Game 39

276 31 0
                                    

Edited

Argery's POV

Hindi ko maisip na magagawa sa akin ni Arran ang bagay na 'yun kanina! Muntik na akong mamatay sa diin ng pagkakasakal niya! Pwede naman niya akong sigawan o sabihin sa akin 'yung mga sinabi niya ng hindi niya ako sakal diba? Nakakabanas lang.

Ang laki-laki ng respeto ko sa kanya, hindi dahil mas nakakataas siya sa akin, hindi dahil pinuno ko siya, nirerespeto ko siya dahil may pinagsamahan kami.

Hindi porket pagmamay-aari niya ako ay pwede na niyang gawin sa akin 'yun! Labag 'yun sa karapatang pantao ko!

Ako na naman ang nasisi ngayon, puro na lang kasi siya utos! Kung siya sana ang gumagawa, edi mas napabilis ang askyon! Hindi niya ako masisising matakot kay Yaro o kahit sa superiors, kahit pa sabihing maililigtas ako ni Dorienos mula sa paglilitis.

Kahit pa kabilang sa kanila si Zefren, maaari pa rin akong madiin at makatanggap ng parusa! Ang hirap din kasi kay Arran eh nangingielam siya sa laban na hindi naman talaga dapat!!

Sa sitwasyong ito ay dapat prente lang siyang nakaupo habang nanonood, tumatawa sa tuwing may napapatay o namamatay na manlalaro. Pero hindi! Kabaliktaran lahat!

Hindi ito ang inaasahan kong laban ngayong taon, pakiramdam ko kapag ipinagpatuloy pa ni Arran ang ganitong ginagawa niya ay malilintikan na siya kay Zefren at sa superiors!

Baka nakakalimutan ni Arran na hindi siya ang Presidente ng Wamikoe. Oo! Hindi siya ang totoong presidente o namamahala sa buong Wamikoe, presidente lang siya ng Umacrus at ipinalabas na hawak niya ang buong Wamikoe.

Ang pamilya Thelsorias ang totoong namamahala sa buong bansa, si Yaro ang sunod na hahawak at mamahala kaya ang lakas ng loob ni Arran dahil akala niya ay maililigtas siya ni Yaro mula sa paglilitis kapag nagkabistuhan na!

Pwes, nagkakamali siya! Walang sino man ang papanig sa kanya dahil mali ang ginagawa niya, ang ipinapautos niya sa aking magpadala ng tutulong kay Vegeia palabas ng Zanaxamyr.

Gusto ko din namang makaligtas si Vegeia, gusto ko ding makalabas siya at mabuhay, sino ba namang kapatid ang hahayaang mamatay ang nakababata niyang kapatid sa isang hindi ordinaryong laro diba!?

Mahalaga sa akin si Vegeia pero mas mahalaga ang buhay ko ngayon, hindi pa ako nakakapaghiganti sa apat na pamilyang bumubuo sa superiors, kaya hindi pa ako pwedeng mawala o mamatay.

Kaya alam kong maiintindihan ni Vegeia ang mga rason ko kapag nagka-aminan na. Si Arran lang naman ang makitid ang utak! Wala kasi siyang alam kaya ganun siya kung umasta!

Sa totoo nga sabit lang naman 'yang si Arran sa lahat, mamamatay din 'yan sa huli!

Pero sana, sana h-hindi pa patay si Vegeia, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag namatay siya. Gusto ko ding sabay kaming lalaban at maghihiganti sa mga sumira ng pamilya at buhay namin noon.

Hindi pa pwedeng hanggang dito lang ang lahat, hindi pwedeng hindi nila pagbayaran ang lahat ng mga kasalanan nila!

Kung kinakailangan kong magpaapi, magpaalipin, magpasakal o magpasigaw kay Arran ay gagawin ko, kung kinakailangang katawan ko na naman ang kailangan ni Dorienos ay gagawin ko!

Alam kong si Dorienos lang ang paraan ko para umangat ang posisyon ko sa Umacrus. Malabong tulungan ako ni Arran, sa sitwasyon namin ay maaaring malaman niya lahat ng binabalak ko, ang totoong katauhan ko!

Basta lahat ay gagawin ko para mabayaran ang mga kasalanan nila. Ako ang sisingil, pero sisiguraduhin kong si Vegeia ang tatapos sa mga buhay nila.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat