Wizard's Tale 3: Chapter 4

128K 3.2K 669
                                    


(Alyanna POV)


Grabe 'yung sumunod na party pagkatapos ng laban. Para akong nanalo ng malaking jackpot sa lotto! I made everyone so proud of me dahil hindi nasayang ang paghihirap ko noong nakaraang dalawang taon.

Syempre, pinasalamatan ko rin 'yung apat na mandirigmang Luxurian sa magandang laban na ipinaranas nila sa akin. Ang dami kong natutunan sa kanila at sa tingin ko'y mas naging matatag pa ako ngayon. Pero higit sa lahat, mas nagpapasalamat ako sa taong naging kakampi ko.

"Okay ka na ba talaga? Baka may mga paso ka pa dyan? Gagamutin kita gamit ang White Flames," nag-aalalang tanong ko kay Kerria. Nandito kami ngayon sa labas dahil medyo jam-packed 'yung salu-salo sa loob.

"Magaling na po ang mga sugat ko, Prinsesa." Saka nag-okay sign sa akin si Kerria. "At mabuti pong bumalik na tayo agad sa party. Hahanapin kayo agad ng mga bisita."

Niyakap ko nang mahigpit si Kerria. Alam kong kulang ang anumang salita para mapasalamatan ko siya pero, "Salamat talaga. Dahil sa tulong at pagsasakripisyo mo, nanalo ako sa laban."

"Prinsesa naman!" Nakita kong nag-blush si Kerria dahil sa mga sinabi ko. "Ginawa ko lamang po ang tungkulin ko bilang tagapaglingkod niyo."

"Pero hindi ka lang basta tagapaglingkod, Kerria. Isa kang tapat na kaibigan!" Mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya. Ang cute niya talaga lalo na kapag sobrang touched siya. "Dito sa Otherworld, ikaw ang itinuturing kong pinakamalapit kong kaibigan. Naisip ko nga, pwedeng ikaw ang female version ni Dustin, 'yung kaibigan ko dun sa Mortal World na madalas kong ikwento sa'yo."

Matapos ng aking sinabi ay sabay kaming natawa. "Pero 'di ba po, may isa pa kayong kaibigan na babae sa mundong 'yun?"

"Si Elysse! Ay naku, oo! Pero kabaliktaran niyo naman 'yun ni Dustin! Masungit at maldita kasi 'yun...parang si Rouel!" Tapos may bigla akong na-realize. "Kayong dalawa pala ni Rouel ang counterpart nina Dustin at Elysse. Hindi na talaga ako nagtataka ngayon kung bakit kayong dalawa rin ni Rouel ang pinaka-close ko rito sa Otherworld!"

Napangiti na lang uli si Kerria. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero parang biglang may kakaiba sa kanya. "Oy Kerria? Bakit bigla kang natahimik?"

"Po?" Bigla siyang natauhan. "Hindi naman po, Prinsesa."

"Napag-usapan lang natin si Rouel, bigla ka nang natahimik."

Halatang nahihiya pa pero sinabi niya rin agad ang totoong bumabagabag sa kanyang isipan. "Hindi ko lang po kasi alam kung paano na haharapin ang Prinsipe..." Saka siya napakagat-labi. "Dahil pinalo ko po siya ng maduming sanga at napahandusay siya sa lupa."

Naisip ko uli 'yung itsura ni Rouel sa eksenang iyon. Pero dahil 'yun ang pinoproblema ni Kerria, pinigilan ko ang aking sariling matawa. "Wag kang matakot dun! Marunong naman tumanggap ng pagkatalo 'yun eh!"

"Pero po..." Napayuko uli si Kerria. This time, alam kong may iba pa talaga siyang dahilan kung bakit siya namomroblema nang ganoon. Sigurado akong may kinalaman pa rin syempre iyon kay Rouel at tungkol sa isang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maamin. Problema sa pag-ibig!

"Kerria, usapang babae nga. Umamin ka. Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil may gusto ka kay Rouel?"

Agad siyang nag-panic at biglang nabulol. "P-Prinsesa...a-ano po bang... Hindi po..." At hindi na niya naitago ang pamumula ng kanyang mukhang ngayon ay kasing pula na ng kamatis.

"Wait...so may gusto ka nga talaga sa kanya?"

Susubukan pa sanang mag-deny ni Kerria pero alam ko namang hindi siya nagsisinungaling. Yumuko na lamang siya at kahit nag-aalangan, tumango siya bilang tugon sa tanong ko.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon