Chapter 30

1.6K 117 126
                                    

"He really didn't go home." muttered to myself when I woke up alone in a King-size bed. Naitakip ko na lamang ang mga kamay ko sa mukha ko at malalim na bumuntong hininga. Iniisip kung saan siya nagpunta at kung sino ang kasama niya, saan siya natulog? Anong oras siya uuwi? Kasama ba niya Ms. Leni? Nagkabalikan na ba sila? Is he going dump me? Magdi-divorce na rin ba kami gaya ng parents ko?

I really hate the feeling when I'm overthinking things kaya naman kinuha ko ang phone ko at chineck kung may reply na ba si Bongbong sa mga message ko kagabi, but as expected-lahat iyon ay iniwan lang niyang on read.

"When will you forgive me, Bong?" mahina kong tanong kasabay nang pagtakas ng luha sa mga mata ko, nahihirapan na ako. All my life, I've been begging to be loved. I've been working hard to earn my parents' affection since I was a kid. I already had unpleasant childhood memories, and now that I'm already an adult. Do have to go through all that again? Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin? May mali ba sa akin? Hindi ba sapat lahat ng effort na ginagawa ko? Ano pang kailangan kong gawin?

"I want to be loved." Ngumiti ako nang mapait at saka pinunasan ang luha ko bago marahang bumangon. Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga at saka pinalo ang magkabila kong pisngi nang sabay, nagbabakasakali na magising ako sa katotohanan na kahit anong gawin ko-no one would love a worthless person like me.

--

"Manang, I've missed you." Agad kong niyakap si manang nang salubungin ako nito sa pintuan. Pakiramdam ko ay magiging emosyonal na naman ako kaya ginawa ko ang lahat para mapigilan ang maiyak, ngayon na lang ulit kami nagkita at ayoko siyang pag-alalahanin.

"Na-miss din kita, Hija. Bakit pumayat ka? Kumakain ka ba ng tama? Baka napababayaan mo na ang sarili mo?" sunod-sunod niyang tanong, dahilan para kumalas ako sa yakap at tingnan siya habang nakangiti. Right, I still have manang. Kahit paano ay may nagmamahal pa rin sa akin.

"Don't worry, Manang, I'm taking care of myself. Kayo po? Kumusta?"

"Ito, nangangati na ang mga kamay ko gumawa ng ibang gawaing bahay bukod sa pagluluto. Ayaw kasi akong payagan ng anak at asawa ko na maglinis o maglaba man lang. Sinabi ko naman na sa kanila na okay na ako," aniya habang hila-hila niya ako para paupuin.

"Eh, sabi po ni Ana ay bilin ng doctor na 'wag kayo masyado pakilusin." sambit ko nang sundan ko siya ng tingin. She really aged and lost a lot of weight, hindi na rin siya ganoon kasigla gaya ng dati. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko na sa 'kin tumira sa manang pero alam kong hindi rin siya papayag dahil ayaw niyang maging burden. Inaya ko na siya noon na sumama sa akin nang bumukod ako ng bahay pero tinanggihan niya ako.

She's my comfort zone at nahirapan talaga akong mag-adjust noong hindi na siya nagtatrabaho para sa akin. Pakiramdam ko ay mag-isa ako, pakiramdam ko ay wala akong kakampi. Wala akong masabihan ng mga saloobin ko tungkol sa pagsasama namin ng asawa ko, kaya nga siguro ganoon na lang din ako sumabog noong gabing nalasing ako dahil masyado kong inipon ang saloobin ko.

"May problema ba, Hija?" tanong sa akin ni manang, dahilan para sunod-sunod akong kumurap at mapalingon sa kanya. Hindi ko namamalayan na naghahain na pala siya ng tanghalian. Balak ko sanang tumayo para tulungan siya pero natapos na siya at naupo na sa harapan ko.

"Hindi pa rin ba maganda ang pakikitungo sa yo ng asawa mo? Nagk-kwento sa akin si Ana, ang sabi niya ay nag-aalala siya sa 'yo dahil lagi kang malungkot." Ngumiti ako ng mapait at bahagyang yumuko.

"Hindi ko maintindihan si Bongbong, Manang. Madalas ay tinuturing niya ako na para bang kaaway, pero minsan din ay papakitaan niya ako ng ugali na mami-misunderstand ko. Na akala ko may pakialam siya sa akin, na kahit paano ay may natitira pa siyang affection para sa akin but, in the end madi-disappoint lang ako dahil lahat ng 'yon ay in-assume ko lang."

FakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon