Chapter 12

1.4K 92 96
                                    

"Are you okay?" tanong ni Kuya Bong nang pabagsak akong maupo sa bench matapos naming sumakay sa roller coaster. Dahil sa rides na iyon ay nawala sa isip ko ang sinabi ni Mans kanina. Nawalan din ako ng chance na kausapin siya dahil after niyang magpakilala kay kuya Bong ay bigla na lang siyang nagpaalam na aalis na dahil baka hinahanap na siya ng mga kaklase.

"I'm dizzy." mahina kong sabi kay Kuya Bong na nanatiling nakatayo sa harapan ko. Parang wala lang sa kanya ang rides na sinakyan namin. Halatang sanay na sanay na siya, samantalang ako ay parang tumalsik ang kaluluwa ko. My body will definitely hurt tomorrow.

"I'll buy a water. Wait for me here." sabi niya at bago pa man ako makapagsabi na okay lang ako ay nakaalis na siya. Mabuti na lang at halos nasa tapat lang ng pwesto namin ang stall kaya hindi siya nawala sa paningin ko. Medyo natawa pa ako nang mapansin na maya't maya siya lumilingon sa akin para lang makasigurado na walang lalapit sa akin.

Simula nang ipakilala ni Mans ang sarili niya ay parang mas naging extra sweet and caring si Kuya Bong towards me. Masaya ako dahil doon but at the same time, natatakot dahil pakiramdam ko ay magiging greedy ako kapag patuloy siyang naging ganito sa akin. Na baka maging selfish ako kapag nakasanayan ko ang atensyon na ibinibigay niya sa akin.

"Here, drink it." aniya pagkabukas niya ng bottled water at iabot iyon sa akin. Pagkainom ko ay kinuha niya iyon at halos manlaki ang mata ko nang uminom din siya roon. That's indirect kiss! Naitago ko na lamang ang labi ko at mabilis na inalis ang tingin sa kanya. I know he doesn't see me as a woman but, I want him to look at me. Even if it's just a little.

"Let's ride the Ferris wheel next." aya ko nang maglakas loob akong hawakan ang kamay niya. Noong una ay natakot ako na baka bawiin niya ang kamay niya at maging akward kami but, I sigh a breathe of relief whe he didn't let go. Instead, in-intertwined pa niya ang kamay namin, dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"I-Is it okay if we hold hands like this?" nahihiyang tanong ko pero hindi niya nagawang sumagot dahil may lumapit sa amin noong pipila na kami.

"Sara." Nilingon ko si Mans ngunit imbes na sa akin mismo ang tingin ay napako ang mata niya sa kamay namin ni Kuya Bong na magkahawak.

"A-Are you going to ride the Ferris wheel, too?" tanong ko nang bawiin ko ang kamay ko at awkward na ngumiti. I don't want him to misunderstand things, ang sabi ko sa kanya ay kaibigan ko lang si Kuya Bong. Ayoko na isipin niyang may relasyon kami dahil lang sa magkahawak kami ng kamay. Paniguradong maaapektuhan noon ang pagtingin niya kay Kuya Bong. I don't want that to happen, I don't want to repeat the same mistake.

"Yes. You wanna ride with me?" tanong ni Mans nang ibalik niya sa akin mismo ang tingin niya.

"Uhm." Hindi ko alam ang sasabihin dahil naging awkward ang hangin sa pagitan namin. Mabuti na lang at tinawag siya ng mga kaklase at sinabing nagbibiro na lang siya noong ayain niya ako. Pagkaalis niya ay agad akong tiningnan ni Kuya Bong.

"Let's ride something else." aniya bago hawakan ang palapulsuhan ko at marahan akong hilahin paalis sa tapat ng pila. Instead of Ferris wheel ay sa carousel na lang muna kami sumakay.

Pinagtitinginan kami ng mga magulang ng mga batang kasabayan namin pero hindi ko iyon gaanong pinansin at nag-enjoy na lang.

After that ay marami pa kaming sinakyan na rides, kumain din kami at bumili ng ilang souvenir. Nagpa-picture rin kami sa photo booth at kumain ng ice cream. Marami kaming nagawa and it really made my day. Sobrang saya ko to the point na ayoko nang umuwi but, we're already in front of our gate.

"I had fun." ani Kuya Bong, "Pasok ka na sa loob para makapagpahinga ka. May pasok ka pa bukas."

"Yes, Daddy." pilya kong sabi bago mabilis na halikan siya sa pisngi at hubarin ang seatbelt ko. Nahiya ako sa ginawa kong iyon at pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko kaya naman hindi ko na nagawang tingnan ang naging reaksyon ni Kuya Bong.

"Thank you," lyon na ang huli kong sinabi at mabilis na bumaba ng kotse at dali-daling pumasok sa bahay.

Pagdating na pagdating ko sa kwarto ko ay nahiga agad ako sa kama nang padapa at pinadyak-padyak ang paa ko sa sobrang hiya at kilig. I really had fun today, sana ay maulit pa ang araw na ito. Sana ay may kasunod pa dahil gusto ko siyang makasama ng mas matagal pa.

"I love you, Kuya Bong." mahina kong sabi nang gumulong ako at hawakan ang labi ko. Ngumiti ako nang matamis at saka ipinikit ang mga mata ko. I can't believe that I did that. I kissed him! Sana lang ay hindi siya nagalit sa ginawa ko. Now, I'm curious. What was his reaction? I wish I had seen it but I was too scared to look at him. Sana ay hindi kami maging awkward kapag nagkita ulit kami but since ang sabi niya ay magiging busy siya this week. I'm sure ay makakalimutan niya rin iyon.

--

"What?" Nabitawan ko ang hawak kong kubyertos, dahilan para gumawa iyon ng ingay at mapatingin kay mommy dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi ko in-expect na uuwi sila ngayon at isa pa, ngayon na lang ulit kami kakain ng magkasamang tatlo sa iisang mesa pero bakit hindi ako masaya?

Hindi ko in-expect na uuwi sila ngayon at isa pa, ngayon na lang ulit kami kakain ng magkasamang tatlo sa iisang mesa pero bakit hindi ako masaya? Bakit iyon agad ang unang lumabas sa bibig nila? Ni hindi man lang nila ako tinanong kung okay ako. I hope I'm just hearing things.

"I said you're going to meet your future husband next week." Bumagsak ang balikat ko nang ulitin nga ni mom ang sinabi niya. Lahat ng sayang naramdaman ko ngayong araw ay bigla na lang naglaho, kinuyom ko ang mga kamao ko at pilit pinanatili ang composure ko.

"Mom, I just turned 18. W-What are you talking abou-"

"Sara." ma-awtoridad na tawag sa akin ni dad kaya naman nagulat ako at kinabahang ibinaling sa kanya ang tingin.

"This is bound to happen, you're already at the right age to marry so, you're going to meet your fiancé next week. Sa ayaw mo o gusto."

FakedWhere stories live. Discover now