Game 40

286 29 0
                                    

Edited

Daryo's POV

Level 4 - CURSE OF JALINDO'S CRUISE SHIP

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang tagpo sa paliparan kanina. Kung paano bumagsak ang dalawang poste sa kinatatayuan ni Vegeia.

Narinig ko pa siyang sumigaw at humingi ng tulong na kinalaunan ay nawala din. Patay na siguro. Isa sa bagay na...gusto kong mangyari haha! Hindi ako nakakasiguro kung nakita niya ako pero wala na akong pake, patay na rin naman na siya!

At dahil patay na siya, tiyak na ako na ang mananalo sa Zanaxamyr. Wala nang makakahadlang sa mga plano ko, at kung may humadlang man, ihanda na niya o nila ang sarili nilang libingan.

Pero kahit patay na si Vegeia ay nakaramdam pa rin ako ng inis nung una dahil nakaabot si Vegeia sa third level, hindi din siya napatay ni Mareen sa laban nila!

Hindi ako sigurado kung anong ginawa nung inutusan ko sa mga sponsors na para kay Vegeia na hindi nakarating haha! Umaayon ang lahat sa plano ko, pero lahat ng inis at galit na nararamdam ko ay napalitan ng saya ng makita ko kung paano unti-unting namatay si Vegeia, hindi man sa mga kamay ko.

Ang pag-asa niyang manalo sa Zanaxamyr ay ibinigay niya sa akin. Ako ang magwawagi sa taong ito.

Huwag kang malungkot Vegeia kung 'nasan ka man ngayon, ipagtitirik kita ng kandila at dadalhan ng bulaklak sa libingan mo, isa sa mga magandang mangyayari na ginawa ng 'pinakamatalik' mong kaibigan.

Hindi ka kasi sana mamatay kung nagpakamatay ka na lang din bago pa magsimula ang Zanaxamyr o kung sumama ka na lang kila Galio! Isa pang g*go 'yun! Nasayang ang binayad ko sa kanila! Mga hindi marunong kumilos ng malinis, mga inutil!

Sa katangahan nila ay napunta tuloy sila sa kulungan, kasalanan na nila 'yun at kabayaran dahil hindi nila nagawang dispatyahin si Vegeia!

Bago ako muling maglakad ay sumulyap ako sa asul at malawak na karagatan. Bahagya pa akong tumingala at tinanaw ang mga ibon at hindi maulap na kalangitan.

Naaamoy ko na ang pagkapanalo ng isang Daryo Harpsody.

Maaaring nagugulumihan kayo ngayon kung ano ang nangyari sa akin. Wala namang nangyari, hindi naman nabagok sa semento ang ulo ko, hindi ako sinaniban ng masamang kaluluwa at mas lalong hindi ako inutusan ng kung sino man.

Ako pa naman ito, ang gwapo at mabait na si Daryo, ow ow ow, naiwan na nga pala sa labas 'yung 'mabait na Daryo'.

Sabihin na lang nating itong nasa laban ngayon ay katauhan kong matagal ng nakakubli sa mabait na Daryo.

Mahal ko si Vegeia, parang kapatid na ang tingin ko dun, pero alam ko sa sarili kong ang lahat ng mga tao sa paligid namin ay naniniwalang mananalo siya dahil malakas siya!

Alam ko ang bagay na 'yun, na malakas siya at maabilidad, na may kakayahan siyang pumatay sa ilang segundo lang dahil isa siyang Meir! Magkatulad lang kami pero mas malakas ako!

Alam ko din naman sa sarili kong may pag-asa nga siyang manalo sa Zanaxamyr pero iyon ang hindi ko matatanggap! Hindi ko matatanggap na manalo siya! Na hangaan siya nang lahat! Hindi naman kailangan ni Vegeia 'yun eh, hindi niya kailangan ng lahat ng 'yun.

Ang gusto niya lang naman ay makaligtas, makalabas ng buhay sa laro. Kaya nagkaroon ako nang pag-asang manalo pero habang buhay si Vegeia, mawawala iyong pag-asa kong makamit ang pagkapanalo.

Kaya nangyari ang lahat ng ito. Ginawa ko ito dahil gusto kong manalo at makaalis ng Jeneiland, sa t*nginang mahirap at mababang lungsod na 'yun!!

Pagod na akong tumira sa lungsod na 'yun, sawa na akong alipustahin at tapak-tapakan ng mga taong nakakataas sa akin! Hindi ko na kayang minamaliit ako ng lahat.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now