Chapter 40

1.7K 115 211
                                    

"Ma'am Sara, okay lang po ba kayo? Hindi niyo po ginagalaw ang pagkain niyo, baka lumamig na po." ani Ana kaya naman nag-angat ako ng tingin dito at tipid na ngumiti.

"Sorry, pwede bang timplahan mo na lang ako ng hot chocolate tapos pakiakyat sa kwarto ko? Thanks." halos walang gana kong sabi bago iatras ang upuan ko at umakyat na sa itaas.

Matapos ng nangyari kanina, pinilit na akong umuwi ni Win dahil kailangan ko rin daw magpahinga in the end, umuwi ako at hindi na nag-abalang balikan ang sasakyan ko sa school.. Gusto ko nang makausap si Jill, gusto ko nang mag-explain sa kanya. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, never kaming nag-away. Tampuhan oo, madalas pa nga pero isang araw lang ay magiging okay rin kami... Pero ngayon, pakiramdam ko ay tatagal ng ilang araw bago kami magkaayos or worse -baka hindi na.

Pabagsak na lamang akong nahiga sa kama at itinakip ang braso ko sa mukha ko nang maluha na naman ako. Masyado kong na-enjoy ang weekend ko not knowing na lahat ng 'yon ay mapapalitan ng problema pagdating ng weekdays.

"Ma'am Sara, ito na po 'yong hot chocolate niyo." ani Ana pagtapos niyang kumatok. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at bumangon para pagbuksan siya ng pinto at kunin sa kanya ang maliit na tray kung saan doon nakapatong ang tasa.

"Thank you." tipid akong ngumiti at pumasok na rin ulit sa loob bago isara ang pinto. Pagkalapag ko ng tray sa side table ay saktong nag-ring ang phone ko kaya naman nagmamadali ko iyong kinuha, inaasahan na si Jill ang tumawag pero hindi.

"Hello, Ate Sara. Free ka ba bukas?" tanong ni Borgy mula sa kabilang linya. I almost forgot about him, naihatid na sa kanya ni Bongbong ang regalo ko pero hindi pa rin kami nakakabawi sa kanya dahil hindi kami naka-attend noong mismong birtday niya.

"Hindi ko pa alam, may problema kasi, e. Why?"

"Oh, uhmm. May game kami bukas, finals na kasi kaya imbitahan sana kita. Hindi kasi pwede si uncle, wala rin ang parents ko." Ramdam ko na nahihiya si Borgy nang sabihin niya iyon kaya naman tipid akong ngumiti. Pamilya na talaga ang turing niya sa akin, should I get this opportunity?

"Sige, send mo sa 'kin 'yong location at anong oras. Pwede ko bang isama 'yong kaibigan ko?"

"Yes!" sigaw niya sa sobrang saya, "I mean, yes Ate. Pwedeng pwede ka magsama. I'll send you the details, thank you Ate. The best ka talaga!!!"

"Borgy quiet!" saway ng lalaki mula sa background.

"Oops, Ate ibababa ko na ha? May meeting pa kasi kami, e. Bye!" Pagkababa ng tawag ni Borgy ay tipid akong natawa at napatingin sa pinto nang bumukas iyon.

Pagtama na pagtama ng paningin namin ni Bongbong ay mabilis akong tumakbo sa kanya at saka siya niyakap kasabay nang pagsara ng pinto sa likuran niya.

"What's wrong?" tanong niya nang yakapin niya ako pabalik.

"Si Jill, alam na niyang magkakilala tayo. I'm sorry."

"Oh, right. I knew that would happen. Hindi ko alam na boyfriend niya pala 'yong lalaki na kasama mo noong umuwi ako galing America. What happened? Did you fight?"

"I guess so, hindi ko pa siya nakausap nang maayos kasi bigla siyang nag-walk out sa hospital." sabi ko bago kumalas sa yakap para matingnan siya matapos niyang hawakan ang ulo ko.

"Just tell her the truth. It's okay, she's your friend and I'm sorry for giving you a hard time." aniya, dahilan para mag-init ang mata ko at unti-unti na namang mamuo ang luha roon.

FakedWhere stories live. Discover now