Game 1

1.1K 69 1
                                    

Edited

Vegeia's POV

Nakuha ng atensyon ko ang mga tao sa kapatagan na nag-eesanyo ng kung ano-anong armas. Hindi ko maiwasang humanga sa tuwing ikukumpas nila ang mga hawak nilang sandata sa himpapawid. Kahit na malayo sa kanila ay rinig na rinig ko ang sigaw nila, ang bugtong hininga at pagtama ng sandata sa hangin.

Hindi na bago sa akin ang tagpong ito pero mahirap ang hindi humanga sa kanila, araw-araw silang nag eensayo kung paano dedepensahan ang sarili o lalaban mula sa mga kaaway.

Masasabi ko ding mahusay na silang humawak at gumamit ng mga sandatang ineensayo nila parati. Ngunit syempre hindi sapat ang pisikal na lakas lang, kailangan pa rin ng pag-iisip at damdamin sa pakikipaglaban.

Napatigil ako sa pag sulyap sa mga kalalakihan at kababaihan na nag eensayo ng may tumamang palaso sa katawan ng punong sinasandalan ko. Bahagya ko pang naramdam ang pagtulo ng kaunting dugo mula sa tenga ko nang madaplisan iyon ng palaso.

"Ohh..I'm sorry Vegeia, I didn't see you" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun at hindi na ako nagulat ng makita si Mareen.

Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang long bow at dalawang palaso naman sa kaliwang kamay.

Nanatili akong tahimik at tumayo, hindi ko pinansin ang sinabi niya at naglakad paalis ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay hinigit na nito ang braso ko paharap sa kanya.

"Wooooh! Go Mareen!"

"Kill that faggot loser!"

"Yeah! Teach him a lesson for ignoring you!"

Hindi ko pinansin ang pinagsisigaw ng mga kaibigan ni Mareen at tumingin sa kanya ng diretso, walang emosyon at mapapansin ang pagkabagot sa mukha ko.

"I said, I'm sorry Vegeia, hindi mo narinig?" narinig ko, sadyang hindi lang talaga ako tumatanggap ng sorry kung hindi naman bukal sa kalooban ng nagsabi nun.

Pero dahil ayoko ng away ay maliit na ngumiti ako dito at nagsalita, "Apology accepted" sabi ko at saka naglakad paalis ngunit parang ilang beses pinanganak ang babae ito sa sobrang kulit!

"Hey! Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong talikuran! Hindi ka ba tinuruan ng manners ng mga magulang mo?" nginitian ko lang siya at hindi sumagot.

Aksaya lang sa laway ang makipag usap sa babaeng 'to. Alam ko din naman ang magiging resulta nito kaya bakit ko pa patatagalin?

At tulad nga ng inaasahan ko ay ibinato ni Mareen ang pana at palaso niya sa sahig at sinugod ako. 'Agad akong naging alerto at sinangga ang sapak niya at sipa. Padamba kong ibinalik sa kanya ang kamay niya at saka siya sinipa patagilid na ikinasalampak niya sa sahig.

Akmang susugod ang mga kaibigan niya ng pigilan sila ni Mareen, "Hindi niyo ako kailangang tulungan, akin ang isang ito!" sabi nito at saka tumayo at muli akong inatake.

Nahila nito ang hanggang balikat kong buhok at kinalakadkad, sinubukan kong kunin ang kamay niya kaso masyadong mahigpit iyon! Pakiramdam ko ay parang matatanggal iyong buhok ko sa mismong anit!!

Malakas na tinulak ako ni Mareen sa punong kinasasandalan ko kanina. Napaungol ako ng tumama ang likod ko sa malaking katawan ng puno, masakit iyon at parang hindi ko na kakayaning tumayo!

Napatingin ako kay Mareen ng damputin niya ang isang palaso at lumapit sa 'kin, kinulong ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko at inilagay naman niya ang isa sa leeg ko.

Nanlaki ang mata ko ng matukoy ko kung anong gagawin niya sa palasong hawak niya!! Hindi pwede!

Nag-ipon ako ng lakas at malakas na tinulak si Mareen, napaatras siya at hindi napansin ang bato sa sahig kaya natalisod siya.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now