Game 27

363 38 0
                                    

Edited

Third Persons's POV

LEVEL 1 - ABANDONED ISLAND BEACH RESORT

Nagtataasang mga patay na puno ng niyog ang nagkalat sa paligid, mga damong matagal ng hindi nadiligan kaya lumanta at nangulay itim. Mga gusali at kubo na nalipasan na ng panahon at mapapansin mong ilang taon nang hindi nalilinisan o maski nagagamit ng kung sino man.

May ilang mga nagtataasang gusali din na nagsisilbing tuluyan ng mga turista noon, ngunit kagaya ng isla ay marumi rin iyon, maitim at halos hindi na mapapakinabangan ang mga kagamitan o kasangkapang makikita.

Ang dagat naman ay kulay berde at may mga bugkos ng mga lumot na nakalutang sa tubig, may mangilan-ngilang patay na isda ding nakalutang at nagkalat sa dalampasigan.

Sing puti ng perlas at sing itim ng uling ang pinong buhangin. Hindi din gaanong kagandahan sa pang-amoy ang hangin sa buong abandunadong isla.

Hindi nanaiisin ng isang turista ang manatili ng ilang araw sa ganitong klaseng beach resort.

Ngunit kailangang manatili ng kalahating araw ng mga manlalaro ng Zanaxamyr sa nasabing resort. Kailangan nilang makipagsapalaran sa loob ng kalahating araw sa unang destinasyon ng unang lebel ng Zanaxamyr.

They can get out the abandoned beach resort by finding the diamond crystal, if they find it. They will reach the next level and get out to this place for level one.

Nagsimula nang maglitawan ang anim na pu't limang manlalaro sa kung saang-saang panig ng isla. Bilang lamang sa daliri ang mga manlalarong may malay ngunit nakakaramdam pa rin ng pagkahilo.

Isa na dun si Vegeia.

Habol ang hiningang nakasandal siya sa isang malaking puno sa limang hektaryang kagubatan sa timog silangan ng isla.

Ang kaninang walang tibok na puso niya ay nagsimulang tumibok, unti-unti na ding naghihilom ang mga sunog sa parte ng katawan niya.

Nang makaramdam ng uhaw si Vegeia ay hinayaan niya muna ang sarili niyang makahabol hininga bago kunin ang itim na back pack na nakasabit sa sanga ng punong kinasasandalan niya.

Ngunit 'agad siyang nanlumo ng makitang walang pang patid ng uhaw sa loob ng back pack. Isang lubid, kapote, sailing knife, taurus pt111 gun at maliit na orasan lamang ang nakita niya sa loob ng bag.

Wala na siyang nagawa kung 'di ang tumayo at handa ng hanapin ang pinaka importanteng bagay mula sa kanilang laro.

Ang diyamanteng kristal na makakaalis sa manlalaro mula sa unang lebel ng laro. Ito din ang magiging susi para hindi danasin ng kung sinong manlalaro ang sakunang paparating sa huling limang minuto.

Argery's POV

Pumailanlang ang sigawan ng mga tao sa paligid ng magsimulang lumabas mula sa mga big screen ang anim na pu't limang manlalaro.

Ilan sa kanila ay wala pa ring malay, ang ilan naman ay nakikipaglaban na sa ibang manlalarong nakadaanan o nakasalubong nila. At wala pa ring manlalaro ang nakakahanap sa diyamanteng kristal, ngunit ang ilan sa kanila ay hindi nawawalan ng pag asa.

Sa tatlong oras na lumipas nang magsimula ang laro ay labing tatlong manlalaro na 'agad ang nasawi. Kasama doon ang isang manlalaro ng Jeneiland na si Leo Florence.

Isang matandang lalaki na pinaslang ng isang binatilyo na sa pagkakatanda ko ay kalungsod niya rin. Tunay ngang walang sasantuhin na kahit sino ang mga manlalaro. Masyado silang uhaw sa pagpatay at sa paghahanap ng diyamanteng kristal.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now