Chapter 21

1.7K 103 61
                                    

"Hey, ihahatid na kita." tiningnan ko si Win nang lapitan niya ako. Marami rin siyang nainom pero parang wala iyong epekto sa kanya. Akala ko ay malalasing ako ngayong gabi dahil marami akong nainom but guess I'm not drunk enough because I didn't forget all my problems. Iyon nga lang ay nahihilo ako at parang masusuka.

"It's okay, mag ta- taxi nalang ako."

"You can't even walk straight. What are you saying you're okay?" masungit niyang tanong. Naalala ko tuloy iyong one time na nilapitan niya ako sa classroom after mangyari 'yong away namin ni Kris. Now I'm curious kung bakit niya ako in-approach noong araw na iyon, hindi ko kasi siya pinansin and pushed him away because I don't want our classmates to think that he is close to me, he get involved in rumors, too.

"Sara, magpahatid ka na. It's almost midnight, delikado bumyahe mag-isa." ani Jill na kahit paano ay unti-unti nang nawalan ng alak sa sistema.

Ang dalawang kaibigan ni Jinggoy ay nagpaiwan pa sa loob at tila walang balak na umuwi.

"Oo nga, malay mo bukas, may jowa ka na." asar pa sa akin ni Jinggoy kaya naman nasipa ko ang paa niya.

Nag-aalangan akong magpahatid dahil hindi ko alam kung nakauwi na ba si Bongbong at kung sakaling naroon na nga siya sa bahay at makita niya na may naghatid sa akin ay tiyak na magagalit iyon. Hindi dahil sa nagseselos siya kung hindi dahil baka may makaalam na nagsasama kami sa iisang bahay ay ma-expose ang sikreto namin.

"I can go home by myself, I'm not a kid. I'm a grown-up woman." pagmamatigas ko.

"Wow, you're stubborn." hindi makapaniwalang sabi ni Win na para bang namangha siya sa sinabi ko... "Fine, just call your driver, Ms. Grown up woman. Hihintayin ko na masundo ka niya bago ako umuwi."

Marahas akong napalunok dahil hindi na nagd-drive si Manong para sa akin. May sarili na rin kasi akong kotse kaya hindi ko na kailangan ng driver. Kinagat ko ang labi ko at nag-isip ng pwede kong gawin para makatakas sa sitwasyon na 'to ng hindi sila naghihinala.

Should I just book a grab secretly? Balak ko na sanang gawin na lang iyon pero naalala kong mabilis akong masusundo kapag ginawa ko iyon. I don't have a choice, I need to call Bongbong.

"Wait, I'll try to call him." sabi ko bago ako lumayo sa tapat ng night club kung saan kami nakatambay kanina. Nang masigurado kong sapat na ang distansya ko sa mga kasama ko ay nilabas ko ang phone ko pero laking gulat ko na lang nang makita ang five missed calls ni Bongbong. Balak ko na sana siyang i-call back pero lumabas bigla ang pangalan niya sa screen kaya dali-dali ko iyong sinagot.

"Where the hell are you? Alam mo ba kung anong oras na?" galit na bungad niya, dahilan para mapakagat ako sa labi at mapansin na nakatingin sa akin si Win na tila binabantayan ako just in case may lumapit sa aking lalake gaya ng nangyari kanina sa loob.

"Sorry, pauwi na ako pero nag-i-insist sila na ihatid ako. C-Can you pick me using our tinted car instead?" kinakabahan kong sabi, napalunok pa ako nang marahas dahil hindi siya sumagot. "It's okay if you can't, sabihi-"

"I'll pick you up, hintayin mo ko." Ibinaba na niya agad ang tawag pagtapos niya iyong sabihin kaya pagkalayo ko ng phone sa tainga ko ay natitigan ko iyon. Is he really going to pick me up? Naitago ko na lamang ang labi ko dahil pakiramdam ko ay mapapangiti ako kahit na hindi naman dapat. Wala namang ibang meaning ang pagsundo niya sa akin, gagawin lang niya 'yon dahil alam niya na 'yon na lang ang tanging solusyon sa problema ko.

"Ano raw sabi?" tanong ni Win nang makabalik ako kung nasaan sila. Muntik pa akong matalisod dahil nawalan ako ng balanse pero napigilan niya ang pagtumba ko.

"He's on his way." Pilit akong tumawa pagtapos niya akong itayo nang diretso kaya tiningnan niya ako na para bang nakatingin siya sa baliw.

"Hmp! Krazy Win." bulong ko.

"Then, I guess mauna na kami? Ihahatid ko pa si Jill." ani Jinggoy, dahilan para tingnan ko siya dahil alam ko namang sa condo niya iuuwi ang kaibigan ko. Well, that's okay. They're in a relationship, at isa pa ay minsan lang sila magkasama so, ibibigay ko na kay Jinggoy 'yon.

"Okay, take care of Jill."

"Hoy, Win! Baka dalhin mo sa hotel kaibigan ko, ah?! Subukan mo lang, virg-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Jill nang sabihin niya iyon, pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi at tainga ko dahil doon.

"Mukha lang akong ganito pero gentleman ako. I don't take advantage of drunk women." ani Win nang maglabas siya ng vape at bumuga nang makapal ng usok.

"You'd better be." maigsing sabi ni Jill nang alisin ko na ang kamay ko sa bibig niya. Maya-maya lang din ay umalis na sila ni Jinggoy, dahilan para kaming dalawa na lang ni Win ang maiwan.. Na-awkward tuloy ako dahil sa sinabi ng baliw kong kaibigan.

"I'm sorry, Jill didn't mean what she said."

"It's okay, she's just concerned about you and I told you to stop saying sorry all the time." aniya nang bumuga ulit siya ng makapal na usok na naglaho agad dahil biglang humangin.

"You okay?" seryoso niyang tanong, dahilan para saglit ko siyang matitigan. Nakabulsa ang isa niyang kamay sa suot niyang faded na pantalon at nakasandal siya sa street lamp. He really looks like a model who has an image of a bad boy.

Para siya iyong tipo ng tao na kapag nakabangga mo ay aawayin ka na para bang ang laki ng nagawa mong kasalanan sa kanya.

Natawa tuloy ako nang maisip ko ang bagay na yon.

"Yeah, I'm okay." sagot ko nang mag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nahihilo pa rin ako, gusto ko nang mahiga.

"Why did you laugh?" tanong niya nang mapansin niya pala iyon. Nagkatinginan kami ulit at imbes na sumagot ay umiling-iling na lamang ako habang nakatago ang labi ko.

"Krazy Sara." bulong niya, dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili at matawa. Narinig niya pala iyong ibinulong ko kanina.

"Yeah, that's more like it." aniya kaya napatigil ako sa pagtawa at nagtaas ng dalawang kilay.

"Hmm? What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"You're always smiling but it was obvious that you are sad. Just now, you look genuinely happy."

FakedWhere stories live. Discover now