Game 52

265 29 0
                                    

Unedited

Daryo's POV

"Pagbabayarin mo ang ginawa mong pagtatraydor sa akin, Daryo! Nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita, nagkamali ako na naging kaibigan kita! Isa kang traydor Daryo, dapat kang mabulok sa impyerno!! At sisiguraduhin ko na mangyayari ang bagay na 'yun!" naluluha kong tinignan si Vegeia na punong-puno ng galit at poot ang mga mata habang nakatingin sa mga mata kong walang habis sa pagtulo ng luha.

"P-patawarin mo ak---" pinutol nito ang sasabihin ko at nagsalita, "Patawarin? Walang kapatarawan ang ginawa mo sa akin Daryo! Hindi ka isang tunay na kaibigan, sakim ka at makasarili. Wala kang inisip kung 'di ang kapakanan ng estado ng buhay mo. Tandaan mo itong sasabihin ko sayo---isinusumpa ko ang buong pagkatao mo, ang buong lahi mo. Balang araw ay babalikan kita at ipapatiki----" pumikit ako at tinakpan ng dalawang palad ko ang magkabilaan kong tenga at sinigaw ng paulit-ulit ang salitang 'tama na'.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko nang hindi ko na marinig pa ang boses ni Vegeia hanggang sa nakita ko si Ennisa na nakaupo sa mahabang upuan sa gilid ko, "E-ennisa" mahinang sambit ko ngunit sapat na para marinig niya.

Napatingin siya sa akin at mabilis na lumapit, "Daryo!!" inalalayan niya akong makaupo at makasandal sa headboard ng kama at inabutan ng isang baso na tubig na mabilis kong nilagok.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Maayos ka na ba? May masakit pa ba sayo? Kung meron tatawagin ko 'yung doctor sa labas" umiling ako dito at hindi naiwasang igala ang tingin sa buong silid na kinalulugaran namin.

Ngunit bago pa iyon ay muli kong naalala ang naging panaginip ko kay Vegeia, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi niya sa akin, hindi ko rin alam kung bakit umiyak ako at humingi ng tawad nun. Hindi ako nagsisisi sa mga ginawa ko, okay!? Kaya bakit ako iiyak at hihingi ng tawad nun.

Pero ang sabi nga ng mga nakakatanda ay kabaliktaran ang mangyayari sa napaginipan sa reyalidad. Pero kung mangyari man ay hindi ako iiyak o hihingi ng kahit isang beses ng tawad kay Vegeia, desidido kong ginawa ang mga bagay na 'yun sa una pa lang, walang paghahalong pagsisisi, kung papatayin man niya ako dahil sa pagtatraydor ko sa kanya ay tatanggapin ko, pero pwedw ding mag-unahan kami sa pag patay kung...buhay pa siya.

"Tatlong araw ka ng walang malay simula ng mailabas ka sa Zanaxamyr at maidala dito sa hospital. Buti na lang talaga at pumayag si daddy at ang mga kawani ng gobyerno na pumunta ako dito at bantayan ka" bigla akong napaisip sa sinabi ni Ennisa, ibig sabihin ay nasa Umacrus pa rin pala ako, "S-si Vegeia? K-kamusta siya?" lihim na lang akong napangisi dahil sa tinanong ko, as if naman gusto kong malaman kung okay ba siya.

Sana lang talaga ay namatay na siya nung ikatlong lebel pa lang! Pero wala na rin namang saysay iyon dahil hindi natapos ang laban sa Zanaxamyr!!

Nagsimulang humikbi si Ennisa kaya hinawakan ko ito sa kamay at marahang minasahe, "W-wala na siya..wala na s-si Veg-geia, Daryo...p-patay na siya. Ka-kasama siya sa anim na manlalarong idineklarang n-namatay sa huling lebel ng laro" gusto kong magtata-talon sa tuwa dahil sa sinabing iyon ni Ennisa ngunit upang hindi siya makahalata ay lihim na lang akong ngumiti at yinakap siya ng umiyak na siya.

"A-ang hirap..tanggapin Daryo, bak-kit si Vegeia pa" hinimas-himas ko siya sa likod ko ng mas lalong lumakas ang hikbi niya, naiintindihan ko si Ennisa kung bakit ganito na lang kasakit para sa kanya na namatay si Vegeia, mas matagal silang naging magkaibigan bago nila ako nakilala.

Mas malapit sila at talagang magkatuwang sa buhay pero wala na kaming magagawa kung 'di ang tanggapin na lang, "Sinubukan akong patayin ni Vegeia sa huling lebel ngunit hindi siya nagtagumpay at tumakas na lang siya, sinubukan ko siyang sundan ngunit nangyari na ang kaguluhan sa loob, patawad kung hindi ko nailigtas si Vegeia, ku-kung sinundan ko lang s-sana siya..edi sana pa-pareho kaming nakalabas ng b-buhay, kasalanan ko kung bakit na-namatay si Vegeia" lumayo si Ennisa ng pagkakayakap sa akin at sinabing wala raw akong kasalanan, na hindi ko daw dapat sisihin ang sarili ko sa pagkamatay ni Vegeia.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now