Wizard's Tale 2: Chapter 2

169K 3.8K 311
                                    


(Alyanna POV)


Hindi ko naman inakalang aabutin pala ng halos dalawang araw ang paglalakbay papunta sa palasyong sinasabi nila. Hindi naman kasi sila umangal—pwera lang pala si Brylle. Halata kasing bad trip siya sa paglalakad namin. "Uy! Galit ka?"

"Hindi."

"Weh?"

"Hindi nga."

Hindi raw siya galit pero kung kausapin ako, isang tanong isang sagot lang! Kung nag-Peryton kami, apat na oras lang ang byahe. "Kung hindi ka talaga galit, tingnan mo nga ako sa mata."

"Hindi nga ako galit." Sinabi niya 'yun nang nakatitig na sa akin. "Nahihirapan lang ako na sa tuwing tinitingnan kita—wag na nga! Basta!" At napatakip na lang siya ng bibig habang pinipigilan ang tawa niya.

Powtek lang! Mukhang alam ko na kung bakit ako ini-snob ni Brylle! Dahil nga sa suot kong Abeo Cloak, parang tino-torture ko na rin siya dahil hindi niya ako mapagtawanan ng harapan! Ang sama lang!

Pinangunahan naman ni Lolo Lorcan ang aming paglalakbay. Hindi ito naging boring dahil kinukwentuhan nila ako ng tungkol sa Lux. Nasabi na nila ang mga dapat kong malaman sa history ng White Light Clan, maging ang kwento ng direktang kaaway raw ng Lux, ang Hollowick clan na leader ng mga Dark Sorcerers.

Medyo complicated nga but when the right time comes, alam kong ma-absorb din ng utak ko ang mga impormasyon na kukumpleto sa pagkatao ko.

Nasa gitna na kami ng gubat, ngunit nang magdilim na ay nagdesisyon si Prince Rouel na magpahinga kami. "Bukas na natin ituloy ang paglalakbay." Sinang-ayunan naman ito ng lahat.

"Hayayayayay! Sa wakas, makakapagpahinga na rin!" At tingnan mo 'tong si Vander! Excited magpahinga eh hindi naman siya naglakad! Nakaangkas nga lang siya sa balikat ni Brylle.

Nang makapili na sila ng lugar na pagpapahingaan, Master Lorcan secured the whole place with a protective barrier.

"Bakit kailangan ng barrier? Hindi naman Atrum Forest 'to di ba? Siguro naman walang pakalat-kalat na Warg na aatake o manggagambala sa atin."

"It's better this way to keep you safe," sagot naman ni Brylle habang inaayos na ang tingin ko'y magiging higaan ko.

Dahil lahat kami ay pagod at maaring gutom na rin, tama nga ang naging desisyon ko na magbaon ng pagkain.

Hinalungkat ko na ang bag ko para ilabas ang baon namin pero may iba akong nakapa sa loob nito at pag-angat ko sa bagay na yun, "Hwaaaaaaaaaaaaah!" Napasigaw ako ng wagas, tipong nabulabog ko ang buong kagubatan. "Hwaaaaaah! Ahhhhhhhhh! Huhuhuhu!"

"Ano pong nangyari?" Biglang napasugod si Lolo Lorcan sa harap ko.

"Mahal na Prinsesa!" Si Prince Rouel naman ay takot na takot na lumapit sa akin.

"May kalaban po ba?" At si Clerion, parang handa nang pumatay sa ayos niya.

"Anong nangyari? Anong nangyari? Anong nangyari?" Ito namang si Vander, sinabayan pa ang pagpa-panic ko.

Silang apat ay kabadong-kabado, pwera lang si Brylle. Si Brylle na nakakita sa buong pangyayari kung bakit ako nagsisisigaw. "Wag kayong mag-alala. Nakita lang niya ang sarili niya sa salamin."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon