Wizard's Tale 1: Chapter 16

168K 4.3K 231
                                    


(Alyanna POV)


"Dalian mo Yana!"

Harujusko! Ow Em Ji! My ghad! Pinagpawisan ako ng malamig habang pinapanood kung paano labanan ni Brylle yung Warg. Takot na takot ako at nanginginig na ng walang tigil.

Higante nga talaga ang isang Warg. Higit limang beses ang laki nito kung ikukumpara sa isang simpleng lobo. Nanlilisik ang pulang mga mata nito, may matatalas na pangil at nagtataglay ng mga kukong mapanira. Makapanindig-balahibo ang bangis nito.

Sa kabila ng pagiging higante nito, maliksi pa rin ang halimaw. Ngunit hindi rin naman nagpatalo si Brylle sa kanya.

Ngayon ko lang siya nakitang gumamit ng kapangyarihan para lumaban at ipagtanggol ang sarili niya. Nagagawa niyang patumbahin ang halimaw pero sadyang malakas ito at hindi basta-bastang matatalo.

Gusto ko siyang tulungan sa kahit na anong paraan kaya nagpasya na akong bumaba pero sinigawan lang uli ako ni Brylle. "Wag kang bababa!" May shield nang nakaharang sa kanya na pilit namang sinisira ng Warg. "Yung balahibo ng Night Sparrow! Kumuha ka ng balahibo!"

Napatingin ako sa Yosuzume at ngayon ko lang lubos na naintindihan ang lahat. Parang masaya pa ito na inaatake ng Warg si Brylle. Galit ito sa mga lalaki kaya walang humpay pa rin ito sa paghuni na parang nagtatawag pa ng mas maraming halimaw na katulad nun!

Kung hirap na si Brylle sa isang Warg, baka hindi na niya kayanin kapag nadagdagan pa yun!

Kaya nakapag-desisyon na ako. Delikado man pero handa kong isugal ang buhay ko dito. Magalit man si Brylle, itutuloy ko ito. This time, I'll do this to help him.

"Hoy!" Inagaw ko ang atensyon ng Warg. "Hoy Warg!" Nung pangalawang tawag ko, napatingala na ito saakin.

"Tumigil ka Yana!" Galit na isinigaw ni Brylle pero huli na ang lahat. Ako na ang target ngayon ng halimaw dahil pasugod na ito sa punong kinalalagyan ko.

Pinilit na muling agawin ni Brylle ang atensyon ng halimaw, ngunit determinado na itong makuha ako. Binangga niya ang puno kaya nagsimula na itong umuga.

Kumapit ako ng mahigpit sa isang sanga, ngunit nang muling banggain ng Warg ang puno, nabali ito sa kalahati. Tuluyan bumagsak ang puno, kasama ako at kasama rin ang pugad ng Yosuzume.

"Yana!" Apoy na ang ginagamit ni Brylle para saktan ang Warg ngunit hindi nito napatigil ang bangis ng halimaw. Gumapang ako sa dilim at pailalim sa natumbang puno para makaiwas sa matatalim na kuko ng Warg. Wala akong magawa kundi ang sumigaw.

Pero may plano ako. Hindi ko ginawa ito dahil lang sa gusto ko o dahil sadyang tanga lang ako. I have a plan and I have to make it work!

Hinanap ko na yung Yosuzume at nakita ko ito malapit sa kanyang pugad. Hindi na ito makalipad dahil nabalian ito ng pakpak. Buti nga! Siguro nagsisisi na ito ngayon dahil tinawag pa niya yung halimaw na yun.

Ang nakakabwiset lang, wala pa ring natatanggal na balahibo mula sa ibon! Binitbit ko yung Night Sparrow pero dun lang ako nakahawak sa pugad.

"You're such a fool, Yana!" Muling pinigilan ni Brylle ang Warg ngunit sa pagkakataong ito, tinamaan siya ng isang kamay nito at tumalsik siya palayo. Bumangga ang katawan niya sa isang puno at alam kong nasaktan siya dahil hirap na siyang bumangon pagkatapos nun.

Pagkakataon na sana ito para sa halimaw na patayin si Brylle, but I won't let that happen! "Hoy Warg!" Tinawag ko uli ang atensyon ng halimaw and now I'm out in the open.

Napansin kong may namuo nang itim sa crystal ng Bond Ring ko at lumalaki pa ito. Pero wala na akong pakialam sa galit ni Brylle. This plan maybe stupid and suicidal, but I believe this will going to work!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon