Chapter 41

1.4K 115 156
                                    

Paulit-ulit kong tinapik ang daliri ko sa manibela habang nanghihintay sa message ni Jill, may isang oras na lang bago mag-start ang game ni Borgy. I'm sure madi-disappoint 'yon kapag late akong dumating. Kinuha ko na lamang ang phone ko at balak na sanang mag-send sa kanya ng message na baka ma-late ako ngunit biglang nag-pop up ang message ni Jill.


 Kinuha ko na lamang ang phone ko at balak na sanang mag-send sa kanya ng message na baka ma-late ako ngunit biglang nag-pop up ang message ni Jill

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

tipid akong napangiti nang mabasa iyon at agad na nag-reply sa kanya.

Pagka-send ko noon ay hindi na siya nag-reply kaya naman nagmaneho na ako kung saan kami nag-highschool dahil doon nag-aaral si Borgy at doon din mismo magaganap ang final game ng basketball nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagka-send ko noon ay hindi na siya nag-reply kaya naman nagmaneho na ako kung saan kami nag-highschool dahil doon nag-aaral si Borgy at doon din mismo magaganap ang final game ng basketball nila.

Pagdating ko roon ay nagkalat ang mga estudyante, nahirapan pa akong ma-contact si Borgy dahil siguradong nagwa-warm up na sila. Medyo naiilang pa ako dahil may ilang napapalingon sa akin kapag nadaanan ko sila, para bang first time nilang makakita ng college student na hindi ko malaman.

"Ate Sara!" Mabilis akong napalingon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon, saktong paglingon ko naman ay niyakap ako ni Borgy, dahilan para pagtinginan kami ng mga nakakita sa amin. Halatang nagulat pa ang dalawa niyang kasama sa likod kaya ngumiti ako nang pilit. Mukhang sikat si Borgy sa school dahil karamihan ng na nakatingin sa amin ay mga babae.

"You're here." masaya niyang sabi kasabay nang pagtapik ko sa likod niya para kumalas na siya sa pagkakayakap, baka mamaya ay iba ang isipin ng nasa paligid.

"I called you multiple times, kala ko nagwa-warm up na kayo." sambit ko nang sa wakas ay umalis na siya sa pagyakap sa akin.

"Sorry, hinanap ko 'yong jersey ko, e." napapakamot niyang sabi, "Tara na sa loob?"

"Oh! May hinihintay pa ako. Susunod ako, baka galit na 'yong coach niyo."

"Okay, see you!" Tumango ako at pinanuod siyang pumasok sa loob ng gymnasium. Kumaway pa sa akin ang dalawa niyang kasama kaya kumaway ako pabalik, medyo natawa pa ako no'ng magtulakan sila bigla na tila nag-aasaran. Napailing na lamang ako at nagpunta sa gilid para roon maghintay ngunit hindi pa man ako nagtatagal doon ay dumating na si Jill.

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon