win, noong magkita-kita kasi kami sa entrance ay para siyang nakakita ng multo. Turns out na sikat na player pala si Win sa mobile game na kinaadikan ni Borgy, dahil doon ay may nadisukbre na naman ako tungkol kay Win.

"What should we ride first?" tanong ko, "Ayoko sa extreme rides, ha? The last time na nagpunta ako rito, parang humiwalay ang kaluluwa ko sa mga rides na sinakyan namin ni Bo—"Hindi ko tinuloy ang sasabihin nang maalalang hindi nga pala aware si Borgy na alam ni Win ang tungkol sa amin ng tito niya.

"Then, should we try that?" tanong ni Jill nang tumuro siya sa bump car, hindi ko alam kung bakit pero natawa ako.

"Ikaw na lang." asar ni Win bago ako tingnan, "How about that?"

Nilingon ko ang tinuro ni Win at nakita ang spinning swing na hindi namin nasakyan ni Bongbong noong magpunta kami rito. It doesn't look scary pero pakiramdam ko ay nakakahilo iyon. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nang makitang nakaabang sila sa isasagot ko ay tumango ako, dahilan para iyon ang una naming sakyan.

In the end, nalula pa rin ako at nahilo kaya naman pagbaba namin ay pinaupo ako ni Win sa bench and since ayokong makasagabal ay pinilit ko sila na mag-enjoy muna ng wala ako pero nag-insist sila na mag-stay. Mabuti na lang at nahalata ni Win na nahihiya ako kaya kinumbinsi niya 'yong dalawa na sila muna ang sumakay sa mga rides at susunod kami kapag naging okay ako.

"Here." Nag-angat ako ng tingin nang bumalik si Win pagbalik. Ngumiti ako nang tipid at kinuha ang inabot niya sa aking bottled water na binuksan na niya.

"Thank you." Naupo siya sa tabi ko at tahimik lang na naupo roon. I don't why but I suddenly felt awkward. Ito yata ang unang beses na magkasama kami ng kaming dalawa lang after kong malaman na may gusto siya sa akin. Marahas akong napalunok pagtapos uminom ng tubig at hindi alam kung paanong makikipag-usap sa kanya.

"Did he make you cry again?" He asked, breaking the awkward silence between us. Nilingon ko siya at medyo nabigla nang lumingon din siya habang ang siko niya ay nakapahinga sa sinasandalaan. Saglit ko pa siyang natitigan ng wala sa oras dahil na-appreciate ko na naman ang physical features niya gaya noong unang araw niya bilang transferee. Now that I think about it, mukhang nakilala niya agad ako noon kahit na malaki ang ipinagbago ko.

"And here I thought I covered my eyes with concealer properly." natatawang sabi ko nang iiwas ko ang tingin. I mean, si Jill nga ay hindi napansin ang mata ko and yet-nahalata pa rin iyon ni Win.

"Well, maybe I'm staring at you too much." aniya, dahilan para maibalik ko sa kanya ang tingin. Ngumiti siya sa akin kaya naman wala sa sarili kong nahigpitan ang paghawak ko sa bote gamit ang dalawang kamay. Alam ko sincere si Win sa nararamdaman niya para sa 'kin pero ayoko siyang masaktan.

"Win, I can't reciprocate your feelings." lakas loob kong sabi.

"I knew that very well, Sara. I confessed my feelings for you knowing that I'm fighting a losing battle." Muli siyang ngumiti kaya naman nakagat ko ang labi ko at bahagyang napapikit nang ilagay niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko. "Let's go?"

FakedWhere stories live. Discover now