Wizard's Tale 2: Chapter 19

134K 3.2K 401
                                    


(Alyanna POV)


Ang huling destinasyon namin ay sa Erden Valley na. At bago kami nagtungo roon ay binasbasan muna kami ni Lolo Wendel kasama ang buong tribo ng Aersseys. Nag-alay sila ng panalangin sa hangin para siguruhing ligtas ang aming paglalakbay.

"Lolo, magkikita po tayo uli dun sa Auserwalt Palace. Siguradong nasasabik na po si Mama Alisia na makita at makasama kayo."

Ngumiti si Lolo Wendel at saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Mag-iingat kayo." Naiiyak-iyak pa siya pero...

"Lolo, wag ka nang umiyak. Inuuhog na kayo!" Nagulat naman ang lahat sa sinabi ko. "Joke lang po, pinapatawa ko lang po si Lolo."

Natawa sila pero sa totoo lang, totoo naman 'yung sinabi ko. Matanda na si Lolo at normal na uhugin siya sa sobrang pag-iyak. Pero tears of joy na lang naman 'yun.

Namaalam na kami sa buong tribo para magtungo sa Access Tower na kunektado sa pinakamalapit na tower sa Erden Valley. Ilang sandali pa, ibang lugar na ang kinatatayuan namin. Napadpad kami sa taas ng isang bundok.

"Welcome, welcome, welcome to Erden Valley!" Buong pwersang sigaw ni Lala. Yung tipong akala mo umi-echo pa pero inuulit niya lang talaga ang sinasabi niya. "Ito po ang lugar kung saan lumaki si Master Kerria!"

Kapansin-pansin naman ang tuwa sa mukha ni Kerria. Naikwento niya kasi sa akin na halos dalawang taon na rin noong huli siyang nakauwi rito. "Kerria? Nasaan dito ang bayan niyo?"

"Tumingin po kayo sa banda roon, Prinsesa." Sinundan ko naman ang direksyon na itinuro niya. "Doon po nakatira ang buong tribo ng Terrashaw!"

Madali kong natanaw ang bayan na tinutukoy niya at kahit sa malayuan, natuwa ako sa nakita ko. "Parang may fiesta sa bayan niyo!" Kitang-kita kasi ang mga makukulay na bandera sa paligid nun. "Teka, uso nga ba ang fiesta rito?"

"Naghahanda po talaga ang buong Terrashaw dahil bukas na po ang taunang Blooming Erden Festival namin."

"Talaga?" Ayos pala ang timing namin! Makiki-party kami sa bayan nila!

Hindi na namin kinailangan pang sumakay sa kahit na ano dahil kalahating oras lang namin itong nilakad bago nakarating sa isang bangin. Mula roon ay may mga tulay na dapat munang tawirin bago makarating sa mismong bayan.

"Dito tayo tatawid?" tanong ko habang nakatingin sa mga tulay na mukhang luma na. Nilulumot o inaamag pa yata 'yun, at may kung anu-ano pang gumagapang na insekto!

Nang silipin ko ang bandang ilalim ng tulay, may kakaibang berdeng hamog na nakaharang kaya hindi mo rin makikita kung ano ang nasa ibaba. "Ano 'yung hamog na 'yun? Kakulay nung hangin sa Utot Spell ni Sylfer!"

Napatingin naman silang lahat sa akin. "Princess Love, pansin kong ako na talaga ang laging laman ng isip mo." Kinikilig na sabi niya at nakikita ko na ang walang kamatayan niyang kindat.

"Aba't kinilig ka pa? Nakakadiri kaya 'yung ginawa mo!"

"Naku! 'Wag po kayong mag-alala sa hamog na 'yan, Prinsesa! Wala lang yan!" sabi naman ni Kerria.

"Wag mag-alala? Talaga lang ha!" Pagkasabi ni Sylfer nun, kabilaan siyang siniko ng mga kasama namin including si Lolo Lorcan. Ano kayang ibig sabihin nun?

"Safe ba ang tulay na 'to, Kerria?"

"Oo naman po, Prinsesa! Ilang daang taon nang ginagamit ito ng mga ka-tribo ko at ilan pang mga bisita!" OMW! Ilang daang taon na? Ibig sabihin, luma na nga ng mga tulay na 'yun! Mas matanda pa kaysa sa akin! "Basta huminahon lang po kayo, diretso lang ang paglakad at walang maglilikot."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon