Wizard's Tale 1: Chapter 22

168K 4.5K 515
                                    


(Brylle POV)


Pinili naming maghintay ni Vander sa loob ng sasakyan. Hiling ni Yana na siya lang muna ang aayos ng problema sa mga kamag-anak niya kaya nirespeto namin iyon. Hindi rin naman problema ito dahil may paraan ako para alamin kung anong nangyayari sa loob.

As I have said before, I'm an Empath. Ang makaramdam ng emotion sa mga taong nasa paligid ko ay isang abilidad na minana ko sa Zaffiro Clan. Ang pagiging Empath ko ang dahilan kung bakit alam ko kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi. Nalalaman ko kung ano ang tunay nilang nararamdaman, malapit man sila o malayo.

Una kong dinama ang nararamdaman ngayon ni Yana at nagagalit siya. Pero nagtitimpi at pilit niyang kino-control ang sarili dahil nandun pa rin ang respeto niya sa tiyahin niya.

Sunod kong pinakiramdaman ang iba pang tao sa paligid niya. Hindi ko mabasa ang emosyon ng tiyahin niya at marahil dahil yun sa suot niyang Lux Amulet na galing sa White Light Clan.

Pero yung pinsan ni Yana na nagngangalang Cerina, sa kanya ko nakukuha ang tunay na plano nilang mag-ina. Wala silang planong ibalik ang ninakaw nila. At nagsisinungaling pa sila.

Nararamdaman ko ang matinding kasamaan mula sa babaeng yun at napapikit na lang ako sa masama nilang plano. "Vander, maghanda ka."

"Ba—bakit po Master Brylle? Ano ang nararamdaman niyo?"

"Papatayin nila si Yana. Lalasunin nila siya." And what's worse, they own a certain type of Dark Potion. Inihalo nila ito sa inuming ibibigay nila kay Yana. "Kikilos tayo sa oras na saktan na nila si Yana."

Tahimik akong naghintay pero dahil hindi na rin talaga ako mapakali, pinili ko nang lumabas ng sasakyan. "Master Brylle..."

Naramdaman ko nang nag-iisa na uli si Yana at nasa harap na niya ang lason na inihanda ng pinsan niya. "Wag mong iinumin Yana. Wag..."

Napapikit akong muli dahil nangyari pa rin ang kinatatakutan ko. Walang kaalam-alam si Yana na ininom na niya ang lason. Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang sakit na nararamdaman niya, na parang pinapaso ng apoy ang katawan niya.

Saka na ako nagmadaling pumasok sa mansyon. Naabutan ko si Yana na namimilipit sa sahig habang ang mag-ina ay tuwang-tuwa sa paghihirap niya.

"Sino ka!" Nagulat sila sa pagdating ko.

Kinalma ko ang sarili ko para hindi ako mabalot ng galit. Isa kasi sa mga basic na itinuturo saamin sa tamang paggamit ng magic ay mas nagiging mabisa ang isang spell kung ang intention ay walang bahid ng poot at galit.

"Ego ordo vos glacio!" I chanted a spell that orders someone to freeze.

Si Cerina lamang ang tinablan nito. Nag-panic ang kanyang ina at gagamitin sana ang kapangyarihan ng Lux Amulet ngunit madali akong nakalapit sa kanya para pigilan siya. She's a mere mortal who knows nothing about magic so I just used my physical strength to snatch the Lux Amulet.

Nakuha ko na ang kwintas at ginamitan ko na rin siya ng kaparehong spell na ginamit ko sa anak niya. They can't move but I allowed them to talk.

"A—anong ginagawa mo? Paano mo 'to nagagawa!"

I ignored them because I need to look after Yana first. "Yana, nandito na ako. Yana!"

Tumitirik na ang mga mata niya, hindi normal ang bilis ng pulso at namumula siya sa sobrang init ng katawan niya.

I placed my hand on her burning cheeks, I sensed her temperature through her forehead then I cleared my mind. I focused myself with the one spell that could save her life.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon