Wizard's Tale 2: Chapter 13

135K 3.4K 437
                                    


(Alyanna POV)


Nasa loob na ako ng kwarto ko nang magkamalay ako. Medyo nahihilo pa ako pero may isang matandang babae ang umalalay sa akin at pinainom ako ng ibang klaseng tsaa. Kung ano man yung pinainom niya sa akin, bumuti agad ang pakiramdam ko.

"Mahal na Prinsesa, ako nga po pala si Erizally Flemwall, ang asawa ni Headmaster Diazo."

Erizally? 'Yun ang pangalan na binanggit noon ng Class A Wizard na sumalubong sa amin na dahilan kung bakit natulala noon si Lolo Lorcan! Asawa pala siya ng Headmaster.

Ikinwento sa akin ni Madame Erizally ang nangyari nang mahimatay ako dahil sa kalasingan. Pinagalitan daw ni Headmaster Diazo ang mga babaeng nam-bully sa akin kanina at agad silang pinatalsik sa camp. 'Yun daw ang parusang nararapat sa kanila dahil sa pambabastos nila sa akin.

Matapos nito, hiniling ko kay Madame Erizally kung pwede ko bang makausap ang Headmaster. Isinama niya ako sa opisina ng asawa niya at pagdating ko roon, nabigyan na kami ng pribadong oras ni Headmaster Diazo.

"Nakatulong ba ang inuming ibinigay sayo ng asawa ko, mahal na Prinsesa?"

"Opo." Simpleng sagot ko.

"Humihingi ako ng tawad sa uri ng pagtanggap na nakuha mo mula sa buong camp. I will make sure that your stay here will be worth everything that you deserve."

Hindi na uli ako nakaimik pa. Sa totoo lang, nag-aalangan ako sa Headmaster. At mukhang napansin niya naman 'yun.

"Ano pong problema, mahal na Prinsesa?"

Pero dahil ayaw kong mag-isip agad ng masama, kailangang malaman ko muna ang paliwanag niya. "Hindi niyo po muna dapat sinabi sa lahat ang tungkol sa akin. Hindi po ba 'yun ang nasa sulat na ipinadala sa inyo mula sa palasyo? Ibinilin po ni King Hollace na dapat ang mga leaders lang muna ang makakaalam na ako ang Prinsesa."

"Anong ibig mong sabihin? Bakit kailangang isekreto namin ang tungkol sa pagbabalik mo?" Saka niya inilabas ang sulat na nasa lamesa niya. May selyo pa ito ng 1st Family ng Lux. "Ayon dito sa sulat na natanggap ko, wala namang nakasaad na kailangan naming itago ang pagkatao mo."

"Po?" Ipinabasa niya sa akin ang sulat at hindi nga nagsisinungaling ang Headmaster. Kulang ang impormasyon na natanggap niya at maaring ganun din ang natanggap ng iba pang mga leaders.

Isang tao na agad ang naisip ko, si Oracle Geminus. Siya ang inutusan na magpadala ng mga sulat para sa leaders.

Napansin ni Headmaster Diazo na may malalim akong iniisip kaya naman kinausap niya ako tungkol dito. "Mahal na Prinsesa, kung ano man ang gumugulo sa isip niyo, 'wag kang matakot na ipaalam sa akin. Maaari kitang matulungan basta't magtiwala ka lang."

Dahil isang tinitingalang leader naman si Headmaster Diazo, walang dahilan para itago sa kanya ang mga nalalaman ko. Isa pa, alam kong matutulungan niya talaga ako.

"Headmaster Diazo, may isang taksil po sa angkan natin."

Ikinwento ko na ang bawat detalyeng nalalaman ko ayon nga sa nakasaad sa diary ni Mama Allina. Nasabi ko ang tungkol sa taksil na Luxurian na tumulong noon sa mga Hollowick para ipapatay ako. Na hanggang ngayon ay nakakalaya pa rin ito at maaring makipagsabwatan uli sa mga kalaban para pagtangkaan ang buhay ko.

"Mali at kulang po ang impormasyon na ipinaabot ni Oracle Geminus sa mga leaders." Pahayag ko. "Wala na akong maisip na ibang dahilan kung bakit niya sinuway ang malinaw na utos ng Hari."

Mukhang nakuha naman agad ni Headmaster Diazo ang nais kong ipahiwatig sa kanya. Siya pa nga mismo ang tumapos sa gusto ko pa sanang sabihin. "At dahil sa ginawa ni Geminus, alam na ngayon ng lahat na ikaw ang Prinsesa at maaring alam na rin ito ng mga kalaban. Maaaring si Geminus na nga ang taksil na tinutukoy noon ni Allina."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon