Chapter 31

1.6K 131 181
                                    

My head's pounding so much that I feel as if it's going to explode. Marahan kong minulat ang mga mata ko at napatingin sa gilid nang mapansing hindi ako nag-iisa. What happened? How long I have been sleeping? More importantly... Where am I?

"You're finally awake." ani Win, dahilan para maalala ko na siya ang kasama ko bago magdilim ang paningin ko. Marahan akong bumangon ngunit pinigilan niya ang magkabila kong balikat at ipinahiga ulit.

"W-Why?" naguguluhang tanong ko habang inaangat niya ang comforter na bumaba noong tinangka kong bumangon.

"May lagnat ka, j-just lie down and rest." pagkasabing pagkasabi niya noon ay agad kong tiningnan ang suot ko dahil parang may pilit siyang tinatakpan. Nanlaki ang mata ko nang makitang iba na ang damit ko at wala akong suot na underwear. Muli kong inangat ang tingin kay Win at nakitang umiwas ito sa akin ng tingin habang nagkakamot ng batok.

"Don't get the wrong idea, hindi ako ang nagbihis sa 'yo. Inutusan ko 'yong housekeeper ko na bihisan ka bago siya umuwi. Lahat ng damit mo ay nilabhan niya and I don't have an underwear that I can lend to you so..." Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko kaya naman marahan na lang akong tumango.

"Kung kaya mo na magbihis, dadalhin ko 'yong damit mo rito. Tuyo na rin naman na, e."

"Ah no, it's okay. I'll get it myself, nasaan ba?" tanong ko nang bumangon ako ulit, but this time ay sinigurado kong nakaharang ang comforter sa dibdib ko.

"Nasa cr, sure ka kaya mo?" sunod-sunod akong tumango kaya naman lumabas na siya ng kwarto, ngumiti ako nang tipid at saka tumungo sa banyo na narito lang din sa kwarto niya. Nang matapos ako sa pagbihis ay lumabas ako ng kwarto at naabutan si Win na nasa kusina.

"Nagluto ako ng lugaw, kumain ka habang mainit. Para makainom ka na rin ng gamot at makauwi, baka nag-aalala—"

"I-I don't want to go home, hindi rin mag-aalala sa 'kin si Bongbong so, it's okay. I'll just stay at the hotel tonight." Ngumiti ako nang tipid at saka naupo sa bar stool imbes na sa dining chair, naroon kasi si Win sa counter top.

"T-Thank you." nahihiya kong sabi nang ihain niya sa harapan ko ang bowl na puno ng lugaw, may itlog pa iyon at tofu kaya kahit wala akong gana kumain ay parang nagutom ako bigla..

"You can just stay here, use my room. Sa couch na lang ako matutulog." aniya, dahilan para umiling-iling ako.

"N-No, it's okay. Masyado na kitang naistorbo, I can't—"

"Sara, malakas ang ulan sa labas ay may lagnat ka pa. Don't worry I won't do anything to you."

"Hey, hindi naman 'yon ang inaalala ko. Nahihiya lang ako dahil baka naistorbo ko ang weekend mo." nahihiya kong sabi nang sumubo ako ng lugaw. Medyo mainit pa iyon pero dahil nagustuhan ko ang lasa ay sinunod-sunod ko ang pagkain doon. Tiningnan ko pa si Win dahil hindi na siya nagsalita.

"W-What?" utal kong tanong nang makitang pinapanuod niya lang ako.

"What were you doing in the park earlier and why are you crying? Did something happen?" sunod-sunod niyang tanong, "You can you confide in me, I'm all ears."

Marahas akong napalunok at nag-isip kung okay lang ba na sabihin ko sa kanya ang lahat ng saloobin ko. Alam naman na niya ang tungkol sa sikreto at isa pa, he has already gained a little bit of my trust.

"I just had a mental breakdown, ang dami kong iniisip to the point na bigla ko na lang gustong mapag-isa, I suddenly want to withdrew myself from everyone. I'm tired living a life like this, I'm tired begging to be loved." Malalim akong bumuntong hininga at pilit ikinalma ang emosyon kong unti-unting sumasabog.

"If that's the case, bakit nananatili ka pa rin sa relasyon niyo? Kung hindi ka mahal ni Bongbong, bakit ayaw mo pang iwan? Mukha namang hindi ka niya tinatrato ng maayos." Natigilan ako nang sabihin iyon ni Win, it's easier said than done. Naisip ko na 'yan noon pero ma-imagine ko pa lang na maghiwalay kami at tuluyang masira ang relasyon namin ay natatakot ako.

Bongbong's my salvation, I can't give up on him that easily.

"Because I love him, umaasa pa rin ako na babalik sa dati ang relasyon namin." sagot ko nang ituloy ko ang pagkain.

"Sara, wake up. Hindi na babalik ang relasyon niyo sa dati, kasal kayo. Hindi na kayo magkaibigan, and it looks like he really despised you." ani Win at hindi ko nagawang sumagot dahil alam ko na may point siya. Alam ko naman na talaga na imposible nang bumalik sa dati ang relasyon namin ni Bongbong, pilit ko na lang kinukumbinsi ang sarili ko na may pag-asa pa dahil hindi ko kayang i-let go ang mga pinagsamahan namin noon.

I can't even imagine that the person who saved me before will also be the cause of my misery. Hindi ko matanggap na kung sino pa ang nakakaalam ng lahat ng pinagdaan ko ay siya pang mananakit sa akin.

FakedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora