The Law of Love (completed)

Bởi sugarandalmonds

4.7M 128K 8.6K

(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura... Xem Thêm

The Law of Love (completed)
SIMULA :TLL
TLL 1:
TLL 2:
TLL 3:
TLL 4:
TLL 5:
TLL 6:
TLL 8
TLL 9:
TLL 10:
TLL 11:
TLL 12:
TLL 13:
TLL 14:
TLL 15:
TLL 16:
TLL 17:
TLL 18:
TLL 19:
TLL 20:
TLL 21:
TLL 22:
TLL 23:
TLL 24:
TLL 25:
TLL 26:
TLL 27:
TLL 28:
TLL 29:
TLL 30:
TLL 31:
TLL 32:
TLL 33:
TLL 34:
TLL 35:
TLL 36:
TLL 37:
TLL 38:
TLL 39:
TLL 40:
TLL 41:
TLL 42:
TLL 43:
TLL 44:
TLL 45:
TLL 46:
TLL 47:
TLL 48:
TLL 49:
TLL 50:
TLL 51:
TLL 52: Season 2
TLL 53:
TLL 54:
TLL 55:
TLL 56:
TLL 57:
TLL 58:
TLL 59:
TLL 60:
TLL 61:
TLL 62:
TLL 63:
TLL 64:
TLL 65:
TLL 66:
TLL 67:
TLL 68:
TLL 69:
TLL 70:
TLL 71:
TLL 72:
TLL 73:
TLL 74:
TLL 75:
TLL 76:
TLL 77:
TLL 78:
TLL 79:
TLL 80:
EPILOGUE
TLL SC 1: triple tumble trouble
TLL SC 2: triple rumble blissful
TLL SC 3: triple blather bother
TLL SC 4: triple adorable blackmailers

TLL 7:

48.9K 1.4K 57
Bởi sugarandalmonds

#unedited

...
" patay" tanging nasabi ni Candice sa sarili, kanina niya pa hinahanap ang susi sa kanyang bag, pero hindi niya makita kita, sa tantya niya naiwan ito sa kanyang locker.."kapag minamalas ka nga naman..".sinilip niya ang oras sa kanyang cellphone, alas dos na ng madaling araw, tahimik na ang buong kalsada.

Wala siyang nagawa kung hindi ang maupo nalang sa tabi, wala naman siyang lakas ng loob para gisingin ang mga kasama niya sa bahay. Hindi naman na siya makabalik sa shop dahil sarado na ito.

" Ay bata ka bakit diyan ka nakatulog?" Tinapik siya ni Lola Mildred, kapitbahay nila, may dala itong walis tingting. Ugali na nito ang magwalis sa umaga, papasikat na nga ang araw, tumayo na siya at nag inat-inat.

"Good morning po!" Masaya niya pang bati dito. Sino kaya ang unang lalabas?

"Diyan ka natulog?"
Napakamot siya sa ulo, ganoon na nga ang nangyari.

" Hay naku, pinapak ka na ng lamok diyan, pumasok ka muna sa bahay ko, baka mamaya pa magising yang mga kasama mo sa bahay." Tinanggihan niya amh paanyaya nito.

" Hindi na po lola salamat na lang, saka hindi naman po ako pinapak ng lamok, alam nila na hindi ako masarap, saka magigising na rin po sila ate o si kuya, naiwan ko po kasi yung susi ko."

"Ikaw talagang bata ka,"

Kahit suntok sa buwan sana isa sa pamangkin niya ang magbukas ng pinto, umaasa pa rin siya, pero hindi nga talaga siguro pabor sa kanya ang pagkakataon, seryosong mukha ng kanyang ate ang nagbukas sa kanya ng pinto.

Sermon ang inabot niya dito mula sa gate hanggang sa pagpasok sa living room.

Nakatungo lamang siya sa mga sermon nito, lalo naman kasing hahaba kapag sumagot pa siya.

" at bakit nakasuot ka ng ganyan? Saan ka gumala at nagliwaliw? Wag mong sabihin na tumutulad ka na rin sa malandi mong ina? Ginagawa mo na rin yung mga gawain niya kung paano niya naakit ang daddy ko?" Napalunok si Candice habang nakakuyom ang kamao sa likod.

Ilang beses niya na rin itong narinig sa haba ng panahon na pagtira niya kasama nito. Bukod sa kumakain siya mula sa pinaghirapan nito, kumakain din siya ng mga pang alipusta patungkol sa kanyang ina.

" Bakit? May nakita ka na rin ba napamilyado na tao para akitin? Kahit ganyan pa lang ang edad mo hindi na ako magtataka!" Patuloy nito.

" a-ate tama na." Mahinang usal niya dito, namumuo na ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Wala siyang ginagawang masama.
Wala siyang balak na masama.
Wala siyang ideya sa kung ano ang nangyari noon.

Pero bakit ipinaparamdam nito ba kasalanan niya lahat?

"Pinapaahimik mo ako sa sarili kong bahay!?" Umalingaw ngaw ang bosea nito. Tinaas niya ang kanyang mga mata , pulang pula na ang mukha nito sa galit.

Lagi naman.

Pero ate niya ito, alam niyang sa kanilang dalawa, siya ang dapat na umunawa. Labis na nasaktan ang kanyang ate sa ginawa ng daddy nila, pati ang pagkamatay ng mommy nito.

Lumapit ito sa kanya at gaya ng dati nakatikim siya ng sampal mula dito sa kanyang kanang pisngi.

Mahapdi.

Pero walang kasing hapdi ng nararamdaman ng kanyang puso.

Paulit-ulit na lang. Laging ganito sa oras na tumitingin siya sa mga mata nito.

Gusto lang naman din niyang sabihin na masakit din ang lahat para sa kanya.

Pero hindi.

Hindi iton maiintindihan ng kanyang ate.

" wala ka talagang utang na loob!" Bago pa man mahablot nito ang kanyang buhok, may kamay ng pumigil dito.

Salamat sa asawa nito.

" nakikita ng mga bata," saka sila parehas napatingin sa hagdan , nakatingin doon ang mga bata. Hinila ng kanyang kuya ang kanyang ate papunta sa kwarto.

Siya na naman ang dahilan kung bakit mag-aaway ang dalawa.

Pinahid niya ang kanyang mga luha, pinilit niyang ngumiti para sa kanyang mga pamangkin.

Hinding hindi niya idadamay ang mga batang ito. Kakayanin niya ang galit ng kanyang ate.

" Anong request nyo na breakfast?" Nagtinginan ang tatlo, walang ibig sumagot. Huminga siya ng malalim at muling pinagsigla ang tinig.

" Sige na nga, iluluto ko na lang yung mga favorite nyo." Pumasok muna siya sa kanyang kwarto, naghilamos at tinatapik ang kanyang pisngi.

Kaya pang pigilin!

Nagbihis siya agad, nagulat siya dahil nakaabang ang tatlonsa tapat ng kanyang pinto. Hindi pa rin nagsasalita ang mga ito. Pinilig niya ang ulo at nagpunta sa kusina.

Naglabas siya ng ham at bacon, pati na rin hotdog. Pakanta kanta pa siya gaya ng nakagawian, kunwari walang problema.

Kunwari okey siya.

Nawala siya sa kanyang pag- iisip ng maramdaman niya si Justin sa kanyang gilid. Hinihila nito ang kanyang damit.

"Bakit?" Nag -aalalang tanong niya dito, pangakaraniwan kasi na tahimik ang mga ito. Yumuko siya para pumantay sa mga ito.

"Tita Dice." Tawag nito sa munting tinig, pero ang nagpatigil sa kanya ay ang sinabi ni Britney, saka lang niya napansin na namumula ang ilong nito.

"Tita Dice, sasaktan mo rin ba kami gaya ng ginagawa sa'yo ni mommy?" Kung ito pinipigil ang luha, si Bea sa gilid ay humihikbi na.

Mali talaga na makita ng mga bata ang nangyari kanina. Tumatanim iyon sa kanilang isipan.

Kinagat niya ang ibabang labi para mapigil ang emosyon na ibig kumawala.

" bakit ko naman gagawin yun, love ko kayo no." Hinawakan niya ang mga pisngi ng mga ito.

" talaga tita, hindi mo kami iiwan?" Paniniyak ni Bea.

Tumango siya.

Mali man. Dahil matapos ang nangyari kanina, wala ng kasiguraduhan kung hanggang kailan siya manatili.

Napadaing siya sa haplos ni Justin sa kanyang mukha. Ito ang kanina pa tahimik.

Nilahad nito ang kamay sa kanyang harapan.

Nagulat siya sa pulang likido na nasa kamay nito. Nag-alala siya bigla dahil may sugat ito.

Pero hindi pala ito ang nasaktan.

"Tita, may dugo ikaw."

Mali.

Siya pala iyon.

Sa kanya pala galing ang dugo.

...

Si Candice agad ang hinanap ng mata ni Ren pagka pasok niya sa room. Nakadukdok ito sa pwesto nito, himala na mas nauna pa ito  sa kanya.

"It's payback time." He muttered.

"Hoy Darnang Flat!" Tawag niya, hindi ito lumilingon kaya naman , dinutdot niya ito.

"Hoy Ms. Dakot!"

"Pwede ba sa susunod na lang, wag muna ngayon, wala ako aa mood makipagtalo sa'yo. " tumingala ito para makiusap sa kanya. Napansin ni Ren ang lamlam sa mata nito, maging ang band aid na nasa pisngi nito.

Magsasalita sana siya ng dumating na ang kanilang guro. Naupo na siya sa tabi ni Dexter at Josh na malaki ang ngisi sa kanya.

" Disappointed dahil inis nob ka ng love mo?" Sinapak niya sa braso si Josh.

" anong sinasabi mo? Nababaliw ka na!"

"Totoo pare, hindi mo lang napapansin kasi iba ang nakasanayan mo."

" Shut up dude!"

"You shut up-"

"How about you both shut up so we can start the topic?" Sabat ng kanilang guro na nasa harap na pala nila. Sabay silang tumango , bumalik na ito sa harapan , sila naman ay nag-asaran ni Josh.

" Tama ba yan." Si Dexter naman ang sumaway sa kanila. Nilingon niya ito at tinaasan ng kanyang kilay . May dapat pa pala itong ipaliwanag sa kanya, yung ikinilos nito sa harap ni Ran.

Natapos ang klase at mabilis na umalis si Candice, para itong hinabol. Walang intensyon si Ren pero nakita niya na lang ang sarili na nakasunod dito. Hindi na nga niya na pinansin ang tawag ng mga kaibigan. Yung mga mata niya nasa likod ni Candice habang naalala ang hitsura nito kanina, yung pisngi nito na may band aid.

Mabilis itong nakalabas ng school , di nito namalayan na nahulog ang ID, pinulot niya iyon at tinawag ito, pero mukhang nasa sarili itong mundo at hindi siya  marinig.

Ewan ba at hindi niya mapigil ang paa na sundan ito, lumabas ito ng school at patuloy na naglalakad. Hindi niya ito ugali, mukha siyang stalker sa ginagawa niya ngayon, pero hindi niya mapigil ang pagsunod.

Sa isip niya, baka naghahanap siya ng butas para makaisa dito.

Tama!

Ganoon nga!

Iyon ang sinasaksak niya sa kanyang isip.

Huminto ito sa tapat ng KTV bar, korean inspired, base sa korean charactera pagkapasok niya. Unang beses niyang mapadpad sa mga ito.

" Available po?" Tanong nito sa cashier doon.

" Oo. Ito ang susi" nakita niyang nagbayad si Candice bago inabot ang susi. Sinundan pa ito ng tingin ng cashier. Napapailing.

Tss. Akala ko pa naman, mag liliwaliw lang pala dito.

"Ikaw?" Sinuri pa si Ren ng cashier mula ulo hanggang paa.

"Mag-isa ka lang? Aarkila ka rin?" Hindi niya alam ang isasagot kaya naman sinabi niya na lamang na kasama siya ni Candice.

"Talaga, ngayon lang siya may isinama...puntahan mo na!" Utos nito kay Ren, lumakad na nga siya kahit hibdi niya alam kung sang kwarto si Candice.

Maraming tao sa mga cubicle na may glass wall, may videoke at nagkakantahan. Pang 6 na tao bawat cubicle. Wala si Candice doon. Lumakad pa siya, may mga close room, may ibang nakaangat ang pinto kaya nasilip niya ang loob.

Wala doon si Candice.

Huminto siya sa isa sa mga saradong  pinto, nasa kanang dulo.

Pagpihir niya nakita niyang mag isa si Candice, pinipindot ang ktv. Pumailanlang ang isang masayang kanta.

Nagcecelebrate ba siya dahil akala niya nakaisa siya sa akin?

Sabi niya sa sarili.
Hawak nito ang mic at naghahandang kumanta.

(I will survive)

First i was afraid

I was petrified

Keep thinking i could never live

Without you by my side

But now i

But now i...

Nawala ang pagkanta nito, napalitan ng paghikbi hanggang sa umupo ito at umiyak ng umiyak. Masaya ang beat ng kanta, pero sinasabayan nito ng pag-iyak.

Napahawak siya sa kanyang dibdib.

Nakakaawa si Darnang Flat. Ito pala ang purpose nito sa pagpunta dito, pero sa anong dahilan?

Bigo rin ba sa pag-ibig katulad niya.

Kung ganoon hindi naman siguro masama kung sabay silang magdamayan.

...

Ito na ang pinakamasakit na araw para kay Candice, kanina niya pa pinipigil ang umiyak. Itong lugar na ito ang kanyabg hide out, kapag gusto niyang umiyak ng walang tigil, sa saliw ng maingay na musika, walang pipigil sa kanya.

Ganoon na nga siguro sinasanay niya na ang sarili na mag-isa.

Nakita pa ng mga bata, tinitiia niya lahat, pero ngayon talaga ang pinakamasakit, punyal ang bawat matatalim na salita ng kanyang ate Joana, bago aiya pumasok sa school ay muli siyang nakatikim sa mga ito. Kung hindi dahil kay Britney na pinigilan ang mommy nito baka kung ano na ang nangyari.

Masakit talaga.

Napatingala siya ng huminto ang kanya , may isang chorus pa, di pa dapat yari, sa daming beses na narinig niya ito , alam na alam niya kung kailan yun matatapos.

Pero wala ng ikagugulat pa ang makita ang mayabang na si Ren Romualdez na matikas na nakatayo sa kanyang harapan.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa garalgal na tinig.

Itinaas nito  ang mic.

" Ano pa ba? Kakanta ako dahil di hamak na maganda ang boses ko kaysa sa'yo"

***
Tbc








Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

Broken Arrow Bởi Cher

Tiểu Thuyết Chung

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...
931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.6M 63.2K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...
261K 14.3K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.