Game 50

270 31 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Puting kisame ang bumungad sa akin ng dumilat ako, dahan-dahan naman akong napatingin sa isang hindi ko matukoy na makina sa gilid ko na naglalabas ng kakaibang tunog na nakapag pagising sa akin ngayon.

Nang muli kong igala ang tingin ko ay doon ko lang napansin na may lalaking nakaupo sa kanan ko, hawak nito ang kamay ko na ramdam kong may nakabalot na tela. Dama ko rin na may tela sa balikat ko at sa ulo ko, ang kaliwa ko namang paa ay nakalambitin sa puting tela na nakasabit mula sa kisame.

"U-uhmm" napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko ng dahan-dahan niyang iangat ang ulo niya, nagising ko yata siya dahil sa paggalaw ng kamay kong hawak niya.

"Lage!" gustuhin ko mang tumawa dahil sa panlalaki ng mata niya ng makitang gising ako ay nginitian ko lang siya, "Lalaking taga Arotbil" sambit ko na ikinatawa niya, pasensya na, hindi ko na kasi maalala ang pangalan niya haha.

Tinanong ko rito kung nasaan kami, doon lang din pumasok sa isip ko ang nangyari sa loob ng Zanaxamyr! Kung paano nasira at nawala ang mga bagay o maging ng mga tao sa paligid namin, si Sincerely, kung paano siya lamunin ng isang itim na bagay.

"Malalaman mo mamaya" nahiwagahan ako sa sinagot niya ngunit hindi ko na siya kinulit pa, ramdam ko ang pagod at panghihina sa buong katawan ko, dala marahil ng pagtakbo at ang pagkakabagsak ng kung anong bagay sa ulo ko nun.

"A-ano nga ulit ang p-pangalan mo?" pinamulahan ako ng pisngi ng ngumiti siya, nakakahiya!

"Titus...Titus Sevilaunte, 'wag mo na ulit kakalimutan ang gwapo kong pangalan huh" natawa na lang ako sa sinabi niya.

Maya-maya rin ay nanghingi ako ng tubig dito dahil sa kanina pa nanunuyot ang lalamunan ko. Nagpaalam itong lumabas na ikinatango ko lang. Muli ko na namang tinignan ang buong silid, maging ang hindi kalakihang bintana, kita ko mula doon na mataas ang sikat ng araw sa labas.

Nasaan kaya ako--kami ni Titus, papaanong nakalabas kami ng Zanaxamyr.

"It's nice to meet you again, Lage" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko si Astreah na nasa pintuan, nakangiti siya habang hawak ang isang sigarilyo na umuusok pa.

Labis ang kaba at takot ko ngayon, tahimik siyang lumapit sa akin na ikinausog ko, "A-a-anong ginagawa mo rito?" naiinis ako sa sarili ko ngayon, bakit kailangan kong matakot sa kanya eh mas malakas ako sa kanya, mas mataas ang antas ko kaysa sa kanya!

"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin kung bakit ka nandito ngayon?" hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagtanong siya suot ang nakakainsultong ngiti sa labi niya.

'Wag niyang sabihin na siya ang tumulong sa amin ni Titus para makalabas ng Zanaxamyr? Sa nakikita ko ay parang hindi iyon kayang gawin ni Astreah, sa ugali pa lang niya ay malayo ng tulungan niya ako o kami ni Titus.

Kapwa kami natigilan at napatingin sa pinto ng bumukas iyon lulan ni Titus na may hawak na tray na naglalaman ng isang pitsel at baso.

"Magkakilala na pala kayo" naguguluhan kong tinignan si Titus, magkakilala sila ni Astreah? Paano at kailan?

"Matagal na kaming magkakilala, Titus. Nagkakilala kami ng minsan kaming mapadpad ni Callypso sa Jeneiland at natyempuhan kon---" pinatigil ko si Astreah sa pagsasalita dala ng hiya sa nangyaring iyon, ngumiti lang ito at umayos ng pagkakaupo sa sofa na nandito rin sa kwartong ito.

Kinuha ko ang inabot ni Titus na isang baso ng tubig at 'agad ininom, "Hindi mo man lang sinabi sa akin na isa ka pa lang Legendary Meir, Lage" napatigil ako sa pag-inom at uubong-ubo na kinuha ang inabot na bimpo ni Titus.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now