Game 4

589 50 1
                                    

Edited

Vegeia's POV

'Agad akong lumapit sa kanila at hinila ang buhok ni Mareen at tinulak siya paalis sa ibabaw ni Ennisa. Nang akmang hahawakan niya ang buhok ko ay mabilis ko siyang naitulak kaya napahiga siya sa sahig.

Tinignan niya ako ng masama ng magtagpo ang mga mata namin pero hindi ko na siya binigyang pansin pa. Lumapit ako kay Ennisa na umiiyak at tinulungan siyang makatayo pero mas pinili niyang maupo.

Kakalabas lang ni Mareen sa hospital at kakagaling lang namin sa gulo kahapon tapos ito na naman? Talaga ba talagang nakatadhana o talagang malas lang ako---I mean siya!

"Aww, Vegeia came to save her sl*t bestfriend named Ennisa, how sweet!" sarkastikong sambit ni Mareen habang nililinisan niya ang sarili niya at masamang tumingin sa aming dalawa ni Ennisa na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Don't call her sl*t Mareen, alam natin kung sino tal---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin ako ni Mareen.

"Shut up! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin kahapon ay may plano ka pang ipakita 'yang pagmumukha mo! Balak mo pa ako ulit na saktan, ang kapal ng mukha mo Vegeia! Wala ka ring pake kung nasampal o nasabunutan ko 'yang malandi mong kaibigan, she deserve it. Alam na niyang boyfriend ko si Alberto tapos didikit-dikit pa rin siya na parang linta!" sigaw ni Mareen at malabong walang makarinig nun sa lakas ng sigaw niya.

Naaawa kong tinignan si Ennisa na nakayukong umiiyak, may point si Mareen pero mali pa rin na saktan niya si Ennisa! Pwede naman niyang kausapin ng maayos hindi 'yung kailangang umabot pa sa ganito ang lahat.

"Umalis kana Vegeia! Hayaan mo kaming magtuos ng malandi mong kaibigan, ang lakas ng loob niyang dumikit sa boyfriend ko kaya dapat may lakas loob din 'yang patulan ako! Hoy Ennisa! Tumayo ka dyan at tigilan mo ang kakaiyak, hindi malilinis ng luha mo ang pagiging malandi mo!" muli nitong sigaw kaya lumapit sa kanya si Alberto at pinagsabihan, tinapik ko na din ang balikat ni Ennisa para sabihing umalis na kami.

Nang makatayo siya ay nilapitan naman kami ni Daryo at siya ang umalalay kay Ennisa, kinuha ko naman ang sling bag niya na nasa sahig. Aalis na sana kami ng pigilan kami ulit ni Mareen na yakap yakap na ni Alberto.

Nang mapatingin naman ako kay Ennisa ay mababakas ang pinaghalong sakit at panghihinayang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naghihinayang siya sa nakikita niya pero hindi na ako naglakas loob na tanungin iyon.

"Bitawan mo ako Alberto!! Papatikimin ko lang 'yang Ennisa na 'yan ng isang malupit na sampal! Let me go Alberto!!!" hindi na namin siya pinansin at hinayaan na lang namin na si Alberto ang pumigil sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos Ennisa!! At ikaw din Vegeia, hindi ko kakalimutan ang naging laban natin kahapon at sinisigurado kong hindi pa iyon ang huli! I am Mareen Salamante, better knowing who I am, so that two of you will not be surprised by what will happen to you next!" mga huling salitang narinig namin na sigaw ni Mareen bago kami makaalis sa lugar nila.

Nanatili akong hawak ang kamay ni Ennisa at patuloy sa paghila sa kanya paalis ng bayan, Alberto doesn't deserve Ennisa, hindi din deserve ni Ennisa ang ganung lalaki!

Nakakabanas lang din dahil wala siyang ginawa kundi ang manood na nagpapatayan sa harap niya ang dalawang bumihag sa mala-paang mukha niya. Ano ba ang nakita ng dalawang 'yun at ganun na lang kung magsabunutan at pag-agawan si Alberto?

Bukod sa pagiging payaso, ano pa ang nakakahanga at nakakabighani sa kanya? 'Yung anim na pandesal at nagpuputukang muscle niya ba sa balikat? Iyon na ba talaga ang ang basehan ng mga babae? Nakakaawa!!

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now