Game 8

474 43 2
                                    

Edited

Vegeia's POV

Maaga akong nagising at naligo bago pa tumunog ang kampana ng simbahan, hindi hudyat ng isang misa, kundi nang araw ng pilian o mas tinatawag na Myrd Day.

Lumabas ako ng kwarto ko suot ang bagong biling camisa de chino at barong tagalog ni mama para sa 'kin, mga kasuotang dala ng mga mangangalakal mula sa bansang Pilipinas.

Tuloy na tuloy na nga ang araw na ito, umaraw man o umulan ay ipagpapatuloy pa rin ang pagpili sa labing tatlong manlalaro ng Zanaxamyr. Hindi ko maiwasang kabahan at kahit bagong ligo pa lang ay pinagpapawisan na kaagad ako.

Hindi ko hinihiling na sana ay mapabilang ako sa labing tatlong manlalaro, pero kung saka-sakaling isa kila mama o papa ang mapili ay mas pipiliin kong akuin ang pagiging myembro nila sa laban. Mas gugustuhin kong ako ang lumaban at humarap sa pagsubok at laban na ito at hindi ang isa kila mama at papa.

"Bilisan muna ang kilos mo Vegeia! Nariyan na sa labas ang mga guwardiya ng Umacrus!!" rinig kong sigaw ni mama mula sa sala.

Hindi ako tumugon bagkos ay pumunta ako sa sala at nakita si mama na nakasuot ng puting bistida samantalang nakaputing barong at itim na pantalon naman ang suot ni papa na nakaharap sa salamin.

Bago kami lumabas ay yinakap ko muna silang dalawa. Ito na! Hindi ako sigurado na mapipili ako o isa sa mga magulang ngunit mananatili akong matatag.

Nang makalabas kami ay bumungad sa amin ang apat na armadong guwardiya ng Umacrus, kapwa silang apat na nakasuot ng mga pangsundalong kasuotan at may hawak na mga mahahabang baril.

"Kayo lamang bang tatlo ang nakatira sa bahay na 'toh? Mahigpit na ipinaguutos ang hindi pagpunta sa gaganaping seremonyas!" tanong ng isang sundalo na ikinatango naming lahat.

Sa naging tanong nito ay pumasok sa isip ko ang naging usapan ng mag ina sa palengke. Wala akong katiyakan kung itinuloy nga ng ina ang pagtatago sa kanyang anak sa araw na ito. Kung itinuloy nila ay sana naman ay hindi sila mapahamak.

Habang naglalakad kami papunta sa bayan ay nakasabayan namin ang ilang kapit bahay namin na ang ilan ay wala sa sarili at bakas ang takot at kaba. Nag kalat naman sa paligid ang mga armadong sundalo ng Umacrus na mas domoble pa ang dami kaysa kahapon.

Tahimik kaming pumasok sa nakapalibot na mga stone barrier sa harap ng Jeneiland Hall, wala imik ang mga taong naglakad sa kani-kanilang posisyon.

Nasa kaliwang banda ang pila ng mga kababaihan habang kaming mga kalalakihan ay nasa kanan ngunit pare-parehas na bata ang nasa unahan na sinundan naming mga binata't dalaga at sumunod ang mga matatanda.

Ang buong harap ng Jeneiland Hall ay napapaligiran ng mga armadong sundalo, seryoso ang mga mukha nila at parang kapag nagtanong ka ay hindi ka sasagutin.

Mula naman sa tinayong hindi kalakihang entablado sa harap din ng J Hall ay nakaupo ang mga matataas na tao sa lungsod namin, mula sa mga konseho, kay Mayor Marios at kay Govermor Elimo.

Mas lalong tumahimik ang paligid ng umakyat ang isang babae sa entablado at humarap sa mikropono, "Good morning to all Jeneis here! This month is the 37th annual anniversary of the Wamikoe. I hope this year will be..fun and enjoyable hahaha!" nagkamali ako, hindi siya babae.

Nakasuot ang binabaeng iyon ng long backless pink and black gown. Kapansin-pansin ang maatas na heels nito na kulay puti at ang malaki niyang sumbrero na may pinagpatong patong na mga iba't ibang kulay ng bulaklak.

Nawala ang mga ngiti sa labi niya nang walang sumagot sa pagbati niya mula sa amin. Na hindi rin naman namin gagawin kahit ipinag utos na batiin namin siya pabalik.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now