Game 49

264 30 0
                                    

Edited

Ennisa's POV

Hindi ko nagawang humingi ng tawad sa mga taong nakakabangga ko habang tumatakbo papunta sa bahay nila Vegeia, kailangan malaman nila tita Vega at tito Samuel kung ano ang nangyayari ngayon sa Zanaxamyr!

Nanganganib na masira ang buong Zanaxamyr dahil sa hindi kilalang virus na mabilis kumalat sa system nito, hindi ako nag-aalalang masira ang Zanaxamyr, mas gusto ko nga iyon pero nasa loob pa sila Vegeia at Daryo.

Ramdam ko na buhay pa sila sa loob at kailangan nilang makalabas!

"Tita Vega! Tito Samuel!!" mabilis ang ginawa kong pag katok at malakas na sumigaw para madinig nila ako, ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si tita Vega.

"Bakit Ennisa? May kai---"

"Kailangan niyo pong sumama sa akin ni tito Samuel sa bahay, may balita po ngayon tungkol sa Zanaxamyr" 'agad kong sambit dito.

Mabilis na kumilos si tita Vega at tinawag si tito, ganito na lang sila ka-excited na malaman ang balita sa Zanaxamyr, ginawa kasing pribado ang huling laban, tanging ang gobyerno lang ang nakakaalam at nakakakita ng laban sa loob.

Agaran kaming pumunta ng mga magulang ni Vegeia sa bahay at 'agad binuksan ang tv.

"Breaking news! The entire Zanaxamyr System is in danger of being damaged due to a uknown virus that has spread through it, the experts and even governments cannot determine who is involved in this matter, so far the system is still breathing well but it is sad to think that doctors and experts are unable to release remaining players within Zanaxamyr. According to those we interviewed, including Mrs. Farser, they said they will use the Zanaxamyr x-card to stop the virus but they are not sure if it will help or not. For more news update, just visit www.wonderlandsnews/Zanaxamyrnewsupdate. This is Rai, good afternoon!"

Napatingin ako kay daddy na tahimik na nakatayo sa bukana ng pinto sa kusina, ramdam ko ang pag-aalala niya dahil sa nangyaring ito ngayon.

"Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung ano ang mga sinabi sa balita? Ennisa" tanong ni tito Samuel na ikinatango ko lang.

Mahinahon kong ipinaliwanag dito kung ano ang nangyayari ngayon sa Zanaxamyr at tungkol sa mga manlalarong naiwan sa loob na hindi magawang mailabas ng gobyerno.

Doon na napaupo sa sofa si tita Vega na dinaluhan ni tito, napuno ng hikbi ang buong sala dahil kay tita Vega, nalulungkot ako para sa kanila. Lumapit si daddy sa kanila at marahang tinapik ang balikat nila tito at tita.

"Magpakatatag kayo, may awa ang diyos Samuel, Vega" tinanguan ako ni daddy at lumabas na ng bahay, pumunta naman ako 'agad sa kusina at kumuha ng dalawang basong tubig at ibinigay sa mga magulang ni Vegeia.

Kung may magagawa lang sana ako para iligtas siya o sila ni Daryo ay gagawin ko talaga kaso wala, hindi ko naman pwedeng gamitin ang pangalan o ang estado ni daddy dito sa Jeneiland, wala kaming magagawa kundi ang maghintay na lang.

Maya-maya rin ay nagpaalam na sila tita Vega na uuwi, akmang sasamahan ko pa sila ng pigilan ako ni tito Samuel, akala nila ay nakakaabala na sila sa akin ngunit hindi, pamilya sila ng kaibigan ko, gustuhin ko mang ihatid sila ay hinayaan ko na lang muna silang mapag-isa.

Mas masakit pa ang nangyaring ito para kina tita Vega kesa ng mawala si Vegeia sa nakaraang lebel, akala namin ay tapos na ang paghihirap niya pero may kasunod pa pala. Ngunit sino kaya ang may kinalaman o may kagagawan nito.

Hindi naman pwede na ang gobyerno mismo ang may kinalaman nito, mahal na mahal nila ang Zanaxamyr, handa pa nga nilang ibuwis ang buhay nila para lamang doon, kaya maliban sa gobyerno, sino pa ang pwedeng may gawa nito.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now