Game 26

349 37 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Pagka-akyat ko sa kwarto ko ay dumiretso ako 'agad sa veranda at hinayaan ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko.

Papalubog na ang araw at handa naman na ang buwan na magpasikat kasama ng mga nagnining-ningang bituin sa kalangitan. Sobrang payapa ng gabi, taliwas sa mga nararamdaman naming lahat na manlalaro.

Ilan sa amin ay bakas pa rin ang pagkalito at panghihinayang sa nangyaring biglaang pagsusulit. Naging madali naman para sa iba ang mawaglit sa isip 'yun at ipagdiwang ang mataas na ranggong nakamit.

Huli na nang sabihing pagsusulit lang iyon pero ang nakapagtataka ay para saan. Bakit kailangang magkaroon ng pagsusulit at hindi na lang idiretso 'agad sa labanan, para saan 'yung mga ranggong nakamit namin.

Aish! Sumasakit lalo ang ulo ko sa kakaisip sa mga tanong na hindi ko alam ang sagot o kung masasagot pa nga ba.

"3 hours and 43 minutes"

Tinig ng isang babae mula sa mga nagkalat na speakers sa buong Umacrus ang umalingawngaw. At ngayon siguro ay nakakaramdaman na naman muli ng takot at kaba ang ilan sa mga manlalaro.

Tatlong oras na lang ang nalalabi sa amin na manatili ngayon dito sa labas. Tatlong oras na lang din bago tuluyang maging buong bilog ang buwan.

Isang hudyat na magsisimula na ang laban sa Zanaxamyr, na oras na para sumalang ang mga manlalaro sa laban.

Hindi ko maiwasang mapaisip na maaaring may ilang Meir din sa Zanaxamyr at nakakatiyak akong ang mga kagaya ko na lang ang matitira sa huling lebel ng laban. Hindi daw pangkaraniwan ang gaya naming mga Meir, may kakayahan kaming pumatay ng ilang segundo.

At sa ilang segundo lang na 'yun ay ang mga normal na tao lang ang mamatay at ang mga Meir ang huling nakatayo sa huling lebel ng laban.

"Anong kailangan mo?" kaagad kong tanong sa kakapasok lang sa kwarto ko nang walang pahintulot ko mismo!

"Ang lakas naman ng pakiramdam mo hahaha! Sobra pa nga sa sobra ang pag-iingat kong pumasok dito pero nalaman mo pa din hahaha" hindi ko siya tinignan at tumikhim na lang.

"Iba ang enerhiyang dala ng katawan mo na hindi katulad sa iba. At isa pa, masyado na akong pamilyar sa presensya mo kahit bilang palang sa daliri ang pagkikita natin..Miss Argery"

Pagkalingon ko sa kanya ay nakita ko siyang nakasandal sa pintuan ng veranda at nakangiti habang nakatingin sa akin. Iniripan ko lang siya ng makita ko muli ang ngiti sa labi niya.

Hindi ko alam pero naiinis ako sa ngiti na 'yun, at the same time ay parang pamilyar sa akin ang ngiting iyon, 'yung tipong madalas ko makita 'yun kahit hindi naman.

Inalis ko na 'agad sa isip ko ang mga isipin na 'yun at muli ko siyang tinanong kung bakit siya nandito sa kwarto ko na hindi man lang niya binigyang sagot o pansin kanina!

"Rank 53? Bravooo ha ha ha!" sarkastikong sambit niya habang nakatanaw na sa kalangitan sa tabi ko.

"Bakit ba ang big deal sa inyo ang ranggo na 'yan!? Tsaka hindi namin ginustong mapunta sa 'ganong kababang ranggo, wala kaming kaalam alam sa nangyari kanina! Hindi kami naging ha---"

"Sinadyang hindi sabihin 'yun! At anong sinasabi mong hindi naging handa 'yung mga nakakuha ng mababang ranggo gaya mo? Sa tingin mo ba ay handa 'yung mga nakakuha ng mataas na ranggo? Hindi Vegeia! Ginusto niyo man o hindi, handa man kayo o hindi. Dapat nanatili kayong matapang at nasa mataas na ranggo!!" ano bang pinuputok ng butchi mo Miss Argery? Hindi naman tayo ganun kamalapit sa isa't isa pero kung pagsabihan mo ako ng ganyan para kang isang magulang na hindi natuwa sa inasta ng anak!

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now