Game 29

324 38 0
                                    

Edited

Aressa's POV

Pabato kong hinagis ang pana ko sa malaking lalaking nasa harap ko ngunit sinangga niya lang yun at dinampot sa sahig at nakangiting binali iyon sa harap ko!! Sana hindi ko na lang pala hinagis sa kanya 'yun kainis!

Nang lingunin niya ang mga kasamahan niya ay sabay sabay kong binato sa kanya ang mga arrows na kapag nadaplisan ka lang ay ikakamatay mo na.

Dahil sa nakakapit na lason mula doon. Unti-unti kang papatayin ng lason na 'yun sa loob ng tatlo o apat na oras ngunit kagaya ng pana ay sinangga at iniwasan niya lang 'yun!

Hindi ako dapat magpakita ng takot sa kanya! Dahil iyon ang magiging kasangkapan niya para isiping mahina ako!

Kaagad kong hinanda ang kaliwang paa ko panipa sa tagiliran niya. Hindi pa man nakakalapat sa tagiliran niya ang sipa ko ay nahawakan niya na 'yun at binalibag ako sa malaking puno sa likuran ko!

Masakit iyon! Hindi na 'ko natutuwa! Masyado kang makasarili Brienn Morris! Mamatay ka na sana bwesit ka!!

Napalingon ako kay Axen na hingal na hingal na naupo sa tabi ko. Gayundin sina Barse at Chale sa kaliwa ko. Habang si Rodion naman ay nakaharang sa harap namin na tila pinoprotektahan kami sa limang taga Potelmak na nakatawang nakatingin sa amin.

Hindi na talaga ako natutuwa! Macritos kami! Nanggaling kami sa Macritono, isang kilala at mayamang lungsod! Samantalang mga taga Potelmak pa ang makakatalo sa amin, ang pumapangalawang lungsod na mahirap!

Nakakainsulto para sa amin ang ginagawa nila. Hindi ko gusto na tinitignan ako ng ibang tao lalo na nang tingin na nang-iinsulto o nang-aasar. Hindi kami ang dapat nakaupo dito at nakasandal sa puno, hindi kami dapat ang pagod na pagod ngayon at tinatawanan.

Pero hindi ko inaasahan ang bagay na 'to, hindi ko alam na ganito kalakas ang mga manlalaro ng Potelmak! Kapansin-pansin sa kanilang lahat ang pamatay na ngiti at tawa nila. Tumutulo din ang kanilang laway at namumula ang mga mata. P-para silang lulong sa ipinagbabawal na gamot.

"Anong pakiramdam ng pagtawanan kayo ng mga mas mababa pa sa inyo? Masaya ba? Ha ha ha ha!" napatakip ako sa tenga ko at pilit na iniiwas ang tingin sa kanila.

Ako si Aressa Mara Quay! Ang babaeng mahilig sa earthworm! Ang babaeng hindi tumatanggap ng pagkatalo. Ang babaeng hindi dapat pinagtatawanan at minamaliit. Isa akong Quay na hindi dapat kinakaawaan.

Isang Quay na malakas at matapang!

"Ano bang kailangan niyo sa amin huh!?" rinig kong sigaw na tanong ni Rodion na habol na ang hininga din.

"Ang mamatay kayo! Hindi naman kasi patas na ang Macritono ulit ang manalo sa taong ito, diba? Ha ha ha ha!" determinado at patawang sabi ng lalaking nasa gitna.

Siya yung lalaking nakaharap ni Axen, balot siya ng metal na baluti at wala akong ideya kung saan niya iyon nakuha!

Maaaring pinadala iyon sa kanya ng isang sponsor niya. Wala naman kasing binaggit si Mr. Hanston Silvester about sa armor thingy na 'yan sa bawal level ng laro. Or meron, hindi kasi ako gaanong nakikinig sa kanya.

Nang muli kong maalala ang sinabi niya ay binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin na nakangiting nakatingin lang kay Rodion.

"Jumbo! Taposin na ang mga 'yan!" tumango 'yung malaking lalaking nakaharap ko dun sa lalaking balot ng baluti na marahil ay kanilang pinuno.

"Masusun---" hindi na natapos ng malaking lalaki na 'yun ang sasabihin niya ng bumulagta siya sa sahig habang may tama ng baril sa mismong gitna ng noo niya.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon