Chapter 32

1.4K 125 157
                                    

"I can't sleep." sabi ko sa sarili nang manatili akong nakamulat at tulala lang na nakatingin sa kisame. Tiningnan ko ang digital clock na nasa side table at nakitang alas dos na ng madaling araw. Medyo humina na rin ang ulan sa labas ngunit kumukulog at kumikidlat pa rin, malakas din ang hangin.

Napahawak na lamang ako sa leeg ko nang maramdaman kong nanuyo ang lalamunan ko. Bumangon ako at marahang lumabas ng kwarto para sana kumuha ng tubig ngunit nagulat ako nang makitang gising pa si Win.

"What's wrong?" tanong niya sa akin nang bumangon siya sa pagkakahiga niya sa couch. Nakaramdam na naman tuloy ako ng hiya dahil baka hindi siya komportableng mahiga roon kaya hindi siya makatulog.

"Oh, uhm... I'm thirsty and I can't sleep. Bakit gising ka pa?" tanong ko nang medyo lumapit ako sa couch.

"Hindi rin ako makatulog, hindi ako nakakatulog kapag umuulan." aniya kasabay nang pagtayo niya para mabuksan ang ilaw sa sala. Medyo napapikit pa ako dahil nasilaw ako at nang magtama ang paningin namin ay nahihiya kong iniwas ang tingin.

I suddenly felt awkward, naalala ko kasi ang nangyari kanina. I don't know what's gotten into me pero bigla ko na lang inihinto ang pagkain at sinabing sa hotel na lang ako mag-stay, I even tried to leave. When he said that Bongbong despised me, nasaktan ako dahil totoo naman iyon but at the same time I felt annoyed.

Fortunately, I came back to my senses and realized that what I did was not right. Masyado akong pinangunahan ng emosyon ko na hindi ko na naisip ang kabutihang ginawa para sa akin ni Win, in the end-pinagpahinga na lang niya ulit ako pagtapos akong painumin ng gamot, siya na rin ang naghugas ng pinagkainan ko. I felt really ashamed of myself for acting like that.

"I-I'm sorry about what happened earlier." sabi ko nang sa wakas ay magkaroon ako ng lakas ng loob. Hinawakan ko pa ang leeg ko dahil ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

"It's okay. I was out of line so, I'm sorry, too." ani Win nang tumungo siya sa kusina, sinundan ko siya roon at huminto nang makitang nagsalin siya ng tubig sa baso at iabot iyon sa akin.

"Thank you." Tipid akong ngumiti nang kunin ko iyon sa kanya at saka uminom. Doon ko lang din biglang naalala ang kotse ko kaya hininto ko ang pag-inom.

"Right, I forgot to ask you. Napansin mo ba' yong kotse ko sa park?"

"Yeah, don't worry. Napansin ng housekeeper ko 'yong susi sa suot mong shorts no'ng binihisan ka niya kaya naisip ko na kunin at balikan 'yong kotse mo. Sorry, hindi na ako nakapagpaalam. Baka kasi ma-tow ang sasakyan mo dahil naka-illegal parking ka." paliwanag niya nang sumandal siya sa counter top habang nakahalukipkip.

"Thank you ulit, ang dami ko ng utang sa 'yo. I'll return the favor someday. If you need my help, just tell me, okay?" nakangiting sambit ko bago ubusin ang laman ng baso. Kahit paano ay nawala ang panunuyo ng lalamunan ko.

"How are you feeling?" tanong niya at halos mapapitlag ako nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay sa noo ko. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso kung hindi ay baka nabitawan ko na iyon. "You're still hot,"

"U-Uh yeah, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko but, I feel a little better compared earlier." sabi ko bago mapangiti nang tipid at makaramdam ng pagkailang. I'm a married woman and being touched like this when we're alone makes me feel guilty. Pakiramdam ko ay nagchi-cheat ako, not to mention that I'm staying over at a man's apartment. Am doing the right thing? Should just at the hotel?

"Oh, did I make you uncomfortable? Sorry, habit ko na kasing hawakan ang noo ng kapatid ko kapag iche-check kung may lagnat siya, before I knew it, nasanay na rin akong gawin 'yon sa iba." aniya nang alisin niya ang kamay niya sa noo ko.

"You have a sibling?" tanong ko nang sa gano'n ay maiba ko ang topic at maiwasan maging awkward ang hangin sa aming dalawa.

"Yeah, I have two brothers pa. They are both younger than me." sagot niya at tumango naman ako. Marami pa kaming napag-usapan matapos noon, gaya na lang na malapit pala sa park na tinambayan ko kanina ang apartment complex niya at hindi siya nakakatulog ng maayos kapag umuulan dahil sa past experience niya noong bata siya. Hindi niya sinabi sa akin ang exact details but but it seems that he have been traumatized by that experience.

Nag-suggest ako na sasamahan ko siya hanggang sa makatulog siya o tumila ang ulan pero tinanggihan niya dahil may sakit daw ako at kailangan kong magpahinga para tuluyang gumaling, in the end-bumalik din ako sa kwarto niya at nakatulog.

"Sigurado kang kaya mo magmaneho?" tanong sa akin ni Win nang ihatid niya ako sa sasakyan ko. Ngumiti ako nang tipid at tumango, although hindi pa tuluyang nawawala ang lagnat ko ay mas mabuti na ang pakiramdam ko. Nawala na rin ang sakit ng ulo.

"Okay, message mo kapag nakauwi ka na. And if something happen, just in case lang na magtalo kayo ng asawa mo dahil hindi ka umuwi, call me." Hindi ko alam kung bakit iyon nasabi ni Win pero tumango na lang din ako bago tuluyang buksan ang kotse ko.

"Thank you ulit, Win. And sorry sa istorbo."

"It's okay ano ka ba, ilang beses ka pa bang mag the- thank you sakin?" natatawa niyang sabi at halos matigilan ako ng ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko. At the exact moment, pumasok si Bongbong sa isip ko at ang memories namin nung bata ako. Hindi niya na kasi ako hinahawakan sa ulo gaya ng ginagawa niya sa akin dati, ngumiti nalang ako ng mapait at muling nag paalam kay Win bago tuluyang umalis.

Pag uwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. For some reason, hindi na ako kinabahan sa magigiging reaksyon ni Bongbong. Hindi ako natatakot na magalit siya sakin o mag away kami, I don't know but I'm still tired to deal with anyone.

Mabuti nalang at nang pumasok ako sa kwarto ay wala siya kaya bumuntong hininga ako at tumungo sa kabinet para kumuha ng damit pangpalit. Huhubarin ko na sana ako suot kong tshirt nang biglang bumukas ang pinto at gulat akong mapalingon.

It's Bongbong and he seemed to be out of breath while looking at me as if he had run a few kilometers. Napansin ko rin na nakapang-jogging outfit siya kaya siguro iyon ang dahilan kung bakit pawis at hinihingal siya. Balak ko na sanang magsalita ngunit natigilan ako nang mabilis siyang lumapit sa akin at yakapin ako nang mahigpit mula sa likuran.

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa didbdib ko dahil sa ginawa niyang iyon, lalo na noong ibaon niya sa gilid ng leeg ko ang ulo niya. Ramdam ko tuloy ang bawat buga ng hininga niya roon.. What's going on?

"Thank God you are safe. I'm sorry, Sara. Please, don't suddenly disappear like that again."

FakedWhere stories live. Discover now