Wizard's Tale 1: Chapter 6

202K 5.2K 175
                                    


(Alyanna POV)


Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng buong bahay. Punas dito, walis doon, pagpag dito, kuskos doon. Nauubo-ubo pa ako sa sobrang kapal ng alikabok. Grabe ang polusyon sa lugar na ito! Parang walang katapusan, pero may nakikita naman akong improvement.

Binuksan ko rin ang mga bintana para naman mapasukan ng liwanag at malinis na hangin ang loob! Kaka-suffocate kaya dito!

Sinayang ng amo ko ang ganda at kasosyalan ng mansyon niya. Pero determinado akong ibalik sa dating buhay ang lugar na ito. Pinakintab ko ang sahig, inalis ko ang mga agiw at sapot sa mga kasuluksulukan. Binago ko rin ang pwesto ng ilang mga gamit sa bahay para mas umayos ang lugar.

Habang naglilinis, napadaan na ang amo ko. "Hoy ingatan mo yang mga gamit ko. Mamahalin ang mga yan."

"Opo. Iniingatan ko naman."

"At tsaka bilis-bilisan mo. Kalahati pa lang yata ng masyon ko ang nalilinis mo."

Nagpapatawa ba siya? "Hindi naman ganun kadaling linisan ang bahay mo, Master." Nang napatingin ako sa kanya, kinabahan ako bigla dahil naging kakaiba ang tingin niya.

"May iba ka bang ibig sabihin dun?"

Jusmio! Kung hindi lang talaga mapanganib na galitin ang lalaking 'to! "Wala po, Master. Sabi ko po nga po, bibilisan ko na ang paglilinis ko." At umalis na ako sa harapan niya.

Pero nang lingunin ko siya sandali, nakita kong pumasok sila ni Vander dun sa secret room na pinasukan namin noon. Hindi na ako mag-uusisa kung anong milagro at kababalaghan ang ginagawa nila doon.


* * *


Mas masayang magkatulong dito. Hindi kasi ito katulad ng paninilbihan ko kay Auntie Seline na tambak na nga sa trabaho, busog pa sa sermon! At may sabunot, kurot at tadyak pa. At least dito, matiwasay kong nagagawa ang trabaho ko.

Siguro inabot pa ng tatlong oras bago ako magpasyang magpahinga. Marami pa akong dapat linisan pero ang laking achievement na ang nagawa ko sa mansyon na ito. Medyo maaliwalas na at hindi mo na aakalaing haunted house ang lugar.

"Wowowow!" Napatayo ako bigla nang marinig ko ang matinis na boses ni Vander. Magkasama sila ni Brylle Zaffiro. "Ang huling beses na nakita kong ganito kalinis ang bahay ay nung buhay pa ang mga magulang mong sina Master Brae at Madame Elle!"

"Tama ka Vander." At napangiti na lang si Brylle. Kung ganun, pareho pala kaming ulila na sa magulang.

Pero pareho kaming nagulat nang magsisigaw naman si Vander. "Waaaahhhhh!"

Tumalon siya mula sa balikat ni Brylle at palapit saakin. May nagawa ba akong mali at nagwawala siya ngayon? "Yana, Yana, Yana! Napasaya mo si Master! Kumikislap na!"

Napatingin nga ako sa suot kong singsing at napatili na din ako. "Ay oo nga!" Ang gandang tingnan na nagliliwanag ng ganun ang singsing ko. Pero ang mas nakakatuwang tingnan ay yung reaction ni Brylle Zaffiro!

Parang nahiya siya na may ebidensya kapag napapasaya ko siya. Inirapan na lang niya ako at balak nang umalis pero...

"Teka lang, Master Brylle!" Naalala ko bigla ang sinabi ni Vander tungkol sa pagliwanag ng singsing. "Isang hiling. Sinabi saakin ni Vander na kapag nagliwanag ang suot kong singsing, makakapag-wish ako!"

Nagbago bigla ang reaction niya. Tapos sumama ang tingin niya hindi saakin kundi kay Vander. "Sinabi mo rin yun?"

"Bawal magsinungaling, Master!" Aba't! Kung hindi pala sinabi ni Vander, walang balak si Brylle na tuparin ang mga kahilingan ko?

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon