Chapter 85

1.5K 111 292
                                    

"Sorry, did I wake you up?" tanong ko nang magising si Sara matapos kong haplusin ang buhok niya. Mabuti na lang at nawala ang sistema at amoy ng alak sa katawan ko. Hindi rin ako nakatulog sa takot na baka kung ano ang gawin sa akin ni Leni.

"No." tipid niyang sagot bago bumangon at mapatingin sa digital clock. "Kauuwi mo lang?"

"Yeah, I'm sorry. Na-lowbat ang phone ko last night, hindi kita nagawang i-message." Pagsisinungaling ko.

"Wala bang charger sa bahay niyo? It's not like you stayed outside." Saglit akong napatitig kay Sara matapos iyong marinig. Hindi na siya tulad noon na basta-basta na lang naniniwala sa mga sasabihin ko, somehow nagustuhan ko iyon dahil hindi na siya pwedeng mauto but at the same time ay hindi ko maiwasan ang kabahan.

"...Meron, but fell asleep as soon as dad and mom stopped fighting. Nawala na sa isip ko na i-charge ang phone ko." paliwanag ko. Inaasahan kong pipigain niya pa ako tungkol doon pero iniba na niya ang usapan.

"You must be tired. Nag-almusal ka na ba?"

"No, umuwi ako agad pagkagising ko." sagot bago siya hawakan sa tuktok ng ulo at ngumiti nang tipid, "Go back to sleep, maaga pa."

"How about you? Mag-aasikaso ka na para pumasok?"

"May aayusin lang akong paper works then papasok na ako. Next week, last ko nang magturo sa mga klaseng hawak ni Mr. Bautista. Babalik na ako sa panghapon na sched ko." sabi ko ngunit tila may gumugulo sa isip ni Sara. Balak ko pa sana siyang tanungin pero hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan iyon.

"Bukod sa ating dalawa, mayroon pa bang nagmamay-ari ng duplicate ng susi sa bahay?" tanong niya at tumaas naman ang kilay ko. Naguguluhan sa random niyang tanong.

"Huh? Why are you asking a weird question? Tayo lang ang may susi ng bahay, kahit mga katulong ay walang duplicate."

"I-I see." tipid niyang sabi.

"Bakit? May nangyari ba habang wala ako?" tanong ko, at base sa kilos niya ay mayroon ngang nangyari pero knowing her? Hindi niya iyon sasabihin.

"No, nothing."

"You're lying. What happened?"

"I said nothing." kalmado man ang pagkasabi noon ay ramdam ko na galit siya.

"Are you mad about something? You're kind of acting strange. Dahil ba hindi ako umuwi?"

"No, that's not it. Don't mind me. Sabi mo may paper works ka pang gagawin, do it already. Matutulog ulit ako." Kahit gusto ko pang makipag-usap ay tumango na lang din ako dahil maya-maya lang ay papasok na rin ako.

Naguguluhan ako sa nangyayari pero mas pinili kong sakyan na lang ang panahon, I'm sure may alam si Sara. It's also possible na pinaghihinalaan niya ulit ako. Napabuntong hininga na lamang ako pagkapasok ko sa study dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Parehong may kakaibang kinikilos si Leni at Sara, hindi ko alam kung paano pa maha-handle ang sitwasyon na nangyayari.

"Bakit absent asawa mo?" kaswal na tanong ni Leni nang pumasok siya ng office para ihatid ang ilang paperworks. Wala kasi akong klase sa section nila Sara ngayon pero alam kong pumasok siya dahil sabay kaming umalis kanina. Naghiwalay lang kami ng daan dahil baka may makahalata sa amin.

"What do you mean?"

"Huh? Bakit binabalik mo sa 'kin 'yong tanong?" Umirap siya at lumabas na rin ng kwarto kaya lalo akong naguluhan sa ikinikilos niya. What the hell is she scheming this time? Ang friendly na naman niya sa akin.

FakedМесто, где живут истории. Откройте их для себя